Archive for the ‘Sineserye Presents’ Category

MALIGNO – Episode 20 (Finale)

Mayo 23, 2008

“ANG ALAY NG INA”

Nalaman ni Angela na lahat nang nakilala nya ay parte nang araw na itinakda. Kinuha ni yaya si Angelo pero hindi pumayag si Angela at pilit nyang kinukuha and kanyang anak. Dumating si Hector, gustong magpaliwanag pero galit sa kanya si Angela at ayaw maniwala. Gusto sanang ilayo ni Hector si Angela pero biglang dumating si Joaquin (kasama si Elaiza) at pinukpok sya sa likod. Pinapasama na nila Joaquin si Angela sa kanila pero humadlang si yaya, kaya pinukpok sya ni Joaquin sa may ulo. Gustong isama ni Angela ang anak, sinasabihan sya nila Elaiza na anak ito nang demonyo. Ayaw sumama ni Angelo sa ina.

Sinabi ni Angela na papatayin si Angelo para masakop nang kasamaan ang buong mundo, at hindi daw nya hahayaan mangyari iyon dahil mahal na mahal nya ang anak. Tumakas na sila kasama si Angelo at sumakay sa kotse. Nagkamalay si Hector at tinatawag si Angela. Pinapaandar ni Joaquin ang kotse pero ayaw nitong mag-start. Lumabas si Joaquin para ayusin ang makina nang kotse. Pagbaba nang hood, si Dumlao na ang nakita nila, wala na si Joaquin.

(more…)

MALIGNO – Episode 19

Mayo 22, 2008

“TAKAS NA ANGELA!”

Nag-iiyakan ang mga miyembro nang kulto dahil sa pagkamatay ni Lucas. Habang iniiyakan ang bangkay ni Lucas ay sinasabi naman ni Dumlao sa mga kasapi na mabubuhay si Lucas, kasama nang ilan nilang kasapi na namatay, at iyon ay sa kaarawan ni Angelo. Sa araw na iyon ay magiging kanila din ang daigdig. Nandoon si Rio Locsin at nakikiusisa. Nang makita nya ang bangkay ni Lucas, napansin nya ang birthmark sa may wrist nito. Nag flashback kay Rio Locsin kung ano ang nangyari sa kanya – nahuli sya nang mga kasapi sa kulto, at habang nakatali sya sa isang puno ay tinatanong sya kung saan nya itinago ang kanyang anak (si Angela.) Ayaw sabihin ni Rio Locsin, kahit patayin pa daw sya. Pinarusahan sya at tinatakan ang kanyang mukha (kaya may peklat sya sa may pisngi) ~ end of flashback.

Nagsisisigaw si Rio Locsin at hinablot ni Dumlao ang kanyang buhok at sinabing may darating na kaparusahan sa kanya sa araw nang kadiliman. Sinasabihan ni Rio Locsin ang mga kasapi na umalis na sila. Nakatakas sya sa pagkakahawak kay Dumlao. Sinisiguro ni Dumlao na mapaparusahan si Rio Locsin sa pagdating nang kadiliman.

(more…)

MALIGNO – Episode 18

Mayo 21, 2008

“MAMAHALIN O PAPATAYIN?”

Pag gising ni Angela ay nandoon na si Angelo sa kwarto nila, naka-ready na to go to school. Humingi nang sorry si Angela dahil hindi sya nagising nang maaga. Dumating si Hector at sinabing si yaya nalang daw ang maghahatid kay Angelo sa school. Meron na din daw tinawagan si Hector para may makasama si Angela sa bahay – si Charlie. Sinabi ni Charlie na tinawagan daw sya ni Hector para may makasama si Angela, nag-leave daw sya sa work for one week.

Nagising si Joaquin (nag-stay sya sa condo ni Elaiza) dahil ginising sya ni Elaiza. Umiiyak parin si Elaiza at tinanong sya ni Joaquin kung ayaw ba nitong magsumbong sa pulis? Umiiyak na sinabi ni Elaiza na kung nakita lang daw ni Joaquin ang nagtangkang pumatay sa kanya, hindi sya pupunta sa pulis kundi sa simbahan.

(more…)

MALIGNO – Episode 17

Mayo 20, 2008

“ELAIZA, KATAPUSAN MO NA!”

Na-shock si Joaquin sa nakita sa screen nang camera. Napansin nila na parang may problema, tinanong nang fan kung sira ang camera. Humingi naman nang sorry si Joaquin at pinagpatuloy ang pag-take nang picture. Nang umalis na ang fan, napansin ni Elaiza na balisa parin ito, tinanong nya kung ok si Joaquin. Sinabi ni Joaquin na parang may nakita sya.

Hinatid ulit ni Joaquin si Elaiza sa office. Tinanong nya si Elaiza kung sigurado ba itong ayaw pa nitong umuwi. Inalok ni Joaquin na sasamahan nalang nya si Elaiza, pero tumanggi ito at sinabing mas makakapag-trabaho sya kung mag-isa lang sya. Tinanong ni Joaquin why is Elaiza pushing him away? Sinabi ni Joaquin nung umalis daw si Angela ay ok na ok sila, tapos bigla-biglang naging cold daw si Elaiza sa kanya. Medyo nairita si Elaiza kay Joaquin. Hinulaan ni Joaquin na baka daw hindi pa tinitigil ni Elaiza ang kaso ni Angela. Hindi sumagot si Elaiza. Akala daw ni Joaquin ay titigilan na ni Elaiza si Angela.

(more…)

MALIGNO – Episode 16

Mayo 19, 2008

“SA PILING NG MGA KAMPON”

Naglakad lang pauwi si Angela at napansin nyang puros naka-puti ang mga tao doon. At sa tuwing dadaan sya ay humihinto ang mga tao para yumuko sa kanya. Medyo kinakabahan si Angela sa mga kinikilos na kakaiba nang mga tao. Pag daan nya ay nakita sya ni Rio Locsin; tinawag nya si Angela. Kapansin-pansin na hindi makalapit sa lupain ni Rio Locsin ang kampon ni Lucas.

Hinatak ni Rio Locsin si Angela kung saan safe sila. Sinabi ni Rio Locsin kay Angela na magdidilim na at pina-aalis nya ito sa lugar na iyon. Sinabi ni Angela na doon sya nakatira. Maniwala daw sa kanya si Angela at pinipilit nyang umalis si Angela doon. Biglang umihip ang malakas na hangin at natakot si Rio Locsin kaya umalis agad ito at iniwan na si Angela. May mga taong nanonood sa kanila (mga kampon ni Lucas), nagtanong si Angela kung sino daw ang babaeng iyon, pero hindi sya pinansin o kinausap man lang at biglang nag-alisan ang lahat.

(more…)

MALIGNO – Episode 15

Mayo 16, 2008

“MAHAL KONG TRAYDOR”

Hinatid na ni Joaquin sa bahay si Elaiza pero napansin nya na tahimik ito. Tinanong ni Joaquin kung bakit, huwag daw sabihin ni Elaiza na nalulungkot sya dahil aalis na si Angela? Ayaw ba daw ni Elaiza iyon, wala nang magte-terrorize sa kanya. Medyo wala sa mood si Elaiza kaya nagpaalam na kay Joaquin. Pinigilan ni Joaquin na bumaba nang kotse si Elaiza at nag-alok na tutulungan nyang maglipat si Elaiza sa bagong titirhan dahil bukas na sya lilipat. Hindi tinanggap ni Elaiza ang offer, bad trip kasi sya. Pag pasok ni Elaiza sa kwarto ay sumigaw ito at nag-iiiyak. Galit na galit sya dahil masaya si Angela at hindi daw sya makakapayag. Nagwawala at pinagtatanggal ni Elaiza ang mga clippings sa wall nya at may nakita syang isang article at medyo natigilan sya. Iyon ay ang article tungkol sa kanyang inang nagpakamatay dahil daw ito ay isang mangkukulam. Sinabi ni Elaiza na hindi nya bibitiwan ang pangako sa kanyang ina at maghihiganti parin sya.

Dumating na sila Hector at iba pa sa probinsya. Kaya lang, nakita nila na may isang grupong naka-puti at nakaharang sa daan. Binusinahan ni Hector ang mga ito pero ayaw tumabi. Bumaba si Angelo at sumunod na din sila Angela.

(more…)