MALIGNO – Episode 19

by

“TAKAS NA ANGELA!”

Nag-iiyakan ang mga miyembro nang kulto dahil sa pagkamatay ni Lucas. Habang iniiyakan ang bangkay ni Lucas ay sinasabi naman ni Dumlao sa mga kasapi na mabubuhay si Lucas, kasama nang ilan nilang kasapi na namatay, at iyon ay sa kaarawan ni Angelo. Sa araw na iyon ay magiging kanila din ang daigdig. Nandoon si Rio Locsin at nakikiusisa. Nang makita nya ang bangkay ni Lucas, napansin nya ang birthmark sa may wrist nito. Nag flashback kay Rio Locsin kung ano ang nangyari sa kanya – nahuli sya nang mga kasapi sa kulto, at habang nakatali sya sa isang puno ay tinatanong sya kung saan nya itinago ang kanyang anak (si Angela.) Ayaw sabihin ni Rio Locsin, kahit patayin pa daw sya. Pinarusahan sya at tinatakan ang kanyang mukha (kaya may peklat sya sa may pisngi) ~ end of flashback.

Nagsisisigaw si Rio Locsin at hinablot ni Dumlao ang kanyang buhok at sinabing may darating na kaparusahan sa kanya sa araw nang kadiliman. Sinasabihan ni Rio Locsin ang mga kasapi na umalis na sila. Nakatakas sya sa pagkakahawak kay Dumlao. Sinisiguro ni Dumlao na mapaparusahan si Rio Locsin sa pagdating nang kadiliman.

Matiyaga paring pumupunta si Joaquin sa bahay ni Elaiza at dinadalhan nya ito nang mga pagkain/groceries. One week nang hindi pumapasok si Elaiza sa office, kaya hinahanap na daw sya. Inabot ni Elaiza ang bible kay Joaquin at may ipinababasa. Paano kung ang tinutukoy daw sa bible ay yung anak ni Angela at Lucas? Hindi binasa ni Joaquin ang bible at gusto nyang pumunta kay Angela para sabihin ang kalagayan ni Elaiza. Hindi pumayag si Elaiza. Sabi ni Joaquin paano kung wala daw alam si Angela sa mga nangyayari? At paano daw nila maililigtas si Angela sa mga demonyo na sinasabi ni Elaiza? Hindi parin masyadong naniniwala si Joaquin kay Elaiza, pero gusto nyang makausap si Angela para sabihin na may ugnayan sila Hector at Lucas. Natatakot si Elaiza sa pwedeng mangyari kay Joaquin. Sinabi ni Joaquin na kung ikakamatay nya iyon ay gagawin nya, para malaman nila ang totoo dahil hindi pwedeng magtago si Elaiza doon habang-buhay. At kung may mga halimaw nga daw na naghihintay kay Joaquin, handa daw nyang harapin ang mga iyon para kay Elaiza, mahal na mahal daw nya si Elaiza. Umiyak at yumakap si Elaiza kay Joaquin at sinabing sasama sya dito.

Sinundo nila Angela at Hector si Angelo. Tinanong ni Hector kung kamusta ang naging klase ni Angelo, pero hindi ito sumagot. Medyo pinagsabihan ni Angela ang anak. Biglang sumagot si Angelo at sinabing bukas ay sila na ang makikinig sa mga ituturo nya. Naguluhan naman si Angela sa sinabi nang anak. Pinaalala ni Angelo sa ina na bukas na ang birthday nya. Sinabi ni Angela sa anak na may sorpresa sya para dito. Pero ang sabi ni Angelo ay sya ang may sorpresa sa ina. Natuwa naman si Angela, dahil wala syang kaalam-alam.

Tinawagan ni Elaiza si Joaquin at tinanong kung nasaan ito. Sinabi ni Joaquin na may pupuntahan sya dahil inutusan sya nang kanyang ina. Pero nahulaan ni Elaiza na nagsisinungaling si Joaquin at alam nyang pupunta ito kina Angela – dala ni Joaquin ang video para ipakita iyon kay Angela. Pilit na pinipigilan ni Elaiza si Joaquin, pero hindi ito nagpapigil. Pagbaba nang phone ay inamin ni Elaiza sa sarili na mahal na mahal din nya si Joaquin.

Pagdating nila Angela sa bahay, nakita nyang naghahanda/nagluluto na sila yaya at Charlie para sa birthday ni Angelo bukas. Ang gusto kasi nila Charlie ay mag-prepare na dahil madaming pupunta sa birthday ni Angelo at baka kulangin sila sa oras. Sinabi ni Angelo na dadating ang buong school sa birthday nya, pati daw buong town. Natawa nalang si Angela sa sinabi nang anak, tinawag pa ang pansin ni Hector, baka daw i-declare nilang national holiday ang birthday nang anak. Malalim ang iniisip ni Hector kaya hindi nya agad napansin ang sinabi ni Angela. Tinanong sya ni Angelo at sinabing birthday na nya bukas, bakit parang hindi daw ito masaya? Sinagot sya ni Hector na syempre daw ay masaya sya. Tinanong ni Angela ang anak na kung gusto ba nitong sa hapon nalang ang birthday nya. Sabi ni Angelo na gusto nya sa gabi para sabay nang lunar eclipse. Gustong malaman ni Angela ang dahilan ni Angelo, pero hindi ito sinabi at sinabing pagbigyan nalang sya nang ina.

Habang nag-iisip sa may pool side si Hector, naramdaman nyang may tao sa likod nya. Pag lingon nya ay nandoon ang ilang kasapi. Tinanong sila ni Hector kung ano ang ginagawa nila doon. Biglang lumabas si Dumlao at sinabing nagbabantay daw sila. Sabi ni Hector na sya na ang bahala doon. Pero sumagot si Dumlao na si Hector ang binabantayan nila. May nakarating daw na balita sa kanya…biglang sumulpot si Angelo at ang lahat ay nagsipag-luhod sa kanya. Tinanong ni Angelo si Hector kung tapat parin ba ang puso nito? Sumagot si Hector nang tapat parin. Sa akin, o kay Angela? (tanong ni Angelo.) Sumagot si Hector na “sa iyo.” Biglang dumating si Angela at nakita nya na nakaluhod si Hector sa may harapan ni Angelo, tinanong sya ni Angela kung ano ang ginagawa nya? Wala daw, ang sabi ni Hector. Pumasok na silang tatlo sa loob nang bahay.

Habang kumakain ay napansin ni Angela na parang tahimik si Hector. Sinabi ni Hector na madami lang syang iniisip sa trabaho. Nag suggest naman si Angela na mag leave nalang bukas si Hector. Pero ang sabi ni Hector na papasok sya sa umaga at babalik nalang daw sa hapon. Nakatanggap nang tawag si Angela sa cellphone nya – si Joaquin. Sinabihan agad sya ni Joaquin na huwag kikibo lalo na kung nandoon/katabi nya si Hector (hindi naman kumibo si Angela.) Sinabi ni Joaquin na nandoon sya sa lugar nila, malapit sa bahay nya. Meron daw ipapakita si Joaquin sa kanya. Hindi kumibo si Angela, tumingin lang kay Hector. Pag baba nang phone ay tinanong ni Hector kung sino daw ang tumawag, sabi ni Angela na reporter lang daw at humihingi nang interview. Ayaw na daw sumagot ni Angela nang phone.

Habang natutulog si Angelo ay pumunta si Angela sa kwarto nito at may nakita syang mga drawings – lunar eclipse at mga lugar (hindi ko masyadong makita ang drawings – ara) Tinanong ni Angela kung nakapunta na ba daw doon si Angelo sa lugar na iyon. Sabi ni Angelo na doon sya magbi-birthday, humindi si Angela at pinatulog na nya si Angelo.

Pag pasok ni Angela sa kwarto nila ay tinanong nya si Hector kung mahal ba talaga sya nito. Sinabi ni Hector na oo naman, at tinanong nya si Angela kung bakit. Sinabi ni Angela na gusto lang daw nyang marinig (pero in serious mood si Angela, hindi in lambing mood.) Nilambing ni Hector ang asawa at inulit nya nang 4 beses ang I love you (with feelings.)

Kausap ni Angelo ang malignong bantay at sinabi nya na baka katulad din ni Hector ang kanyang mga magulang, baka traydurin din sila (may hawak na patalim si Angelo.)

Hindi naman makatulog si Angela at iniisip ang mga sinasabi ni Angelo na gusto nitong magbirthday kasabay ang lunar eclipse. Naiisip din ni Angela ang sinabi ni Joaquin na may video sila ni Lucas at may kinalaman ito kay Hector. Hindi mapakali si Angela kaya bumangon ito at lumabas nang kwarto. Nagising si Hector, pag bangon nya ay lumitaw si Angelo at tinanong kung hindi ba daw susundan ni Hector si Angela?

Nakipagkita si Angela kay Joaquin. Tinanong nya si Joaquin kung ano ang kailangan nyang malaman tungkol kay Lucas at Hector. Binigay ni Joaquin ang cd at sinabing kailangan nyang makita iyon. Biglang dumating si Hector, kaya dali-daling itinago ni Angela ang binigay ni Joaquin. Tinanong ni Hector kung ano ang gusto ni Joaquin kay Angela. Madaling nakaisip nang dahilan si Angela at sinabing nakikiusap si Joaquin para iurong nya ang demanda laban kay Elaiza. Nagtaka naman si Hector dahil bakit kailangan doon pa sila mag-usap. Sabi ni Angela na baka magalit daw kasi si Hector. Tinanong ni Hector si Joaquin kung bakit nakipagkita si Angela. Sagot ni Angela na mga tauhan nya (dati) sila Joaquin, kailangan daw nyang marinig ang sasabihin nila. Pinapatigilan ni Hector si Angela kay Joaquin, matagal na daw nananahimik ang asawa nya.

Pupuntahan ni Elaiza si Joaquin. Gusto namang tawagan ni Joaquin si Elaiza pero low batt sya. Na-flat tire si Joaquin.

Sa kwarto nila Angela, pinapagalitan sya ni Hector dahil baka daw kasabwat ni Elaiza si Joaquin. Sinabi ni Angela na maingat at mag-iingat daw sya.

Habang inaayos ni Joaquin ang kotse, hindi nya alam na dumating ang malignong bantay. Si Elaiza naman ay kino-contact si Joaquin pero wala. Nanganganib ang buhay ni Joaquin. Parang may naramdaman syang kakaiba, parang may nakaabang na panganib sa kanya. Pag sakay nya sa kotse ay nakita nya sa salamin ang maligno, pero pag tingin nya sa likod ay wala naman ito. Lumabas nang kotse si Joaquin para hanapin ang maligno. Hindi nya alam ay napunta ito sa driver side at ini-start ang kotse, samantalang si Joaquin ay nasa labas at nasa harapan nang kotse – sasagasaan nang maligno si Joaquin. Biglang dumating si Elaiza at tinawag si Joaquin. Nakaiwas si Joaquin sa kotse. Sumama si Joaquin kay Elaiza sa kotse nito (may driver si Elaiza.) Pero pag sakay nila at nagmamadali si Elaiza, inuutusan ang driver na umalis na – hindi ito kumikibo dahil patay na pala ito. Tumakbo sila Elaiza at Joaquin. Tinanong ni Joaquin kung bakit sumunod sa kanya si Elaiza, sabi ni Elaiza na hindi nya mapapatawad ang sarili kung sakaling may mangyari kay Joaquin. Inamin ni Joaquin na nung una ay hindi sya naniniwala kay Elaiza, at sinabi din ni Joaquin na walang alam si Angela sa mga nangyayari. Sinabi ni Elaiza na saka nalang daw nila pag-usapan iyon. Aalis/ Tatakbo sana ulit sila pero biglang sumulpot ang maligno at sangkaterbang ahas sa paligid, hindi sila makatakbo. Takot na takot si Elaiza.

Pag gising ni Angela ay nakita nyang fully decorated na ang bahay para sa party ni Angelo. May mga black stars sa white nilang walls, may white and black balloons – si Charlie ang nagdesign noon. Si yaya naman ay nagpagawa nang birthday banner na glow in the dark para kay Angelo. Natuwa naman si Angela sa ginawa nang mga kaibigan. Pag gising ni Angelo ay nakita nya ang decorations at natuwa sya.

Habang nagbre-breakfast si Angelo, ay nakatayo naman sa may pool side si Angela at malalim ang iniisip. Nagpaalam si Hector kay Angelo at bumati din nang happy birthday at mamaya daw ay babalik sya. Nagpaalam din sya kay Angela at humalik. Napansin ni Charlie na parang may LQ ang dalawa kaya tinanong nya si Angela, hindi naman sya sinagot ni Angela.

Sa kwarto ay pinanood nila ni Charlie ang video at nakita nilang nag-uusap si Hector at Lucas. Naghahanap nang ebidensya si Angela, hinahalungkat nya ang mga drawers. Naiiyak si Angela at sinabing halos gumuho daw ang mundo nya nang mapanood nya ang video. Pero naiisip din nya na baka blackmail lang daw iyon sa kanya at pwede namang pagtagpiin ang mga video, at pwede daw na kagagawan ulit yun ni Elaiza. Naghanap ulit sa drawers si Angela at nakita nya ang kwintas ni Hector. Naiyak nang tuluyan si Angela. WAla namang magawa si Charlie kundi ang aluin ang kaibigan.

Nakatali sa magkahiwalay na puno sila Elaiza at Joaquin. Binubugbog ni Dumlao si Joaquin at tinatanong kung ano ang nalalaman nila. Ayaw magsalita ni Joaquin, dapat ay lalagyan sya nang marka sa pisngi (katulad nang ginawa nila kay Rio Locsin), pero pinahinto si Dumlao ni Elaiza at sinabing sasabihin na nya kung bakit pumunta si Joaquin kina Angela. Ayaw ipasabi ni Joaquin kay Elaiza dahil papatayin din naman daw sila. Biglang dumating si Hector at nagkita nya sila Elaiza at Joaquin.

Hinanap naman ni Angela ang anak sa kwarto. Hindi nya ito makita. Tinawag nya ang yaya at pinahahanap si Angelo. May nakitang sketch pad si Angela at nagulat sya sa drawing nang anak – pareho sila nang ginuhit ni Lucas na nakita nya sa bahay nito (lahat nang drawing ay si Angela na napapaligiran nang kadiliman at kababalaghan.) Hinanap ni Angela ang anak.

Humingi nang condition si Elaiza na pag sinagot nya ang mga tanong nila ay papakawalan sila ni Joaquin. Tinanong ni Hector kung ano ang sinabi ni Joaquin kay Angela. Sinabi ni Elaiza na may binigay na disc si Joaquin kay Angela, may lamang video – yung pagdalaw ni Hector kay Lucas sa mental.

Hinanap at pinuntahan ni Angela ang anak base sa drawing na nakita nya. Sa mga ruined walls ay may nakita syang mga drawings na nagsasaad nang mga kwento tungkol sa mga demonyo. Naiiyak si Angela dahil nagpanggap si Hector na mahal sya pero ginawa lang pala iyon ni Hector para madala sila ni Angelo sa lugar na iyon, at miyembro sya nang kulto. Napagtagpi-tagpi na ni Angela, na ang lahat ay isang set up – mula sa pang-gagahasa sa kanya, sa pagsilang ni Angelo at sa ika-9th birthday nito na isasabay sa eclipse mamayang gabi. Sinisiguro daw ni Angela na hindi nila maiaalay ang buhay nang kanyang anak. Umiiyak si Angela at tinatanong kung bakit daw sya? Biglang sumagot si Charlie (and this time serious sya) na dahil si Angela ay anak nang isang miyembro din nang kulto, naging traydor at itinakas si Angela – ang itinadhana kay Angela ay hindi nito matatakasan kailanman. Ang ina ni Angela ay isang traydor at pinarusahan hanggang maging isang baliw at ngayon daw ay magbabalik na ang katinuan para masaksihan ang pinakamalaking parusa – ang masaksihan ang sakripisyo na magaganap mamayang gabi. Ang sakripisyo daw ay magwawakas sa lahat nang kabutihan. Naiiyak si Angela dahil ang kaibigan nyang si Charlie ay miyembro nang kulto. Sinabi ni Angela na hindi nila maisasakripisyo si Angelo, sabay takbo paalis sa lugar na iyon. Isinigaw ni Charlie na hindi matatakasan ni Angela ang nakatakda.

Patuloy na binubugbog ni Dumlao si Joaquin. Dini-distract ni Elaiza si Dumlao para tigilan nya si Joaquin. Paglapit naman ni Dumlao kay Elaiza para patigilin ito, nakahanap nang paraan si Joaquin para makatakas. Sinugod nya si Dumlao at sinakal. Nakawala naman si Dumlao at natalo si Joaquin. Binalikan ni Dumlao si Elaiza para patigilin ito sa kakadakdak. Nakakita nang kahoy na may mga pako/nails si Joaquin at pinalo nya si Dumlao sa likod. Kinuha ni Joaquin ang susi nang kanilang posas at tumakas sila ni Elaiza.

Gabi na nang makita ni Angela ang anak – pinuntahan pala ni Angelo ang bangkay nang amang si Lucas. Tinanong ni Angela kung bakit nandoon si Angelo sa tabi nang bangkay nang demonyo. Nakangiting sinabi ni Angelo na mamaya lang ay mabubuhay na muli ang kanyang ama. Biglang sumulpot ang malignong bantay ni Angelo at napasigaw si Angela. Pilit na itinatakas ni Angela ang anak, pero ayaw ni Angelo dahil birthday na daw nya ngayong gabi. Sinasabi sa kanya ni Angela na kailangan na nilang umalis dahil puros demonyo ang mga nandoon. Nagulat si Angela sa sinabi nang anak – na wala daw pwedeng sumira o tumakas sa itinakda, at walang mas may makapangyarihan. Sinabi ni Angela na ang panginoong Hesus/Jesus daw ang pinakamapangyarihan sa lahat. Pilit na sinasama ni Angela ang anak, biglang dumating si yaya – akala ni Angela ay kakampi nila ito. Kinuha ni yaya si Angelo at sinabing hinihintay na sila nang lahat. Nagulat si Angela na pati si yaya ay kasapi sa kulto. Sinabi ni yaya na lahat nang taong nakilala ni Angela ay may ibig sabihin para sa araw na itinakda.

“Those who live in the shelter of the Most High will find rest in the shadow of the Almighty. This I declare about the Lord; He alone is my refuge, my place of safety; He is my God, and I trust Him.” – Psalms 91:1-2

Mga Marka: ,

6 Tugon to “MALIGNO – Episode 19”

  1. dumbako Says:

    ptvj, totoo bang matapos na ang maligno sa friday? sabi kasi ng sister ko, tulad ng prinsesa matapos na rin daw sa friday. sa marathon weekend na lang ako manood nito.hehehe.

  2. ptvj Says:

    i’m pretty sure matatapos na nga siya bukas…at sana naman matapos na rin ang banyera hehehe.

    sabi ni miss ara (ang ating masugid na tagagawa ng text update ng maligno), matatapos na nga ang maligno bukas.

  3. dumbako Says:

    thanks ptvj!!!!!!!!!!

  4. kulitko Says:

    ano kaya ipapalit sa maligno?

  5. ptvj Says:

    dumbako, no problemo

    kulitko, i think iyong my girl

  6. 70’s movie ‘Kambal Sa Uma’ now a TV remake | Showbiz Manila Says:

    […] MALIGNO – Episode 19 « Pinoy TV Junkie […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: