Archive for the ‘Showbiz Real Life Drama’ Category

P60K for Baby Calix Andrea

Enero 4, 2008

Ayon DITO, heto ang hinihinging monthly allowance ni Carlene Aguilar para sa baby nila ni Dennis Trillo:

• Food allowance (milk, vitamins, water)……………………………………………P10,000 (Oo nga naman, kailangang kumain ng bata)

• Home/lodging allowance ………..P10,000 (May sarili ata siyang bahay, hehe…)

• Clothing allowance ………………..P10,000 (Every month?!)

• Utilities…………………………………………….P5,000 (For what?)

• Travel allowance ………………………P5,000 (O sige, I’ll let this slide. Mahal ang gas.)

• Laundrywoman’s salary …………..P4,000 (Dapat damit lang ng bata ang lalabhan ni Manang)

• Yaya salary …………………………….P6,000 (Uuwi akong Pilipinas, papasok na lang akong labandera at Yaya)

• Doctor’s fee & vaccinations ………P5,000 to P10,000 (Every month?!)

• Total amount …………………………P50,000 to P60,000 per month.

Loko mo, Dennis. Kailangan mo ng mag-ipon ng mag-ipon. Lunk-lunukin mo na lang ang laway mo para makatipid sa sopdrinks. Siempre pag nag-aral na sa nursery ng anak mo kailangan na niya ng Macbook Pro, Latest cellphone, iPod at Jaguar. Joke, joke, joke.

Seriously, wala akong anak at wala ako sa Pilipinas not to mention na matagal na rin akong wala sa Pilipinas. Ito na ba talaga ang halaga ng pagsusustento sa mga bata nowadays? And matanong ko lang, what is Carlene doing (or since kapapanganak pa lang niya, intending to do later) to contribute to the financial needs of their child? Curious lang.

Advertisements