Archive for the ‘Pangarap na Bituin’ Category

Pangarap na Bituin: Final Thoughts

Disyembre 12, 2007

Namimiss ko ang PNB, nagkakawithdrawal syndrome ako.

Okay naman ang ending, predictable pero may puso. Naks. Kaysa naman patayin ang main character kagaya ng ginawa sa Maria Flordeluna. Pucha, isipin niyo the whole story inaapi siya ni Mamita at Wilma tapos ilang beses silang nakidnap tapos madededo pa siya sa bandang huli. Alta presyon tuloy ang inabot ng mga manonood.

Anyway, back to the finale…

As I said, okay naman siya pero medyo abrupt. Ang dami pang loose ends na hindi inaddress ng mga writers.

(more…)

Advertisements

Ilang Pagbabago

Disyembre 9, 2007

Since tapos na ang Pangarap na Bituin, (I’ll write my final comment about this show during the week) Maging Sino Ka Man Book 2 naman ang i-a-update ko. May bago na naman tayong ookrayin.

I’m declaring a hiatus sa pag-a-update ko ng Ysabella. At this point, I just find this show very boring and I haven’t been really watching it. No offense sa mga gusto pa ring manood ng show. And I apologize sa mga nagbabasa ng updates ko dito for Ysabella. I know it’s my blog and I have every right to update what I want, pero somehow giving you guys updates became my responsibility na rin, kahit na papaano. But I think this is better than leaving you wonder if I will be doing my updates or not everyday. I don’t know when I’ll resume updating this…or if I even will. With the demands of school and work, I can only do a maximum of 2 text updates at a time. Let’s see what else will start then I’ll decide.

Anyway, enjoy the rest of the weekend! Take Care.

Pangarap na Bituin, Finale (Episode 70)

Disyembre 7, 2007

Tinawagan ni fake Sapphire si Lena para sabihing alam na niya ang lahat. Ayaw pa ring umamin ni Lena sinabi nitong nakausap pa niya ang mga doctor ng tatay nito. Binabaan siya ng telepono ni fake Sapphire. Pinakiusapan ni fake Sapphire si Terrence, siya daw ang magsasabi kina Ruby at Emerald, iyon lang daw ang paraang alam niyang itama ang mga pagkakamali niya.

Natigilan sa pagkanta si fake Sapphire noong nakita niyang niyakap ni real Sapphire si Jade. Hindi na niya matiis kaya sinabi na niya sa harapan nilang lahat na hindi siya ang totoo nilang ate at itinuro si real Sapphire. Humingi ng tawad si fake Sapphire sa kanila. Bumaba sa stage sina Ruby at Emerald at niyakap si real Sapphire. Nagyakapan silang lahat ang nagpalakpakan ang audience. Habang naiwan naman sa stage si Bridget.

(more…)

Pangarap na Bituin, Episode 69

Disyembre 6, 2007

Binisita ni Terrence si Jimbo sa preso para makilala daw niya ang ama niya. Pero ayaw ni Jimbo, sinabi niyang sa kanya man nanggaling si Terrence, ibig sabihin magulang na siya nito. Pag-alis ni Terrence, makikita ang lungkot sa mukha ni Jimbo.

Ipinagsabi na ni Ruby noong nagba-bonding sila sa living room nila na si Jeffrey si JT noong bumisita sina Jeffrey at Terrence sa bahay nila.

Bumisita si Emerald kay Alberta at humingi ng tawad si Alberta kay Emerald.

(Namiss ko iyong part tungkol kay Chorva, ano iyong nasa folder).

Patuloy pa rin ang sustento ni Sapphire kay Lena.

Masaya na ulit sina Terrence at Emerald together.

Sinabi ng staff sa mental hospital na konti lang ang isasama niya sa concert ng Jewel Sisters. Nagprisinta si real Sapphire na sumama with the promise na magbi-behave daw siya. (Duh! Dapat siya ang priority nilang isama dahil malapit siya kina Emerald).

(more…)

Pangarap na Bituin, Episode 68

Disyembre 5, 2007

Finally tinawagan na ni Emerald ang nurse. Dumating ang mga doktor, nurses, kasama na sina Benedict at Alberta. Nagising si Terrence at sinabi niya kay Emerald na si Lena ang bumaril sa kanya. Umalis si Lena at hindi na siya nahabol nina Benedict. Habang tumatakas si Lena tinawagan niya si fake Sapphire at sinabing magtatago muna ito pero tuloy pa rin ang pagkukunwari ni Sapphire at padadalhan siya nito ng pera or else tigok ang tatay niya.

(Bakit kasi kumuha pa siya ng security e kayang-kaya naman niya si Lena.)

Ibinalita ni Emerald ang nangyari kay Jade. Natatakot namang pumasok si Jade sa kwarto ni Ruby sa ospital dahil hindi raw nito alam ang sasabihin niya kung naroroon si Ruby, baka raw hindi niya matanggap si Jade. Kaya si Jeffrey na lang ang pinapunta niya don. Inassure naman siya ni Emerald na nabigla lang si Ruby. Niyakap ni Jade si Emerald pati na si fake Sapphire.

(more…)

Pangarap na Bituin, Episode 67

Disyembre 4, 2007

Sinabi ni Lena sa mga “anak” niya na dahil sa nangyari kay Terrence, narealize nilang maiksi ang buhay kaya ipinapangako niya na makikita nila kung gaano sila kaimportante sa kanila. Si Ruby lang ang excited.

Dinalaw ni Emerald si Terrence at umiiyak si Emerald. Siya lang daw kasi ang kakampi niya dahil wala na raw naniniwala sa kanya. Sinabi rin niyang sa puso niya si Perla talaga ang lola niya pero paano raw kung nagkamali na naman siya. Kailangan daw niya si Terrence.

Pinuntahan ni Emerald si Jimbo sa preso. Itinanong niya kung bakit niya kinidnap si Perla. Sinabi ni Jimbo na hindi niya alam ang lahat pero ang alam niya pero, oo, sina Lena at Alberta ang mastermind ng kidnapping. Natatakot daw si Lena na kapag lumitaw si Perla, buking si Lena sa mga pinaggagawa niya. Bago umalis si Emerald, kinumusta ni Jimbo ang kalagayan ni Terrence (bakit daw gusto niyang malaman, sabi ni Emerald. Masama raw ba ang mangumusta, sagot naman ni Jimbo). Binalaan na rin ni Jimbo si Emerald na mag-ingat siya kay Lena dahil likaw ang bituka nito at bantayan na rin niya si Terrence against Lena dahil baka anong gawin nito sa kanya.

(more…)