Archive for the ‘Princess Sarah’ Category

Princess Sarah, Ang Huling Linggo

Disyembre 16, 2007

Last week na pala ng Princess Sarah this week? Buti naman, sinira lang nila ang [not-so-]childhood memories ko. Akala ko pa naman mapapaganda nila ang istorya, e walanghiya, nilagyan pa nila ng mga pirata, mga tribo, tapos si Carlos Agassi kamukha na ni Judas (no offence kay Judas 😈 ).

Tapos si Miss Minchin ginagawang OA! Terror si Miss Minchin hindi OA! Kulang na lang kakanta na si Sheryl Cruz ng Mr. Dreamboy. In fairness naman kay Sheryl maganda pa rin siya (nakita niyo ba si Manilyn sa Marimar? 😈 ).

Ano ba ang ipapalit dito? Iyon bang “Patayin sa sindak si Barbara” ang ipapalit? Nakita ko kasi may teaser. Naku ayoko ng umasa, siguradong kakatayin na naman nila ang storya. Isa pa naman ito sa mga favourite Filipino movies ko.

Wait and see na lang…

Akala ko ba pambata ang Princess Sarah?

Nobyembre 19, 2007

E bakit may scene (Episode 06, Monday, November 19) sa dagat iyong character ni Deither and what’s-her-name sa dagat naghahalikan and they were insinuating na wala silang damit pareho? (Since ipinakita sa dalampasigan ang mga damit nila.)

Akala ko ba for kids `to? Naku ha… 🙄

Kokey, Ang Pagtatapos

Nobyembre 6, 2007

Salamat naman matatapos na ito sa Biernes (November 09, 2007). Masyado ng pinahaba.

Princess Sarah na next week. Yay! Sana sa susunod Cedie naman ang gawin nila…