Lobo, Episode 98

by

“Ipinapangako ko na sa araw-araw aalagaan at mamahalin kita ng sobra sobra na makakalimutan mo ang bawat pagkakaton na nasaktan at napahiya kita noon hanggang sa wala ng natira. At sisiguraduhin ko na mangangalay ka sa kakangiti sa sobrang saya ng buhay na ibibigay ko sa iyo. At ipinapangako ko na sasaktan ko muna ang sarili ko bago kita masaktan ulit. Alam ko wala pa kong nagawang karapatdapat para tanggapin ang singsing na iyan (he went down on his knee) …bigyan mo lang ako ng pagkaataon isinusumpa ko hanggang sa huling araw ng buhay ko papatunayan ko sa iyo kung gaano kita kamahal.”

“Pakasalan mo ako Lyka Raymundo.”

Sinabi na ni Nessa na siya ang lobong kinatakutan ng ama, siya ang lobong nagtulak sa kamatayan ni Emil. Alam daw ng Diyos kung gaano niya kamahal si Emil at hindi niya ito sasaktan. Sinabi ni Noah na buong buhay daw niya kinimkim niya ang galit sa puso niya.

Sinabi ni Anton na may panahon pa pala si Lyka sa kanya ngayong siya pala ang huling bantay. Hindi raw ba’t mas gusto pa ni Lyka na makisama sa mga kalaban ng lahi nila — ang pumatay sa mama niya. Mahirap at masakit tanggapin na isa si Noah sa mga pumatay sa mama nila pero sana raw magawa niyang patawarin si Noah pero dahil kung mawawala daw si Noah sa buhay niya, hindi raw niya alam kung makakaya niya.

Sinabi ni Noah na hindi raw isang halimaw ang ina ng babaeng mahal niya. Masakit raw pero tinatanggap niya kahit siya man daw ay hindi malinis. Iyon daw ang gugustuhin ng ama niya. Ipinapangako ni Nessa kay Noah na magiging maganda ang katapusan ng kwento nila ni Lyka na pinangarap nina Emil at Nessa para sa mga sarili nila. Ipinangako ito ni Noah at pinahid ni Nessa ang luha ni Noah. Sinabi ni Nessa na may ibibigay daw itong importante sa kanya.

Ipinapangako ni Lyka kay Anton na hindi na niya sasaktan si Noah. Sinabi ni Anton na hindi nito kayang tanggihan si Noah, edi para na rin daw siya ang sinaktan niya. Nagpasalamat si Lyka at hinawakan niya sa upper arm si Anton at parang may kakaibang naramdaman si Lyka. May mga sugat ata si Anton doon at sinabi niya na mga eksperimento daw ni Silva sa kanya iyon noon. Sinabi ni Lyka na hindi pa nila nakikita si Silva. Itinanggi naman ni Anton na bumalik doon si Silva.

Nag-iinuman sina Rodolfo, Alec at Choy, natutuwa si Choy dahil magkakasama daw ang isang Luna, itim na lobo, at puting lobo. Dumating si Gabby at aalis na sana siya dahil maliwanag pa ay nag-iinuman na sila. Sinabi ni Choy na wala raw dapat pinapalamas na panahon para magsaya, at ayaw raw ba ni Gabby, puro mga “Gwapings” ang mga kasama niya (HAHAHAHA!). Nagbiro pa ito at sinabing maghanap na sila ng mga babagay sa kanila, kagaya niya bagay sila ni Gabby.

Galit ng kinakausap ni Anton ang imaginary Lyka niya dahil mas pinili pa raw nitong kampihan si Noah. Hindi raw daw muna niya sasaktan si Noah, dahil iyon daw ang pagkakamali ni Silva.

May kasamang babae si Rodolfo noong nagpaalam na siya sa mga kasama niyang umiinom (HEY! PAANO SI NESSA?!). Naiwan sina Alec at Gabby na magkasama noong nagpaalam na si Choy. (Ikaw na ang bahaa kay Bok, “Bok, I love you!”)

Hinabol ni Gabby si Choy at itinanong kung bakit siya iniiwan nito. Pupunta raw ito kina Noah para mauna(?) sa magandang balita. Anong magandang balita raw sabi ni GabbY? Sinabi kasi ni Choy na ang hirap kay Gabby lagi niyang sine-set up sarili niya para masaktan siya. Hanap raw kasi siya ng hanap ng magmamahal sa kaniya pag hindi niya nakuha, akala niya mag-iisa na siya.

Sinabi ni Gabby na hindi raw kasi naiintindihan ni Choy ang nararamdaman niya dahil hindi pa ito nagmahal. Sinabi ni Choy na kung may isang milyon lang daw siya binili na niya ang nararamamdaman ni Gabby. Basta ang isipin daw ni Gabby na naranasan nito ang magmahal ito ng lubos kahit hindi ito nasuklian.

Inakbayan ni Choy si Gabby at sinabi niyang mahal naman siya ni Noah, not that way nga lang. Siya rin daw mahal niya si Gabby, kahit si bagong friend daw (Alec) mahal siya nito. Kahit umabot pa raw si Gabby ng otsenta, hindi raw ito mag-iisa, dahil wala raw taong nag-iisa sa mundo. Hinalikan ni Choy si Gabby sa ulo at sumaludo ito kay Gabby.

Pag-alis ni Choy, inihatid ni Alec si Gabby. Ayaw sana ni Gabby pero sinabi ni Alec, ihahatid lang daw niya ito, hindi niya itatanan. Pag-alis nila naroroon pa rin pala si Choy at iniisip niya na sana raw maging masaya si Gabby.

Nagmamatyag naman si Anton kina Noah. Nilapitan siya ni Choy at sinabing kung may masama raw itong binabalak kay Noah, isipin na lang niya kung gaano masasaktan si Lyka. At gusto na rin daw nilang manahimik lahat. Humingi ito ng tawad kay Anton tungkol sa nangyari kay Clara hindi naman raw nila sinasadya. Sinabi ni Anton na hindi naman daw si Noah ang sadya niya doon kung hindi ang pagdating ng isang Luna para may magbayad sa pagkamatay ng mama niya.

Pumasok si Alec sa bahay ni Gabby kahit hindi niya ito inimbita.

Dinala ni Anton si Choy sa isang liblib na lugar at sinaktan ito. Pinatakbo niya si Choy pero siempre mas mabilis si Anton. Hirap na hirap na si Choy.

Sinabi ni Gabby na wala itong nararamdaman sa kanya. Sinabi naman ni Alec na mahal ni Gabby si Noah, mahal niya si Lyka, alam naman daw niya iyon. Inoffer niya ng kape ang sarili niya at sinabi ni Gabby na pagkatapos noon uuwi na si Alec.

Patuloy pa rin ang pananakit ni Anton kay Choy.

Naglalakad si Lyka at may nakita siyang P20. Pinulot niya ito pero may humihila dito (flashback noong pinupulot ni Ulay ang beinter pesos at may tali pala ito na hila-hila ni JJ). Alam ni Lyka na naroroon si Noah.

Nagpakita na ang dashing debonair na si Noah. May isang paru-parong nagland sa ilong ni Lyka (kagaya noong mga bata pa sila). Siya man daw ay may wish, sabi niya sa “mahal na reyna,” sana raw tanggapin ni Lyka “ito.” Ang beinte pesos na may nakadikit na kwintas. Nag-ilaw ang kanilang paligid with Christmas lights. Naiyak na si Lyka.

Pang-apat na singsing na raw iyon, iyong una niyang ibinigay kay Lyka na pwede na niyang itapon (uy huwag, akin na lang!), iyong bigay ni Daddy niya, iyong hindi niya nabili kanina at ang singsing na hawak-hawak ni Lyka ay ang dapat na ibibigay ni Emil kay Nessa (Awwwwwwwwww….). Sinabi ni Noah na alam na niya ang lahat.

Itatama daw nila ang mga pagkakamali noong nakaraan, babaguhin daw nila ang kapalaran nila.

“Ipinapangako ko na sa araw-araw aalagaan at mamahalin kita ng sobra sobra na makakalimutan mo ang bawat pagkakaton na nasaktan at napahiya kita noon hanggang sa wala ng natira. At sisiguraduhin ko na mangangalay ka sa kakangiti sa sobrang saya ng buhay na ibibigay ko sa iyo. At ipinapangako ko na sasaktan ko muna ang sarili ko bago kita masaktan ulit. Alam ko wala pa kong nagawang karapatdapat para tanggapin ang singsing na iyan (this is that part na he went down on his knee) …bigyan mo lang ako ng pagkaataon isinusumpa ko hanggang sa huling araw ng buhay ko papatunayan ko sa iyo kung gaano kita kamahal.”

“Pakasalan mo ako Lyka Raymundo.”

Siempre umoo si Lyka (after a speech like that kahit siguro mukhang arinola iyong lalaki, oo ang sagot ng babae…hehe). Naghalikan sila at nagkayap. Isinuot na ni Noah ang singsing kay Lyka. Nagyakap silang muli. (Kumanta na ulit sina Agot at Martin…hehe.)

(Wahhh! Choy, kawawa ka naman ang saya-saya ng mga tao sa paligid mo tapos ikaw tinotorture ni Anton😦 .)

Habang pinag-uusapan nina Zoe at Yanni ang proposal ni Noah, nagisisigaw si Annie at may mga puting buhok na lumabas sa mga braso niya.

Patuloy pa rin ang pananakit ni Anton kay Choy. Nagpalit ito ng balat at sinimulan na niyang lapitan si Choy…

Teaser:

Pinuntahan ni Anton si Nana Sela.

May ipinagtatanggol na taong lobo si Lyka laban sa mga Luna (mukhang mababaril siya).

Mga Marka: , ,

11 Tugon to “Lobo, Episode 98”

  1. annedito Says:

    AWWWWWWWWWWWEEEEEEEEEEEE…ANG SWEET NAMAN NG MGA SINABI NI NOAH!!! osige, boto na ulit ako sa lyka-noah love team…hehe

  2. annedito Says:

    i sorry, i got caught up sa kilig moment. i forgot to honor si choy. kawawa naman si choy at siya pa naman ang comic relief ni noah sa buhay niya. bwisit naman si gabby at sana kahit isang kiss man lang, binigyan si choy.

  3. tikgirl Says:

    Good morning!!! fyi lang po… hindi po si agot yung ka duet ni martin… si rocky vega po na nanalo sa “born diva” dati…

  4. macky Says:

    kawawa naman choy.. nakakatawa pa naman siya..

  5. lobo-fan Says:

    nalulungkot naman ako para kay choy..😦 ano na naman kaya ang mangyayari pag nalaman ni Noah ‘to…nakakasira naman ng moment nina lyka ang noah..kainis talaga si anton!

  6. ptvj Says:

    annedito, bittersweet nga ang episode na to. ang victorious moment ng pagmamahalan nina noah at lyka, tragedy naman ni choy. hay.

    tikgirl, ganun ba. sino si rocky vega? i was trying to google her kaso wala akong makitang info about her.

    macky at lobo-fan, ayoko ring mamatay si choy.😦

  7. tikgirl Says:

    ptvj, tyaga ka lang maghanap… hehehe… may makikita ka rin… search mo yung “born diva show of abs-cbn”…. Meron ding news article sa kanya sa PEP dated May 29, 2008… “Raki Vega to compete in ASEAN IKON Philippines”.

  8. Sleepless_in_Wgtn Says:

    Regarding ‘yong ka-duet ni Martin, they have a video in You Tube; here’s the link: http://www.youtube.com/watch?v=f-uBSeiwJog

    It is so nice… I was getting goose bumps… I could feel the emotions the song evokes.

    One of the best duets .. their voices complement each other.

  9. Sleepless_in_Wgtn Says:

    Hi,

    Here’s the link to the Martin-Raki Vega duet

    Lovely duet…

  10. no car Says:

    kanina ko lang namanuod ang episode na ito. nag lammierda kasi kaming pamilyalast weekend.
    anyways, etong mga love team na gabby and alec ayaw ko sana kasi mas gusto ko si alec sa aken. hehehe.
    pero na isisp ko okay na rin kasi pareho naman silang sawi. wawawa tuloy si choy ayan pinatay na lang sya sa story. sana kay trixie na lang nila pinag pair. bagay naman sila mga “best friend” ng mga bida. 😉

  11. ptvj Says:

    Sleepless_in_Wgtn, salamat ha! ang ganda nga ng boses!

    nocar, buti ka pa nakapaglamierda, ako usually weekends ang pasok ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: