Maria Flordeluna, Ang Pagwawakas (June 22, 2007)

by

Ang Nangyari:

Nabaril si Brigida sa fake na leg niya. Pinauna na niya sina Flor at Jo. Humingi na tulong kunwari si Brigida.

Nacorner ni Torres sina Jo at Flor. Nagkita sina Brigida at Gary.

Nagkita-kita silang lahat. Galit na galit si Torres at sinabi na ang lahat sa kanila. Siya ang nagtulak kay Gary para sumali sa sindikato para makaganti kay Carlos at kahit na mabait sa kanya si Leo, dugong Alvarado pa rin daw siya. Hindi naman niya binalak na idamay ang pamilya ni Leo pero wala na itong magagawa dahil nasangkot na sila.

Hostage ni Torres si Jo, akmang babarilin niya ito ng biglang sumulpot si Gary at binaril si Torres. Nabaril din si Gary. Nagsama-sama na sila. Nakita ni Flor at Wilma na akmang babarilin ni Torres si Leo, pinigilan nina Wilma at Flor si Torres at nahulog sila sa bangin.

Naka-survive naman si Gary at nagtatago ito pero may tama siya ng bala at siya mismo ang nag-alis ng bala sa dibdib niya. Si Torres nakulong naman.

Nakaligtas sina Wilma at Flor sa operasyon. Hinihintay nilang magising sina Flor at Wilma.

Si Gary naman nagninilay-nilay. Balak niyang umalis sa bansa.

Pinatawad na ni Jo si Brigida. Nagdesisyon na si Brigida na sumuko sa mga pulis. *Drama* *Iyak*

Humingi na rin ng tawad si Brigida kay Leo. Pinatawad na rin siya nito.

Gising na si Wilma. May mga decorations sa ospital, na ideya naman ni Reneboy.

Nagkakumplikasyon ang operasyon ni Flor. Nag-he-hemorrhage ang utak niya at brain dead na siya. Life support na lang ang ikinabubuhay niya.

*Drama* *Iyak* *Tulo sipon* *Singhot*

Nanaginipan ni Gary si Flor. Huwag daw nito hayaang mamayani ang galit sa puso niya.

Flor to Gary:”Kung kailangan daw niyang umalis para magsimula ang pagbabago niyo gagawin ko.”

Napanaginipan din ni Mamita si Flor.

Flor to Mamita: “…mula ngayon po magiging masaya na po kayo kasi nahanp niyo na ang puso niyo…”

Nanaginip din si Wilma, kasama niya sina Flor at Reneboy. Naghabilin si Flor na alagaan ni Reneboy ang magiging kapatid nila at big sister na ang tingin niya kay Wilma. Ingatan daw ni Wilma si Jo at Leo. Sa puso daw niya sister na talaga ang turing niya sa kanya.

Nanaginip din si Jo. Pag daw nakita niya ang Mommy niya, sasabihin nito na magaling na mommy si Jo.

Si Leo napaginipan niya naglalaro sila ng chess: Kahit kulang pwede ng magpatuloy ang laro. Mag-promise daw siya na mas maging masaya daw sila lalo.

Leo: Hindi kita isusuko, patuloy ang laban.

Flor: Hindi ko na kayo pahihirapan.

Nagising si Leo…flatline ang vitals ni Flor.

Tinangka ng mga doktor na sagipin ang buhay ni Flor. Pero hindi na siya nag-survive.

Sa libing ni Flor, nagbigay ng eulogy sina Brigida, Wilma, Jo, Rene Boy, at Leo (in that order). Nandoon din sina Annie, JC, Suling, at Tibor.

Nagkita na sina Elvira at Flor.

Sumuko na si Gary at nabigyan siya ng life sentence. Pati na rin si Brigida, sumuko na rin ito at nakulong.

Pinuntahan ni Leo si Gary sa kulungan para patawarin ito. Sinabi nito sa kanya na napanaginipan ni Gary si Flor. Dahil daw doon ay gusto na niyang magbago dahil nakahanap siya ng katahimikan. Sumaludo si Gary kay Leo.

Maria Flor ang ipinangalan sa anak ni Jo at Leo. (Pareho silang mag-salita at ang cute ng bata!)

“Hindi mahalaga kun gaano tayo katagal tayong nagkasama ang mahalaga ay kung paano natin ipinaramdam ang love natin sa isa’t isa. Dahil ang love na iyon kahit na anong mangyari ay mananatiling matibay at magbibigay ng pag-asa sa pagharap ng mga pagsubok na darating sa ating buhay…”

Ang sa ganang akin:

Ayoko na namatay si Flor…masyadong tragic. Pero kudos sa lahat ng mga gumanap sa show na ito. Talagang superb ang acting nila. Although medyo dragging na yung last few episodes, maganda an istorya nito (kahit na marami akong puna dati).

8 Tugon to “Maria Flordeluna, Ang Pagwawakas (June 22, 2007)”

  1. Mariz Says:

    Akala ko ang bida ‘di mamamatay.

  2. genalene Says:

    very touching ang flor de luna although kahit na namatay si flor happy ending pa rin naman..

  3. lovechild Says:

    Maganda ang story pero mas maganda sana kung ang ending pinakita na, di ang palagi gusto ni Flor ay maging masay ang buong familya di sana hindi yung pinatay siya ,pinakita sa yung achievement ng kaligayahan nung bata na happy ending.

  4. jasmin Says:

    i spend my time watching flordeluna everyday tapos ang ending mamatay lang ang bida at ang batang kontrabida ang buhay! bakit di na lang nabuhay ang bida sa ending dahil nagkapatawaran na silang lahat, kasabihan nga eh nasa t.v kaya nga bida palaging buhay sa ending bakit di na lang yong wilma ang ginawang bida sa umpisa pa lang!palagi na lang naaapi si flor sa eksena tapos ala man lang happy ending! i hate to say i wasted my time.

    i am tfc subscriber

  5. Joy Paras Says:

    I don’t like the ending na namatay si Flor. mas maganda kung after they have been through magkakasama na sila muli as happy family pati sa pagdating ng anak ni Leo at Jo, at ganoon din sila tatay Tibor, Annie at Suling. Okay lang na magdusa si Gary at Brigida sa mga kasalanan na ginawa nila ang they are looking forward for another chance after they pay their debt to society. I was really looking forward for that ending matapos kung subaybayan ito mula sa umpisa.

  6. bianca ang fans ni eliza pineda Says:

    im sorry flor na hindi ako nakapanood ng mariaflordeluna noong june 22 dahil nag ano kimi nalakad lakad saan saan pero na iyak ako dahil nakapanood ako

  7. sheherezad Says:

    sna di namatay c flor dhil mabait cya angel na angel c flor sns katulad din ako ni flor

  8. sheherezad Says:

    flordeluna ma mi miss kta!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: