Archive for the ‘May Minamahal’ Category

May Minamahal, Episode 30

Hulyo 13, 2007

Bati na sila.

Isinama ni Darlene si Bombit sa bahay nina Becky upang mag-dinner. Okay naman ang pagtanggap sa kanya ni Becky, noong naglaon pati na rin ng mga half-siblings niya. Akala ni Darlene kaya wala sina Carlitos kasi hindi niya matanggap si Bombit. Naglalaro sila ng Twister, noong dumating sina Monica at Carlitos para ibalita na buntis si Monica. Kaya masaya ang lahat.

Nag-heart to heart talk sina Bombit at Carlitos. Okay na sila.

Nagsalou-salo sina Monica at Carlitos, kasama ang mga pamilya nila.

Nag-resign na sa trabaho si Monica, babalik na lang daw siya pag nakapasa na siya ng board exam.

Okay na rin sila ni Mandy. In fact, pinuntahan nila (Trina, Mandy, Pinky) si Monica at nakipagbonding sila sa kanya.

Ayon kina Felix at Gloria, nakita na ni Felix ang P2 M na time deposit ni Ronald, sa kaibigan pala niya ipinatago ito at ininvest sa lupa. May American company na gustong bumili ng lupa for P40 M. Ang problema, nakapangalan ito kay Bombit at sa Tagle Realty, 50-50 daw sila. Sabi ni Gloria huwag na lang daw ipaalam kay Darlene para makuha nila lahat ng pera, dahil may utang na naiwan si Ronald na nagkakahalagang P30 M, so kahit makuha niya ang share nila, may utang parin silang P10 M.

Sinabi pa rin ni Becky kina Darlene at Becky. Pero ipinaalam pa rin ni Gloria ang tungkol sa dapat bayaran ni Becky. Hindi na kinuha ni Bombit ang share niya, ibinigay na lang niya ito lahat kina Becky. Awww…

Ayan kinanta na ang theme song…ipinakita mula noong nagbubuntis si Monica hanggang sa manganganak na siya at dinala na sa ospital. (Teka bakit doon pa rin sila nakatira? May pera na sina Becky, a…)

Sabi ng nurse kina Becky, lalake ang anak ni Monica. Sabi ng isang nurse kina Cenon, babae.

Kambal pala!

Ayan kinanta na naman ang theme song ng sineserye, this time sina Oyo Boy at Anne nag-duet.

Ipinakita ang mga bloopers 😀 .

Ay, tapos na…

Next week: Natutulog ba ang Diyos.

Advertisements

May Minamahal, Episode 29

Hulyo 12, 2007

Umalis na si Carlitos dala ang mga bulaklak na dala niya. (Sus, lumang istorya na iyan…)

Nakita ni Mandy ang ex-boyfriend nito may kasamang boyfriend. Pero bati na sila tanggap na ni Mandy ang nangyari, binentahan pa nga niya si Mandy ng ticket para sa Bikini Open.

Alam na ni Bombit na siya ang anak ni Darlene. Nafigure out niya kasi hindi naman ipapakasal si Monica kay Carlitos kung magkapatid sila sa ama, imposible naman si Jun dahil nakita niyang nagbuntis ang Nanay niya dito. Galit na galit siya kay Darlene, sana ipinalaglag na lang daw siya nito para hindi nagkagulo ng ganito. Nag-walk out si Bombit, hinabol siya ni Darlene. Kahit anong explanation ni Darlene, galit pa rin si Bombit, umalis ito, naglakad-lakad habang na-rereminisce…

Inidadaing ni Carlitos kay Leo na palagay niya may gusto talaga kay Monica ang boss nito. Mag-usap daw silang mag-asawa, mas mabuti pa.

Aalis na lang daw muna si Darlene, babalik na lang daw ito pag natanggap na siya ni Bombit. Saktong dumating si Bombit noong nagpapaalam si Darlene kay Cenon…nagbati na rin sila. Niyakap ni Bombit si Cenon at nagpasalamat sa lahat-lahat, tatay pa rin niya daw ito.

Nalaman ni Monica na buntis siya, pagdating ni Carlitos sasabihin na sana niya, kaso wala sa mood si Carlitos, so hindi na niya sinabi. Kinaumagahan, tinawagan ni Monica ang tatay niya, eksakto narinig lang ni Carlitos, iyong “I love you.” Sabi niya kay Monica, baka si Vaughn daw iyong kausap niya. Sa sobrang inis ni Monica, hindi niya dineny ang accusations ni Carlitos.

Sa gitna ng argument nila, nasuka si Monica sa t-shirt ni Carlitos. Ang tangang Carlitos naman, akala niya hang-over naman iyon.

Isinama ni Darlene si Bombit para bumili ng damit na isusuot niya pag ipinakilala siya nito sa pamilya ni Becky bilang anak nila ni Ronald.

Pinuntahan ni Vaughn si Carlitos para sabihing buntis si Monica para magkaayos na sila. Tuwang-tuwa namang nagtatalon si Carlitos.

Pag-uwi ni Monica, may sorpresang bumungad sa labas ng bahay nila…

May Minamahal, Episode 28

Hulyo 11, 2007

Nag-iiwasan sina Monica at Carlitos dahil galit pa si Monica sa kanya, at hindi pa siguradong hindi sila magkapatid kaya pinatulog niya ito sa sahig.

Nasa ospital pa rin si Becky.*Insert ang makabagbag damdaming speech ni Trina*

Na-confirm na ni Monica na hindi siya ang anak ni Darlene.

Sinamahan nina Monica at Carlitos si Darlene kay Becky. Ibibigay na ni Darlene ang lahat ng perang meron siya, $368,000 ang total, huwag lang daw niyang kukunin ang bahay sa Cebu. Kapag nakaluwag daw siya huhulugan niya ang share ni Ronald sa bahay. Humingi ito ng tawad kay Becky sa lahat ng pagkakamali niya. Pinatawad din niya ito…”Let’s move on” daw.

Habang naghihintay sa labas sina Monica, nagkasagutan sila ni Trina.

Galit pa rin si Bombit kay Darlene, kaya ayaw makipag-ayos nito sa kanya kahit utos pa ng tatay niya.

*Insert niyo na rin ang drama ni Pinky dito*

Nabigla si Gloria dahil hindi niya inaasahan na nandoon si Darlene sa bahay ni Becky. Gustong makita ni Becky ang anak nina Ronald at Darlene. Aayusin lang daw muna ni Darlene at ipapakilala niya ito sa kanya.

Nakita ni Bombit ang picture ni Darlene noong buntis pa siya. Kulang daw ang pera nilang pambayad ng bills, pero wala si Monica, si Carlitos na ang nagbigay. Babayaran na lang daw ni Monica sabi ni Bombit. Nag-confirm naman si Bombit kay Cenon kung totoong may anak ang “Tita Darlene” niya. Siya na lang daw ang tanungin niya…

Hindi ni alam kung paano sabihin kay Bombit ang totoo. Sabi ni Monica mag-dinner na lang daw sila sa apartment nila. (Hindi na sila nadala sa mga dinner revelations nila…)

Papunta si Carlitos sa trabaho ni Monica ng mapuwing ito at inaalis ni Vaughn (tama ba name niya? yung boss ni Monica)…

May Minamahal, Episode 27

Hulyo 10, 2007

Note: Short summary na lang muna ha, medyo busy e.

Nalaman na nina Becky and family na may anak sina Ronald at Darlene. Pinuntahan ni Pinky si Monica para itanong kung alam ba niyang may anak ang Tita Darlene nito, pero wala namang alam si Monica.

Pinuntahan ni Darlene si Cenon para minsan pang humingi ng tawad sa kanya at para na rin humingi ng suporta sa kanya. Inamin niya dito na may anak siya at ang batang ipinaampon niya kina Cenon noon ay anak niya, hindi ng kaibigan niya kagaya ng ipinaniwala niya kay Cenon.

Narinig ni Monica ang usapan nina Cenon at Darlene. Naisip nito na baka siya ang batang iyon at magkapatid sila ni Carlitos sa ama. Sinabi niya ito kay Carlitos pag-uwi niya sa bahay…

May Minamahal, Episode 26

Hulyo 9, 2007

Hinabol ni Pinky si Monica para ihingi ng paumanhin ang inasal ni Mandy sa kanya. Sinabi nito na hindi raw galit si Pinky kay Monica, sa kabila ng mga nangyari.

Nagtalo sina Carlitos at Monica tungkol dito. Sinabihan naman ni Becky si Mandy na hindi niya dapat ginawa iyon kay Monica.

Nag-usap sina Felix at Darlene. Sinabi ni Felix na baka huling bese na nilang mag-usap dahil pamilya na ni Felix ang sangkot dito. Itinanong ni Darlene kung sinabi ni Felix kay Gloria na may anak sila ni Ronald, hindi naman daw. Pilit itinatanong ni Felix kung nasaan na ang anak nila. Ipinaampon pala ito ni Darlene, pero kahit kay Felix ayaw na niyang sabihin kung nasaan para hindi na rin ito makapaginsungaling pa.

Nagpunta si Monica sa trabaho ni Carlitos, nadatnan niyang nakahilig sa balikat nito si Susan, ang isa sa mga co-workers ni Carlitos. Magpapaalam lang daw ito namay meeting siya kinagabihan.

Naghanda ng romantic dinner si Carlitos para kay Monica. Samantalang si Monica naman napasubo ng inom sa meeting nila. Pag-uwi niya nakita niyang nakahapag pa rin ang pagkaing inihanda ni Carlitos. Medyo na lasing na ito kaya nagalit si Carlitos sa kanya.

Gamit ang mga privilege tickets ni Trina sa trabaho, nagpasiyang magpunta si Becky sa Cebu. Humingi ng tawad si Felix kay Becky dahil sa pagtatago nito sa affair ni Ronald at Darlene. Ang kundisyon ni Becky, sasamahan siya ni Felix sa Cebu, na agad namang inayunan ni Gloria.

Kinaumagahan, naghanda ng almusal si Monica, pero hindi siya pinansin ni Carlitos.

Niyaya ni Mandy ang boyfriend niyang itanan na siya.

Nakapunta na sa bahay ni Darlene sin Felix, Pinky, Trina, at Becky. Kinausap niya ito para sabihing babawiin na niya ang lahat. Ayaw pumayag ni Darlene na mawala sa kanya ang bahay, kunin na daw lahat. Galit na galit na sinabihan siya ni Darlene na ang dahil daw kung bakit naghanap ng iba si Ronald, dahil masyado daw siyang uptight. Dapat daw marunong din siyang magalit, ayan nagalit tuloy sinampal nga siya. (Sa halip na malungkot ako, natawa pa ako sa eksenang ito).

Hinabol nina Trina at Pinky si Becky sa labas ng bahay ni Darlene. Nakita ni Trina ang picture ni Darlene noong buntis pa siya (na hindi pa natupok ng apoy…) …

May Minamahal, Episode 25

Hulyo 6, 2007

Sinabi ni Darlene kay Becky na ilang beses siyang nakipaghiwalay ka Ronald pero ayaw daw nito. Pero noong bago ito namatay, nakipaghiwalay na siya. I knew it! May anak sila!

Does that mean he died of a broken heart? Hmnnn…

Itinanong ni Becky na kung may anak ba sila, sabi niya wala. (Ha? Doon sa usapan nila, sinabi niya “…para sa anak natin…”) Humingi ng tawad si Darlene kay Becky, pero tinalikuran lang siya nito.

May nakikipag-flirt na copywriter kay Carlitos sa trabaho niya. Iyong boss naman ni Monica, nagpapacute din sa kanya. Naihinga ni Monica ang bigat ng problema niya dito, kaya ayung knight in shining armour effect siya. Asus.

Malungkot pa rin si Becky, habang kausap niya si Carlitos, nalaman nito na hindi na nila makukuha lahat ng ibinigay ni Ronald kay Darlene. Pero nangako si Becky na lahat ng inagaw sa kanila ni Darlene, babawiin niya. Saktong papasok si Monica sa kwarto ni Becky para kumustahin ito ng marinig niyang pinag-usapan siya nina Becky at Carlitos. Tuwing nakikita daw ni Becky si Monica, naaalala niya si Darlene, ayaw daw muna siya nitong makita o makasama.

Sinabi ni Monica kay Carlitos na narinig niya lahat ng pinag-uusapan nilang magnanay. Nainis si Monica dahil siya na lang daw lagin ang nag-iintindi, pero sinabi ni Carlitos na siya dalawa ang iniintindi niya. Ayaw niyang masaktan ito, ayaw din niyang masaktan ang mommy niya, kaya kailangan daw niya ang tulong niya tungkol dito.

Nagpunta si Darlene sa bahay nina Cenon para magpaalam, lalayo na raw siya. Ayaw pa rin siyang kausapin ni Cenon.

Sinumbatan ni Becky si Felix, dahil siya ang pinsan nito pero pinagtakpan pa rin niya si Ronald. Naipit lang daw si Felix kaya hindi niya nasabi sa kanya. Ayaw daw muna niyang makita ito.

Narinig ni Becky sina Trina at Mandy na pinag-uusapan ang time deposit na nakapangalan kay Darlene galing sa daddy nila na nagkakahalaga ng P2M. Sinabi ni Becky sa kanila gusto niyang mabawi ang lahat ng mga ito kay Darlene, dahil sa kanila ito. Gusto daw niyang makausap ulit si Becky.

Nagkitakita sina Trina, Becky, Pinky, Mandy at Monica sa condo ni Darlene, pero wala na si Darlene doon dala lahat ng gamit niya. Nagtalo na naman sina Mandy at Monica.

Nag-eempake si Darlene (sa Cebu?). Tinignan niya ang photo album nila ni Ronald. At may mga baby pictures doon. (Nasaan ba ang bata?)…