Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Lobo, Episode 106

Hunyo 25, 2008

Hindi sinabi ni Gabby ang nalaman niya tungkol kay Anton kay Noah. Sinabi niyang sinusundan niya si Ylvana pero mali pala siya at hinahanap rin daw pala nito si Lyka.

Sigaw ng sigaw si Lyka noong nararamdaman niyang paalis na si Noah.

Naririnig ni Trixie ang pag-uusap nina Annie at Tikboy tungkol sa maaring pagpapalit ni Annie ng balat sa susunod na full moon. Excited na nga raw siya dahil gusto niyang maging kasing lakas kagaya ng nanay niya. Noong nakita ni Tikboy si Trixie, umalis na lang si Trixie ng hindi sila pinapansin.

My Girl, Episode 05

Mayo 30, 2008

Hinabol ng mga tauhan ni Asyong si Jasmine at ipinagtanggol siya ni Niko.

Humingi ng trabaho si Jasmine kay Julian pero inisnab siya nito at sinabing bumalik na lang siya kinabukasan. Gumawa ng eksena si Jasmine pero hindi na natinag si Julian, binigyan na lang niya ito ng pera. Naawa naman si Sheila at pina-fill up niya ito ng application for at pinautang pa niya ng P10,000.00 para masundan ni Jasmine ang tatay niya.

Nakakita si Julian ng dating kakilala ng tiyahin nito sa Cebu. Nasa picture si Chito at dati palang magkapitbahay ang mga ito sa Cebu pero hindi na maalala ng lalaki ang pangalan ni Chito.

Lumalala na ang kalagayan ni Lolo Daddy ni Julian. Sinabi ng doctor the he lost the will to live.

Nagpasya si Julian na kunin na si Jasmine para magpanggap na pinsan  niya.

Lobo, Episode 77

Mayo 15, 2008

Siempre gets na ni Silva na si Noah ang tinutukoy ng madaldal. Binalaan na rin niya sa pagkakasundong mangyayari kaya hind magiging madali na gawin iyon. Kaya magiging magiging malapit daw si Noah sa huling bantay kung mangyayari iyon. Galit, pasakit at paghihiganti daw ang puhunan ni Silva, at kamatayan ng ilan. Mag-ingat daw si Silva dahil ang huling bantay pa rin ang susi sa kaligtasan ng lahi nila.

Mangyayari pa rin daw ang nakatakda (aba, line ni Mang Andres yan a!), subukan daw niya at lalayo sa kanya ang taong iyon.

Pagkatapos daw ng pulang buwan, magiging pinakamahina ang huling bantay. Matinding gulo daw ang kapalit ng ninanais ni Silva, magiging palagay daw ba ang loob niya kung mangyayari iyon?

(more…)

Happy Mother’s Day!

Mayo 11, 2008

Image from Google.

Iisa Pa Lamang

Abril 22, 2008

Gabby Concepcion to be paired with Claudine Barretto in “Iisa Pa Lamang”

Kasabayan ng last presscon ng When Love Begins sa main dining hall ng 9501 restaurant ng ABS-CBN kaninang tanghali, April 22, dumating si Ms. Susan Roces kasama ang tumatayo niyang manager na si Dolor Guevara. A little while later, lumapit naman sa amin si director Ruel Bayani. Nandoon siya para naman sa story conference ng pinakabagong primetime soap ng ABS-CBN, ang pagbabalik-trabaho ni Gabby Concepcion na may titulong Iisa Pa Lamang. (Read More…)

Thoughts?

ASAP`08 04-20-08: Angel Locsin’s Birthday

Abril 20, 2008

Naks, nag-dirty dancing si Angel Locsin. No offence, Luis pero sana silang dalawa na lang ni Piolo ang sumayaw. Langya for a moment akala ko mahuhulog siya when the dancer lifted her. Hehe.

She’s got promise pero she does not look that confident yet (in dancing and singing). Practice pa.

Ayan kinantahan pa siya ng mga pogi (Jake, Joross, Piolo, Sam, etc…). Putek, andami niyang sponsors ha!

Happy Birthday, Angel.