Archive for the ‘Game Shows’ Category

Wowowee: Willie Revillame’s 47th Birthday

Enero 27, 2008

Heto kahit may sakit ako mahadera pa rin ako:

Parang hindi organized iyong episode. Tapos ang gulo pa ng game nila.

Chuva chenes naman itong si Christine Reyes. Masyadong pa-intriga sa birthday greeting niya sa tatay niya kay Willie (Sa mga hindi nakapanood, she said something about her being scared of getting into that slingshot ride, tapos Willie joined her so she won’t be scared. And then she added na hindi raw niya alam kung bakit ginawa ni Willie iyon…asus). At saka pwede ba, imposible namang hindi niya alam na kukunan siya ng VTR (iyon pa rin ba ang tawag dun? I’m so 1980s). Parang tuliro, hindi alam ang mga pinagsasabi.

Si Ara Mina naman hindi pa pinagbigyan iyong matandang contestant para mag-pasalog. Sus. Sana tinotoo mo ang sinabi mong ikaw na ang bahala sa kanya.

At saka hindi ko pa pala nairereklamo ito: Iyong mga TFC subscribers diyan na nakasali sa Bigatin, pagbigyan niyo na lang ang mga ibang contestants. Oo, maaring inutang niyo lang ang pinang-uwi niyo sa Pilipinas, maari ring hindi. Bottom line is you went to that show para magsaya, siguro naman hindi naman kayo mawawalan ng malaking halaga kung ibalato niyo na lang sa mga ibang contestants na obvious namang naghihikaos sa buhay. Para kasing it’s so ganid.

Oo, sige for the sake of argument sabihin na nating hindi naman walk in the park ang buhay natin sa ibang bansa, pero ikumpara niyo naman ang state ng buhay niyo doon sa mga kalaban niyo. Kayo may perang pang-uwi at may pambili ng pang-japorms niyo, sila wala.

Iyun lang — for now.

Game Ka Na Ba, Celebrity Edition: Cast of “Lobo”

Enero 13, 2008

Dahil malakas sa akin si Papa Piolo, heto ang ilan sa mga screenshots ng GKNB last Saturday (January 12, 2008).

Robert Arevalo and Pilar Pilapil are among the contestants, unfortunately they didn’t get past the elimination round.

Eto ang lima…

(more…)

Game Ka Na Ba?

Enero 8, 2008

Conrgatulations to Denvert Pangayao for being the first winner of the million peso jackpot in Game Ka Na Ba? this year.

Ang galing, nasuspense ako dun. Sinabi niya iyong last answer during the last 5 seconds.

Japanese Game Show: The Quiet Game

Disyembre 27, 2007

Bawal gumawa ng ingay sa library, `yan ang rule ng larong ito (sa tingin ko lang naman dahil hindi naman ako marunong mag-Japanese). If you think that’s easy to do, think again…

Japanese Game Shows

Nobyembre 28, 2007

Ah, eto feeling ko hindi natin to makikita sa Wowowee or Eat Bulaga. Feeling ko lang naman:

Eto, may possibility…

(more…)

Wowowee (11-24-07)

Nobyembre 24, 2007

Pucha, e bakit naman pinaglaban ni Willie ang mga Kitty Girls (don’t even get me started with that name) at ang mga comedians (Ka Pete, Tado and the other guy whose name I can’t recall right now, si Long ba iyon?). Natural alam ng mga kuting ang mga kanta, especially “singers” sila at puro ingles iyong mga songs. “” kasi mas magaling pa akong kumanta sa kanila (kahit hindi naman talaga ako magaling kumanta) at mas matangkad lang sila ng ilang paligo sa akin.

Sana lahat ng mga contestants mga komedyante na lang.

Although natatawa rin naman ako sa pangalan ng mga “Kitty” Girls…not in the good way nga lang. 😈

_______________________________________________________

Update, a few minutes later: Hindi na ako masyadong galit, guest pala nila si Papa Piolo 😀 .