Site Rules

Lahat ay malayang magbigay ng mga kumentaryo at kuro-kuro tungkol sa mga nailahad dito sa PinoyTVJunkie. Ilang paalala lamang:

1. Iwasan po natin ang away. Kung hindi kayo agree, sabihin ng maayos.

2. NO ALL CAPS.

3. Walang text lingo. Sumasakit ang ulo ko kapag nagbabasa ako ng text language. Wala namang limit kung ilang characters ang inyong gagamitin sa comment, kaya walang excuse para mag-short cut. Kahit na may saysay pa ang comment niyo hindi ko i-a-approve. Maawa naman kayo sa ulo ko.

4. iSa pANg nAkAKasaKiT ng MaTa anG maGsuLat Ng Ganito. Maawa kayo sa mga mata ko.

5. Huwag niyong dalhin ang network war dito. Kahit na obviously ay puro Channel 2 shows lang ang laging nalalagay dito, hindi kami galit sa mga kapuso. Dalawa lang ang mga mata ko and I can assure you, ang mga kasama kong nagsusulat dito tig-dadalawa rin ang mga mata nila, hindi namin kayang manood ng ganoon karaming shows in one day. At saka may life din naman kami.

6. Lahat ng first time commenters ay kailangan kong aprubahan bago lumabas ang mga comments para maiwasan ang mga pasaway. Kaya kung manggugulo lang kayo, okay lang kasi madali namang magdelete ng comments😈 .

7. Okay lang na magmura — to a certain extent. Basta ang mura lang po sanay ay hindi directed towards the authors or fellow commenters of this blog.

8. Text updates/summaries can be copy/pasted on your blogs/forums as long as you give us credit. Hindi lang naman po isang pitik ng mga daliri ay nagagawa namin ang mga updates dito. Irespeto na lang po ang effort na ibinibigay namin sa pag-a-update. Give credit where credit is due.

9. Mag-iisip pa ako ng idadagdag.

Comments? Suggestions? Violent Reactions? Addition? Multiplication? Email me: pinoytvjunkie@yahoo.ca


%d bloggers like this: