Archive for the ‘Palimos ng Pag-Ibig’ Category

A Woman’s Place in the World According to Palimos ng Pag-Ibig

Abril 20, 2007

Muntik na akong maunang madedo kay Fina sa taas ng presyon ko sa kakapanood nitong last episode nito. Tama nga si Lydia (nagcomment siya sa another entry ko about this).

To recap: Hindi magka-anak si Fina, so ang asawa niyang si Rodel, nag-hanap ng baby maker, si Ditas. SIempre nagalit si Fina, hindi naman niya hininging maging baog siya, mas lal namang hindi niya hininging makabuntis ang asawa niya. Grabe, ultimate slap on the face yun ha. Baog ka tapos mag-aanak sa iba yung asawa mo. Siempre noong una hindi niya matanggap, pero sabi ng mga scriptwriter, tanggapin daw. Napamahal na rin sa kanyayung dalawang bata.

Tapos milagrong nagbuntis si Fina, delikado nga lang ang pagbubuntis niya. So gumagawa siya ng mga pagkakataon para mapalapit si Rodel at Ditas sa isa’t isa. (Which reminds me of a movie nina Maricel Soriano or Vilma Santos at Christopher de Leon). Tapos nadedo si Fina.

Hindi ko naman ikinakaila ang kasiyahang dulot ng mga bata sa isang pamilya.

Kaso nga lang: Paano kung hindi ka magkaanak? Does that mean you are disposable? That you should be subjected to all the pain in this world? Does that that because you can’t grow a child inside me, your life won’t have a meaning anymore?

Bakit pinatay si Fina sa istorya? Kasi iyon ang gusto ng scriptwriter. Pero feeling ko pinatay siya kasi ang “totoong pamilya” sa kanila ay sina Rodel at Ditas. Nevermind daw the circumstances that led to that event as long as they’re complete. Naku ha.

Ang Pagtutuos nina Fina at Ditas

Abril 15, 2007

Isang linggo na akong hindi nanonood ng Palimos ng Pag-Ibig. Baka kasi matapon ko lang iyong TV namin sa sobrang muhi ko sa programang iyon. Kaso lang nakita ko sa preview this week sasampalin at sasabunutan ni Fina si Ditas.

Aba, cat fight to ha. Mapanood nga…

Pero kung sabagay, hindi mo naman masisisi si Ditas, kasi gaano man niya gustong limutin iyong mga anak niya, sa kanya pa rin sila nanggaling. Eto naman kasing makulit na Rodel na to sabi ng layuan na siya para hindi siya mapamahal sa mga anak niya. Pero siempre kampi pa rin ako kay Fina, dahil among all of them, siya lang naman ang walang choice doon sa nangyaring iyon.

Sige na nga, bago ko tuluyang makalimutang serye lang pala to at hindi totoong istorya nung kapitbahay namin.

Palimos ng Pag-Ibig

Marso 21, 2007

Nabubiwist ako sa buong notion ng teleseryeng to. Pero obviously pinapanood ko pa rin. Napanood ko kasi iyong pelikulang saan ibinase ang show na to. Parang trip back to nostalgia.

Alam ko kailangan nilang magdrama, pero just sa totoo lag this whole obssession about having children is a reflection of our society (probably, more of Filipino culture than Canadian — nasa Canada po ako). Kagaya nitong mga recent episodes, nalaman na ng character ni Rica na gumamit ng “babymaker” iyong character ni Deither iyong walang talent na si Kristine Hermosa. Sorry, hindi ko alam mga pangalan nila doon. Tapos parang feeling ko pinapalitaw pa nilang OA si Rica.

E sila kaya ang hindi magka-anak tapos biglang dumating iyong asawa nila, may karga-kargang bata at sasabihin sa iyong: “Hoy, asawa ko na may walang silbing uterus, nakipag-sex ako sa isang babaeng umaandar ang matris about 9 months ago. Eto ang finished product. Ituring mong parang anak mo na rin ha? Case closed. Go on.”

Siempre magrereact iyong tao. Kung ako iyon, pinalayas or nilayasan ko na siya. Naku. And I know people expect Rica’s character to forgive him. Dahil “lalake siya at nangangailangan ng anak.” Pwe. In a way, they’re saying na kasalanan niyang hindi siya mag-kaanak, and she owes to his husband a forgiveness of his indiscretions.

So, kahit na malaking sampal sa pagmumukha mo iyon, basta maprove lang niyang kaya nyang magfertilize ng oocytes, okay lang? Okay lang na saksakin mo sa likod ang asawa mo at buhusan mo ng muriatic acid iyong sugat niya?

Ayan, tapos na akong mag-rant. Mag-rereview pa ako, may test ako bukas. Pero papanoorin ko pa rin siguro ang show na iyon 😈 .