Archive for the ‘Natutulog Ba ang Diyos?’ Category

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 55 (Finale)

Oktubre 11, 2007

Inilibing na si Bernardo.

Etong mga iniisip nila:

Patria: “Salamat sa sakripisyo at pagmamahal mo. Mahal na mahal kita…”

Andrew: “Hindi ko pababayaan sina Boy, Tina, at si Nanay…Salamat…”

Mike: “Tiniis kita dahil gusto kitang turuan ng leksion, pero ako ang may natutuhan…”

Rose: “Huwag ka ng mag-alala, pinatawad ka na namin…”

Gillian: “…mamimiss kita…”

Inalok ni Rose na tumuloy muna sina Andrew sa kanila, pero tumanggi ito. Nagpsalamat sina Boy sa lahat ng tulong ni Mike sa kanila. Nagpaalam na si Gillian kay Patria. Humingi ito ng tawad kay Gillian at akmang luluhod ito, pero pinigilan siya ni Gillian at sinabing tapos na iyon. Nagyakap sila.

Nakauwi na rin si Gillian for the first time as Gillian Angeles.

(more…)

Advertisements

Natutulog ba Ang Diyos, Episode 52

Oktubre 9, 2007

Pinapaligo muna ni Bernardo si Gillian bago niya ito iuwi. Naroroon pa rin si Raul pero pinalayas siya ni Bernardo noong makita niya ito.

Sinabi ni Andrew kay Patria na si Rose na ang magbabayad sa transplant nito. Nahihiya na raw si Rose. Sinabi ni Patria na marami daw siyang gustong ipaliwanag kay Andrew. Sana raw mapatawad niya ang mga ito. Kung hihingi daw siya ng tawad, kay Gillian na raw at sa mga magulang niya. Hindi ba raw sila matatanggap ni Andrew kahit konti lang? Hindi daw niya makakalimutan ang mga nangyari pero darating din daw ang panahon na maayos din nila ang lahat.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 51

Oktubre 8, 2007

Hinabol ni Mark si Bernardo pero nakatakbo ito at nakita niyang sumakay ito sa kotse ni Andrew.

Bumalik si Raul sa kung saan nila tinatago si Gillian. Nakita niya si Gilian at balak niya itong pagtangkaan ng masama.

Nagmamakaawa si Andrew kay Bernardo na ibalik niya si Gillian. Sinabi ni Bernardo kay Andrew na kahit hindi man siya ituring ni Andrew bilang ama, okay lang daw basta huwag niyang pabayaan si Patria at ang mga kapatid niya. Hinawakan ni Bernardo ang shoulder ni Andrew at nagpasalamat. Pinigilan ni Andrew si Bernard at tinanong kung nasaan si Gillian dahil mahal na mahal niya ito. Huwag daw siyang mag-alala at ibabalik na niya si Gillian. Paano na raw siya, tanong ni Andrew kay Bernardo. Sinabi ni Bernardo na bahala na ang Diyos sa kanya.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos, Episode 50

Oktubre 4, 2007

Sinabi ni Patria kina Boy at Tina na totoo ang narinig nila: si Andrew ang kapatid nila hindi si Gillian. Ipinagpalit daw siya ni Bernardo para matulungan daw sila nito pagdating ng panahon. Nag-walk out si Tina.

Tinanong ni Rose kung sigurado na si Andrew na i-donate ang kidney nito kay Patria. Oo raw, baka sakaling magbago ang loob ni Bernardo at isoli niya si Gillian. Sigurado raw ba itong iyon ang dahilan o ginagawa rin niya iyon para kay Patria. Hindi raw alam ni Andrew, basta ang alam niya gusto niyang mabawi si Gillian.

Isa lang daw ang narealize ni Rose sa pag-uusap nila ni Patria: Mahal na mahal daw nina Patria si Andrew kaya niya nagawa iyon.

Akala ni Bernardo, madali lang ang pagdodonate ng kidney. Sinabi ni Gillian na hindi pa rin assurance iyon na makakasurvive si Patria. Sinabi ni Bernardo na si Patria daw ang una at ang huling babaeng minahal niya at kahit buhay niya handa niyang ibigay dito.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos, Episode 49

Oktubre 3, 2007

Nalaman ni Raul mula sa kapitbahay na nasa ospital si Patria.

Sinabi ng dotor ni Patria kina Boy at Tina na nangangailangan ng kidney transplant si Patria at nagkakahalaga ito ng P1 – 1.5 M. Wala raw silang available na donor kung kaya’t ilalagay nila sa waiting list si Patria. Dumating si Mike at sinabi sa doktor na gumawa ng paraan at ito ang ang sasagot sa pagpapagamot ni Patria.

Hindi kinikibo ni Gillian si Bernardo. Kamukha na rin daw niya si Andrew at ang tingin nila kay Patria kinakarma kaya siya nagkakasakit. Wala raw kasalanan si Patria kay Gillian. Labing walong taon daw ang ninakaw nila kay Gillian at sa mga magulang niya, sagot naman ni Gillian.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos, Episode 48

Oktubre 2, 2007

In captive pa rin si Gillian ni Bernardo.

Nagalit si Mark kay Andrew dahil bakit daw agad na sinabi ni Andrew kay Gillian ang tunay nitong pagkatao dahil padalos-dalos daw ito. Kung sana raw hinayaan na muna niyang ang mga parents niya ang gumawa ng hakbang hindi pa malalaman ni Bernardo na alam na nila ang totoo. Baka raw may ginawa si Bernardo kaya nawawala si Gillian. Kung meron daw mangyayaring masama dito kalimutan na niyang magkaibigan sila.

Hinahanap ni Emma si Mark kina Rose. Nalaman na rin niyang si Gillian ang tunay na anak nina Rose at Mike.

(more…)