Archive for the ‘Hiram na Mukha’ Category

Hiram na Mukha, Ang Pagtatapos (June 01, 2007)

Hunyo 2, 2007

Ang nangyari:

Iniurong ni Hugo ang kasong kidnaping na isinampa niya laban kay Mendez, isinoli pa nga nito ang mga kayamanang kinulimbat nila sa tatay ni Mendez. Ito ay sa kundisyong lalayuan na ni Mendez si Alicia/Carissa.

Dinala ni Hugo si Alicia/Carissa sa isla, pero nakasunod naman si Mendez. Naabutan pa niya sa aktong hahalyin na ni Hugo si Alicia/Carissa, nagkaroon ng struggle, nakatakbo ang dalawa, pero nabaril pa rin ni Hugo si Mendez.

Tumakbo pabalik sa bahay si Alicia/Carissa sa bahay para humingi ng tulong, siya namang pagdating ng magkapatid na Rose at Morita. Galit na galit kasi si Rose kay Hugo dahil isinoli nito ang mga pera ni Mendez kaya idinedemanda siya ng estafa ngayon. Tinangka nilang lagyan ng asido ang mukha ni Alicia/Carissa, pero natabig niya ito kaya si Carissa ang nalagyan at nasunog ang kalahating mukha nito.

Takbo naman diyan si Alicia/Carissa pababa sa hagdanan, babarilin sana siya ni Rose, kaso lang si Hugo ang nabaril niya. Nahulog din si Rose sa hagdanan dahil may struggle between her and Hugo, namatay din ito.

Hindi n ipinakita kung paano narescue is Mendez. Iyong susunod na eksena ay doon sa dating tinitirahan nina Carissa, ibinigay na niya kay Kapitana ang titulo ng mga lupain nila. Si Morita doon na rin nakatira at siya namang pinandidirihan ng mga tao. Pagkapos nagkita sila ni Mendez doon sa dati nilang pinupuntahan palagi noong pangit pa si Carissa.

Nagpakasal sila an they lived happily ever after…

Ang sa ganang akin:

Ha? Tapos na agad? Anyway, ano bang masasabi ko…maganda naman ang istorya pero siempre marami paring imposibleng pangyayari.

Advertisements

Hiram na Mukha (May 31, 2007)

Mayo 31, 2007

Ang nangyari:

Dahil hindi makaalis si Alicia/Carissa sa kwarto kung saan siya ikinulong ni Hugo, humingi ito ng tulong sa Yaya nito. Sa tulong ni Aling Azon, nagpunta sila sa bahay ni Mendez at nakita nila sa akto na pinagtatangkaan ito ng buhay. Siempre to the rescue ang dalawa at kumaripas ng takbo ang hired killer.

Hindi nagtagumpay si Hugo sa plano nitong halayin si Alicia/Carissa. Nakatakas ito at nakita niya si Mendez, nagpunta sila sa isang “liblib” na probinsya. Pero nakita din sila ni Hugo.

Tinorture nila si Mendez, pero wa epek kahit pa ibinibigay ni Hugo ang mga papeles at dokumento na nagpapatunay na may kayamanan pang naiwan si Dr. Pedroza para kay Mendez.

Nakipag-deal si Alicia/Carissa kay Hugo na babalik ito sa kanya sa isang kundisyon na huwag nitong patayin si Mendez.

Hindi pa rin nag-give up si Mendez, sumugod siya sa bahay nina Hugo. Hayan tuloy pinaaresto siya.

Ang sa ganang akin:

Ooooooh, be afraid, be very afraid Hugo, tinutukan ka ng bread knife ni Carissa hindi ka makalaban? Naman, 90 lbs. lang yata iyong tao. Not that I want you to win, weirdo…

Kung ako si Mendez, kinuha ko ang pera and then itatakas ko na lang si Alicia/Carissa later on. At saka parang may warp zone ang mga taong ito, imagine ang iblis nilang nakarating doon sa probinsya tapos maya maya nasa lungsod na sila. Asus.

Hiram na Mukha (May 30, 2007)

Mayo 30, 2007

Inatake ni Mendez si Hugo at sinabi nitong siya ang nawawalang anak ni Simon Pedroza. Pero hindi niya nagawang saksakin ito kaya bigla na lang siyang umalis. Hinabol siya ni Alicia/Carissa at nag-usap sila sumandali. Pagbalik niya siyang pinagtuuan ng galit ni Hugo.

Nagpunta si Mendez sa mga abogado at nagpakilala kung sino siya. Nalaman ito ni Rose at sinabi niya kay Hugo ito at idinagdag pa niya na magkasintahan si Mendez at Carissa noon. Ikinulong ni Hugo si Alicia/Carissa para hindi niya matulungan si Mendez.

Pagpasok sa bahay ni Mendez, may lalaking umatake sa kanya.

Ang sa ganang akin:

Mukhang hindi pa nag-aalmusal ang iyong hired killer, ah.

Hiram na Mukha (May 29, 2007)

Mayo 29, 2007

Ang nangyari:

Ginulo ni Morita ang endorsement party ng product na ine-endorse ni Alicia. Pinalita ni Morita iyong blown-picture ni Alicia/Carissa doon sa dating picture ng mukha ni Carissa.

Pinalayas ni Hugo si Rose at habang nag-eempake si Rose, pinuntahan siya ni Alicia/Carissa. Kinukumbinse ni Rose si Carissa na humiwalay kay Hugo. Sinabi naman ni Alicia/Carissa na wala siyang pera kaya ipinagtapat na ni Rose sa kanya, na sa buong akala niya ay ang totoong Alicia ang kausap niya, ang totoong status ng mga assets ni Dr. Pedroza.

Na milyon-milyon pa rin ang pera ni Dr. Perdroza at niloko lang nila ang tagapagmana niya noong sinabi nilang wala na siyang perang mamanahin dahil sa nalulong sa sugal ang tatay niya. Niloko lang nila ito para makuha nila ang mga pera niya. Totoong namatay sa atake sa puso si Dr. Pedroza pero nangyari ito sa harap ni Hugo at wala siyang ginawa. Siempre doctor siya kaya he’s ethically responsible na tumulong diba, kaso lang inatake siya habang sinasabi niya kay Hugo na isusumbong niya ito sa board dahil nadiscover niya ang mga experiments nito.

Ang sa ganang akin:

Ang bilis namang magtrabaho ni Morita. Iyon lang. Feeling ko malapit ng matapos to.

Hiram na Mukha (May 28, 2007)

Mayo 29, 2007

Hindi ko masyadong napanood kaya magrereact na lang ako doon sa napanood ko:

Tanga #1: Hugo

Alam ko obsessed si Hugo kay Alicia pati na rin doon sa pagpe-perfect niya nung facial reconstruction surgery, pero naman itago mo naman ang ebidensiya. Kahit na ba off-limits iyong kwartong ginamit niya para operahan si Clarissa, kailangan ba talagang iwan niya ang mga pechurs ni Alicia at Clarissa doon? Tsaka iyong mga documents niya, bakit andun din? Siguro naman sa yaman niyang iyon may mapagtataguan naman siyang ibang lugar.

Tanga #2: Morita

Taguan na naman ang problema dito. Alam naman niyang mabigat ang hawak niyang ebidensiya laban kay Hugo at sa mga aktibidades nito, hindi pa niya kayang itagong mabuti. Hay naku. Ayan moral lesson sa mga mahilig mag-black mail. Tutal hawak niyo na ang alas, gastusan niyo ng maigi at mag-hire kayo ng mga gwardiya sibil.

At saka iyong palakpak niya dun sa last scene bago matapos, hindi ganun iyung pagpalakpak nun. Dapat slower.

And geez…kung ayaw sa iyo ng lalaki maghanap ka ng iba. Seriously, hinahalikan niya si Hugo di naman nagrerespond si lalake. Would she like to make love with a man as cold as an icebox? Tsk.

Hiram na Mukha (May 24, 2007)

Mayo 24, 2007

Ang nangyari:

Nalaman na ni Carissa na si Mendez and anak ni Dr. Pedroza.

Nalaman rin ni Morita na si “Alicia” ay hindi si Alicia, kung hindi si Carissa.

Nagbago rin ang isip ni Alicia/Carissa sa pagbibigay ng Power of Attorney tungkol sa estate ni Dr. Pedroza.

Pinuntahan ni Morita sa Alicia/Carissa at nagtatanong kung pwede siyang bumalik sa mansyon. Nung hindi umubra ang pakkusap niya inaway niya sa Alicia/Carissa.

Ang sa ganang akin:

Natawa lang ako nung nasa storage room sina Mendez at Alicia/Carissa, noong nakita ni Alicia/Carissa yung isang plaque ni Dr. Pedroza tapos binasa niya ng malakas, ang sabi ni Mendez “Patingin ho.” Wala namang tao sa paligid nila nun no.

At saka hindi ba alam ni Alicia/Carissa ang apelyido ni Mendez? Wala lang.

Inaway-away ni Morita si Alicia/Carissa, feeling niya mas lalaki ang chance nitong makabalik sa mansiyon nila?

Oo talagang marami lang akong napapansin. Lol.