Archive for the ‘Walang Kapalit’ Category

Walang Kapalit, Finale (Episode 95)

Agosto 31, 2007

Eto na po ang ending…(after the jump na lang baka meron pag hindi nakakapanood…)

(more…)

Advertisements

Walang Kapalit, Episode 94

Agosto 30, 2007

Apat na pulis, si Melanie, Noel, at Brian…natakasan ni Cynthia. 🙄

Patuloy pa rin ang paghahanap nila kay Cynthia. Sabi ni Noel kay Melanie, doon lang siya, so hindi nakisama si Melanie sa paghahanap.

Nakapunta sa rooftop sina Cynthia at Ernest. Nasa tuktok na raw sila ng beanstalk, sabi niya kay Ernest. Tinanong niya si Ernest kung gusto talaga nitong sumama sa kanya. Tumango si Ernest. Isinampa ni Cynthia si Ernest sa ledge ng rooftop.

(more…)

Walang Kapalit, Episode 93

Agosto 29, 2007

Tinanong ni Noel si Ernest kung gusto niton makita ang mommy niya. Tumango naman ang bata, at sinabi ni Noel na kailangan muna niyang kumain at uminom ng mga gamot nito.

Paulit-ulit na sinasabi ni Cynthia na sandali na lang at matutupad na ang mga plano niya.

Hindi pa rin okay sina Melanie at Noel.

Nakalabas na si Ernest sa ospital.

Ayan, 5th birthday na ni Ernest. May malaking party, may mga clowns at magicians pa. Nandoon din sina Brian at Diane.

(more…)

Walang Kapalit, Episode 92

Agosto 28, 2007

Pinuntahan ni Brian si Cynthia para sabihin sa kanya na gumawa naman ito ng kabutihan sa buhay niya. Gumawa raw muna ito ng mabuti bago siya magpkamatay, huwag na raw niyang ipantakot ito, sabi ni Brian.

Hinahanap ni Ernest si Victor. Nilibang na lang siya ni Melanie. Sinabi ni Ernest na huwag daw siyang iiwan ni Melanie. Naluha naman si Melanie sa sinabing ito ng anak niya.

Nasa kotse si Victor at luhaang inaalala noon una silang nagkita ni Cynthia, noong nag-attempt itong magbigti, noong magka-inlove-an sila, noong ikinasal sila, noong nalaman niyang mahal pa rin ni Cynthia si Noel, at noong huli niyang dinalaw si Cynthia at naroroon si Noel. Nagpakamatay si Victor. Tsk. Tsk.

(more…)

Walang Kapalit, Episode 91

Agosto 27, 2007

Sinabi ni Moody kay Vanessa na parang nakipagkasundo na rin sina Melanie sa demonyo sa pakikipag-usap nito kay Cynthia.

Ayaw na raw makialam ni Brian dahil sagad na raw siya. Si Cynthia na lang daw ang asikasuhin niya sabi ni Diane, dahil siya ang puno’t dulo ng kaguluhang ito.

Pnapalakas na naman ni Ceding ang pinanghihinaang loob na si Noel.

Nagising si Melanie na wala si Ernest sa tabi niya at narinig niya itong umiiyak (anong klaseng Yaya siya, hindi man lang siya nagising noong bumangon si Ernest). Nakita niyang sinasabihan ni Victor si Ernest na si Melanie ang tunay niyang nanay ng paulit-ulit. Aalis na raw siya sabi niya kay Melanie. Hinabol siya ni Melanie, hindi pa raw malapit ang loob ni Ernest sa kanya 🙄 , etc. etc. Sabi ni Victor puro na lang sila ang iniintindi niya, this time sarili naman niya ang aasikasuhin niya. (Tama ka diyan!)

(more…)

Walang Kapalit, Episode 90 — Updated

Agosto 24, 2007

Sorry guys, late na to nagloloko kasi ang WordPress kagabi hindi ako makalog-in.

Namamalantsa si Ceding noong dumating si Noel. Tinanong niya kung gusto nitong kumain pero umiling lang si Noel. Kahit ano ang tinatanong niya wala lang itong kibo. Noong tinanong ni Ceding kung may nakalimutan daw ito.

Nakalimutan daw niyang magpasalamat kay Ceding at nakalimutan niya ang mga sakirpisyong ginawa nito para sa kanya.

(more…)