Archive for the ‘Maria Flordeluna’ Category

Maria Flordeluna, Ang Pagwawakas (June 22, 2007)

Hunyo 22, 2007

Ang Nangyari:

Nabaril si Brigida sa fake na leg niya. Pinauna na niya sina Flor at Jo. Humingi na tulong kunwari si Brigida.

Nacorner ni Torres sina Jo at Flor. Nagkita sina Brigida at Gary.

Nagkita-kita silang lahat. Galit na galit si Torres at sinabi na ang lahat sa kanila. Siya ang nagtulak kay Gary para sumali sa sindikato para makaganti kay Carlos at kahit na mabait sa kanya si Leo, dugong Alvarado pa rin daw siya. Hindi naman niya binalak na idamay ang pamilya ni Leo pero wala na itong magagawa dahil nasangkot na sila.

Hostage ni Torres si Jo, akmang babarilin niya ito ng biglang sumulpot si Gary at binaril si Torres. Nabaril din si Gary. Nagsama-sama na sila. Nakita ni Flor at Wilma na akmang babarilin ni Torres si Leo, pinigilan nina Wilma at Flor si Torres at nahulog sila sa bangin.

Naka-survive naman si Gary at nagtatago ito pero may tama siya ng bala at siya mismo ang nag-alis ng bala sa dibdib niya. Si Torres nakulong naman.

Nakaligtas sina Wilma at Flor sa operasyon. Hinihintay nilang magising sina Flor at Wilma.

Si Gary naman nagninilay-nilay. Balak niyang umalis sa bansa.

Pinatawad na ni Jo si Brigida. Nagdesisyon na si Brigida na sumuko sa mga pulis. *Drama* *Iyak*

Humingi na rin ng tawad si Brigida kay Leo. Pinatawad na rin siya nito.

Gising na si Wilma. May mga decorations sa ospital, na ideya naman ni Reneboy.

Nagkakumplikasyon ang operasyon ni Flor. Nag-he-hemorrhage ang utak niya at brain dead na siya. Life support na lang ang ikinabubuhay niya.

*Drama* *Iyak* *Tulo sipon* *Singhot*

Nanaginipan ni Gary si Flor. Huwag daw nito hayaang mamayani ang galit sa puso niya.

Flor to Gary:”Kung kailangan daw niyang umalis para magsimula ang pagbabago niyo gagawin ko.”

Napanaginipan din ni Mamita si Flor.

Flor to Mamita: “…mula ngayon po magiging masaya na po kayo kasi nahanp niyo na ang puso niyo…”

Nanaginip din si Wilma, kasama niya sina Flor at Reneboy. Naghabilin si Flor na alagaan ni Reneboy ang magiging kapatid nila at big sister na ang tingin niya kay Wilma. Ingatan daw ni Wilma si Jo at Leo. Sa puso daw niya sister na talaga ang turing niya sa kanya.

Nanaginip din si Jo. Pag daw nakita niya ang Mommy niya, sasabihin nito na magaling na mommy si Jo.

Si Leo napaginipan niya naglalaro sila ng chess: Kahit kulang pwede ng magpatuloy ang laro. Mag-promise daw siya na mas maging masaya daw sila lalo.

Leo: Hindi kita isusuko, patuloy ang laban.

Flor: Hindi ko na kayo pahihirapan.

Nagising si Leo…flatline ang vitals ni Flor.

Tinangka ng mga doktor na sagipin ang buhay ni Flor. Pero hindi na siya nag-survive.

Sa libing ni Flor, nagbigay ng eulogy sina Brigida, Wilma, Jo, Rene Boy, at Leo (in that order). Nandoon din sina Annie, JC, Suling, at Tibor.

Nagkita na sina Elvira at Flor.

Sumuko na si Gary at nabigyan siya ng life sentence. Pati na rin si Brigida, sumuko na rin ito at nakulong.

Pinuntahan ni Leo si Gary sa kulungan para patawarin ito. Sinabi nito sa kanya na napanaginipan ni Gary si Flor. Dahil daw doon ay gusto na niyang magbago dahil nakahanap siya ng katahimikan. Sumaludo si Gary kay Leo.

Maria Flor ang ipinangalan sa anak ni Jo at Leo. (Pareho silang mag-salita at ang cute ng bata!)

“Hindi mahalaga kun gaano tayo katagal tayong nagkasama ang mahalaga ay kung paano natin ipinaramdam ang love natin sa isa’t isa. Dahil ang love na iyon kahit na anong mangyari ay mananatiling matibay at magbibigay ng pag-asa sa pagharap ng mga pagsubok na darating sa ating buhay…”

Ang sa ganang akin:

Ayoko na namatay si Flor…masyadong tragic. Pero kudos sa lahat ng mga gumanap sa show na ito. Talagang superb ang acting nila. Although medyo dragging na yung last few episodes, maganda an istorya nito (kahit na marami akong puna dati).

Advertisements

Maria Flordeluna (June 21, 2007)

Hunyo 21, 2007

Ang nangyari:

Nakuha na ni Torres ang keycard na itinago ni Jo. Hindi pa niya idinispatsa sina Jo dahil kailangan pa niya ang tulong nito sa pagkuha niya ng isa pang key card na kailangan niya na na kay Gary naman.

Nagkita na naman sina Leo at Gary. Pareho silang papunta sa hide out ni Torres para iligtas sina Jo. Kailangan nila ng tulong ng isa’t isa kung kaya’t hindi muna sila nagpatayan. Nagtulong silang sugurin na si Torres at iligtas si Jo.

Tinawagan ni Leo ang namumuno sa kanila para sabihing may kinalaman si Torres sa lahat ng nangyayari sa kanila. Nangako naman ito na amgpapadala ng mga tauhan para tulungan si Leo.

Si Flor naman napanaginipan na naman niya si Baby Julia at nanghihingi ito ng tulong sa kanya.

Sa wakas nakita na rin ni Leo ang pamilya niya. Nagyakap silang lahat, pero hindi nagtagal at dumating si Gary para sabihing kailangan na nilang umalis. Nabigla silang lahat dahil hindi nila alam ang istorya. Sabi ni Leo tsaka na lang siya magpapaliwanag.

Nakalabas na sila pero nagkahiwahiwalay sila sa gubat(?). Sina Jo, Flor, at Brigida na nahihirapan ng tumakbo ang magkakasama, sina Reneboy at Wilma naman ang magkasama. Habang sina Leo at Gary ay nakikipagbarilan pa.

Nakita ni Leo sina Reneboy at Wilma. Nakarinig sila ng putok ng baril. Nabaril si Brigida…

Ang sa ganang akin:

Hay naku wala ng suspense, halos lahat ng mangyayari bukas ipinakita na dun sa preview.

Maria Flordeluna (June 20, 2007)

Hunyo 20, 2007

Ang nangyari:

Ibinalik na sa pagkakakulong sina Jo, Flor, at Brigida.

Sina Leo at Gary naman nagkalinawan na. Nalaman ni Leo na wala sa poder ni Gary ang pamilya niya at sinabi ni Gary na meron pang miyembro ng sindikato nila na hindi niya kilala. Itinanong ni Leo kung kasama raw ba nila si Torres pero hindi naman alam ni Gary basta ang pangalan daw nito ay Uno. Pagkatapos noon ay nakatakas si Gary. Tuluyan ng nakumbinsi si Leo na kalaban niya si Toress.

Ikinulong nila sina Flor, Reneboy, at Wilma sa tig-iisang mga kwarto samantalang magkasama naman sina Jo at Brigida. Si Flor naman nagbigay na naman ng “moral support talk” niya para sa lahat 🙄 .

Kailangan ni Torres ang limang keycard para mabuksan niya kung ano man ang kailangan niyang buksan. Nasa kanya ang 3, na kay Gary ang isa, na kay Jo ang isa pa. (Para palang Super Mario ito kailangang magcollect para mapunta sa isang secret zone 😆 )

Pero ayaw pa ring ibigay ni Jo ang keycard dahil alam niyang papatayin lang sila pagkatapos. Ibinigay lang niya ito noong tinakot nila ang mga bata (naglagay sila ng tig-iisang mga daga sa kwarto ng mga bata) at sinabing sa susunod ahas na ang ilalagay nila sa mga kwartong kinalalagyan nila. Kaya wala siyang choice kung hindi ibigay kay Torres ang susi dahil naririnig niyang takot na takot si Wilma.

Sinundan ni Leo ang guard na pinaghihinalaan niyan kasabwat ni Torres.

Si Gary naman sinugod niya isa sa mga hideout ni Torres.

Ang sa ganang akin:

Sana nagkunwari na lang si Jo na natulala na naman siya para hindi na siya matanong ni Torres 😆 .

Maria Flordeluna (June 19, 2007)

Hunyo 19, 2007

Ang nangyari:

Nagreunion sina Jo, Flor, Brigida, Wilma, at Reneboy in captivity.

Nalaman na ni Jo na nakakulong si Leo. Hindi pa kasi alam nina Reneboy na nakalaya na ang Daddy niya. Kaya siempre nawawalan na siya ng pag-asa…

Nadatnan ni Leo ang isang sugatan na guard (na kakampi ni Torres– binaril nito ang sarili niyang shoulder para magmukhang inatake sila) at sinabi niya na sinugod sila ni Gary. Pagdating naman sa taas ni Leo, nadatnan na Leo si George (iyong isang guard na sinabihan ni Reneboy na si General Torres ay si Uno). Namatay ito, per bago iyon ay sinabi niya ang salitang “Uno” sabay turo kay Torres. Pero hindi pa gets ni Leo iyon.

Nagkaroon ng emergency meeting ang mga militar kasama si Torres. Medyo nagdududa na si Leo sa mga pangyayari kasi hindi na nagkakatugma-tugma ang lahat. Na agad namang pinabulaanan ni Torres. Dahil ng sa sinabi ni Gani na pinakawalan siya ni Gary para mapawalang sala si Leo at mailigtas niya si Jo. `Di ibig sabihin wala sa kanya sina Jo.

Nagka-drama moment na sina Jo, Wilma, at Brigida dahil ngayon lang sila nagka-usap-usap ng matino mula noong mabuking na hindi si Wilma ang totoong anak ni Jo. Pero sabi ni Jo, mahal pa rin niya si Wilma bilang anak kahit na anong mangyari.

Nag-usap sa telepono sina General Garcia (isa sa mga dirty generals) at Gary. Ibibigay daw nila sina Jo kay Gary bilang kapalit ni General Borja na hostage ni Gary na tinorture niya para malaman ang whereabouts nina Jo. Dito rin niya nalaman na may major player pa pala ang sindikato nila na hindi niya kilala.

Ang hindi nila alam, ginawa lang iyon ni Torres para magkita sina Leo at Gary at magpatayan na silang dalawa. Bravo, General. Bravo.

Nagkita nga ang dalawa. Face to face ang magkapatid at magkalaban ng mortal…

Ang sa ganang akin:

Siguro naman matatapos na to sa Biernes, ano? Nainip akong bigla.

Maria Flordeluna (June 18, 2007)

Hunyo 18, 2007

Ang nangyari:

Halos hindi makapaniwala si Jo na si General Torres ang ma pakana ng lahat-lahat ng nangyayari sa kanila. Itinatanong ni Torres kung nasaan ang keycard pero ayaw talagang sabihin ni Jo kung nasaan ito.

Kinausap ni Gani ang mga militar at ipinakita ang mga ebidensiya na nagpapatunay na walang kasalanan si Leo. Nakalaya na si Leo sa waka. Sinabi ni Gani sa kanya na pinakawalan siya ni Gary para mailigtas ni Leo si Jo. Sinabi rin ni Gani na may iba pang mga heneral na kasangkot si Gary pero hindi niya alam kung sinu-sino ang mga ito.

Sinaluhan ni Torres na kumain ng tanghalian sina Jo, Brigida, at Flor. Nakikipagkwentuhan pa ito sa kanila na parang walang nangyayaring masama. Hanggang sa dumaan an mga tauhan niya at nabitawan ang isang malaking kahon (na may nakalagay na armas?) at nagalit ito sa kanila. Ipinadispatsa niya ang mga ito right there and then, narinig pa nga nila ang pagkakabaril nila. Pagkatapos nilang kumain ay binigyan pa niya ng tour ang mga ito sa lugar kung saan itinatago niya ang mga mamahaling armas na ibinebenta niya sa mga ibang grupo, illegally. Ito na raw ang huli niyang pagbebenta at pupunta na raw siya sa ibang bansa para doon na manirahan.

Si Gary naman nagpa-flashbacks na naman. Noong malapit na siya sa barkong magpupuslit sa kanya palabas ng Pilipinas, nagbago ang isip nito.Pinagbabaril niya ang mga ibang tauhan ng mga kasabwat niyang henera at kinidnap niya ang isa sa mga heneral.

Nadulas naman si General Torres sa harap Reneboy noong kumakain sila. Sinabi kasi ni Flor kay Torres na nabungi siya noong kumain ng popcorn (noong kumakain sila sa kung saan man sila itinatago). Nagtaka si Reneboy at sinundan si Torres ng umalis ito sa hapag kainan dahil may natanggap siyang tawag. Narinig ni Reneboy na si Torres ng ang may hawak kina Jo at nagtago sila ni Wilma sa kwarto.

Hindi maipalabas ni Torres sina Reneboy. Narinig ng isa sa mga guwardiya at itinatanong kung bakit ayaw lumabas ni Reneboy. Tinutulungan niya si Torres na buksan ang pintuan, pero isinigaw ni Reneboy na si Torres ay si “Uno,” kaya binaril ni Torres ang guwardiya.

Nabuksan din nila ang pintuan…

Ang sa ganang akin:

Feeling ko si Gary ang makakakita kina Jo tapos mamamatay ito…

Maria Flordeluna (June 15, 2007)

Hunyo 15, 2007

Noong hinahabol na ni Leo ang sinasakyan ng mga dumukot kina Jo, Flor, at Brigida, siya naman ang nahuli ng mga kapwa niya sundalo.

It turned out hindi naman pala mga tauhan ni Gary ang kumuha kina Jo.

Hinahanap ng mga kidnappers nina Jo ang key card na nagpapatunay na inosente si Leo sa mga ibinibintang sa kanya. Hindi nila makita ito kay Jo, kasi itinago ito ni Jo sa isang crack sa pader (Hindi kaya magsgas ang iyong magnetic strip, nun?).

Nakausap na ng general nila si Leo at sinabi nito sa kanya na may witness na lumapit sa kanila at handang magtestigo na wala itong kinalaman sa smuggling na ibinibintang sa kanya pero hindi pa niya kaagad mapapalabas si Leo dahil kailangan niyang sumunod sa protocol. Sinabi ni Leo na hanapin ni si Gani dahil siya ang makakapagpatunay na inosente talaga siya.  Hindi pa rin nila alam kung nasaan si Gani.

Nagka-moment naman sina Reneboy at Wilma. Bati na talaga sila.

In-interrogate ng mga kidnappers nila si Jo. Kahit anong sampal at pananakot ang ginawa sa kanya ayaw pa rin niyang sabihin kung nasaan ang susi. IYon palang mga kidnappers niya tauhan noong isang general na kasabwat ni Gary.

May tumawag kay Gary para sabihing ready na ang barkong maglalabas sa kanya sa Pilipinas. Nag-flashback naman siya noong una niyang makita si Jo, etc. Nagpasiya si Gary na pakawalan na lang si Gani sa kundisyon na kailangan niyang isiwalat ang ibang mga general na kasabwat niya sa mga illegal activities niya.

Pumasok sa kinakukulungan nina Jo, Flor, at Brigida si General Torres. Dito na nila nalamang kalaban din siya…

Ang sa ganang akin:

Kelan ba matatapos ang show na ito?

Very clever naman ang decision ni Gary na pakawalan si Gani.