Archive for the ‘Tsismis’ Category

Walk out ni Greta sa Entertainment Live

Pebrero 24, 2008

Ano mag-se-say niyo sa pag-wo-walk out daw ni Gretchen Baretto sa Entertainment Live?

Nag-walk out ang controversial actress na si Gretchen Barretto sa Saturday showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN, ang Entertainment Live!, noong Sabado, ika-23 ng Pebrero.

Nagulat na lang ang hosts ng Entertainment Live! na sina Toni Gonzaga at Luis Manzano nang biglang tumayo sa kinauupuan niya…(Read More).

Ano sa tingin niyo? For publicity lang ba ito? O baka dahil wala siyang maisagot sa mga sinabi ni Nadia Montenegro? O baka naman hindi lang niya feel ang suot niya. O baka naman nakalimutan niyang isuot ang 5th diamond ring niya, baka nahihiya siya dahil 4 lang ang suot suot niyang diamonds?

๐Ÿ™„

Willie Revillame vs. Joey de Leon

Agosto 29, 2007

Ang nangyari. Ang sabi ni Willie. Ang sabi ni Joey.

Wala akong ma-say. Sumasakit lang ang ulo ko sa dalawang `to ๐Ÿ˜† . Basta ang masasabi ko lang malaya tayong magpahayag ng mga sarili nating pananaw. Pero siguro kung palagay nating nakakasakit na tayo ng damdamin, siguro medyo pag-isipan muna natin ng kaunti if it’s really worth it.

At saka, as long as nabubuhay tayo may mga taong hindi talaga natin makakasundo at makakasakit sa atin. So it’s up to us kung babatuhin natin sila ng tinapay o granada bato, hindi po ba?

(Naks, akala mo sinong nagmamalinis e, hehehe.)

Kayo, ano sa tingin niyo?

Pahiram muna nitong linyang ito: “Trabaho lang, [dapat] walang personalan.”

Angel Locsin

Hulyo 27, 2007

Bakit ba galit na galit ang mga tao kay Angel Locsin sa paglipat niya sa ABS CBN? Actually, hindi ko naman talaga napapanood si Angel (hindi kasi ako nanonood ng GMA ๐Ÿ˜ˆ ), iyong mga pictures lang niya sa mga online newspaper ko siya nakikita kaya I don’t know if she’s really a good actress or not. But I know sikat na sikat siya.

And then recently, napabalitang nag-sign na nga siya sa ABS CBN. Iyong mga nababasa kong mga comments ng ibang tao, grabe na. Kulang na lang ipako sa krus si Angel.

As public figures, siguro may karapatan tayong i-scrutinize ang mga buhay ng mga artistang napapanood natin — up to a certan limit. Hindi porke’t nagbabayad tayo para mapanood ang mga pelikula nila, bumibili tayo ng mga magazines kapag silang ang nasa cover, at kung anu-ano pang mga bagay na binibili natin para lang mga sa iniidolo natin ay may karapatan na tayong panghimasukan ng todo-todo ang mga buhay nila. We have no right to call them names, kagaya ng mga nababasa ko sa mga forums diyan.

Hindi ko alam na ngayon pala kung gusto mo ang artista, tapos lilipat siya ng station kakamuhian mo na siya. Sinasabi nila na wala siyang utang na loob sa GMA. Come on, nakinabang din naman ang GMA sa kanya, di ba?

Wala lang, gusto ko lang ilabas ๐Ÿ˜ˆ .

John iwasan mo si Claudine.

Hunyo 14, 2007

Sana raw hindi makita/makasalubong ni Claudine si John Estrada.

Ooookay ๐Ÿ™„ . Ipagpalagay na nating si John nga ang naglabas ng mga pechurs na iyon.

Pero remember, it takes two to tango.ย  Kung walang kahalikan, walang kodak moment. ๐Ÿ˜ˆ

Ruffa at Ylmaz Split Na Raw

Mayo 14, 2007

Ayun, napanood ko kanina sa The Buzz ang interview ni Ruffa Gutierrez. Ayun cry-cry siya dun habang iniiwasan nyang masagi ng panyo niya na galing pa yata kay Mayor Vi ang mga fake eyelashes niya. Pero siempre ma-poise pa rin siya…at dapat lang no. Basta ang alam ko being beautiful is the best revenge. May kilala nga ako kada break-up niya sa mga nagiging boyfriend niya, nagpapa-make-over. Kaya lalo siyang gumaganda. Hindi ko na lang sasabihin kung sino kasi unang-una hindi niyo naman siya kilala, at pangalawa hindi naman siya sikat artista.

Naubusan na yata ng hangin ang utak ko at wala na akong masyadong matandaan doon sa interview. Nagbo-blow kasi kami ng mga lobo para sa Nanay ko, Mother’s Day kasi. Happy Mother’s Day kung meron mang mga nanay na naligaw dito.

Anyway, basta ang natatandaan ko, noong tinanong ni Boy for the first time kung sinasaktan ba ni Ylmaz si Ruffa, sinundan ng isa sa mga baduy na patalastas ng TFC. Noong tinanong na siya ni Boy ulit (pang 1, 001 na yatang inulit-ulit ni Boy) kung sinasaktan ba siya ni Ylmaz, tahimik lang siya.

Question lang: ito ba ang tinatawag nilang “silence means yes” or baka ayaw lang talagang sagutin ni Ruffa? Kasi siempre pag hindi mo sinagot at bigla ka na lang lumuha diyan, sari-saring pananaw ang madidilig ng mga luha mo at magususulputan ang mga milyon-milyong speculations ng mga tao na parang mga kabute.

(more…)