Archive for the ‘Wowowee’ Category

Carlene Aguilar on Wowowee

Hunyo 13, 2008

Guest host si Carlene Aguilar last Wednesday sa Wowowee. Grabe, ang tangkad pala niya, lol. Lagi ko kasi siyang nakikitang nakaupo pag ini-interview siya. Hehehe.

Okay naman siyang mag-host. Actually mas okay pa nga siya kay Kristine Hermosa, to think ilang beses ng nag-host dun si Kristine.

Just saying.

Advertisements

Wowowee in Hawaii News

Mayo 9, 2008

Wowowee 05-03-08

Mayo 3, 2008

Natawa lang ako kapag nakikita ko si Willie na “dinudumog” ng mga tao kapag kumakanta siya sa Wowowee. As if naman. Charing!

P.S. Nag-volunteer si Jazzams na gawin iyong Malignot text update for yesterday hindi kasi nagawa ni Miss Ara. Post ko later, matutulog muna ako. Hehehe. Napost ko na.

Binabawi ko ang P.S. ko nung nakita ko kung sino ang maglalaro ng Hep! Hep! Hurray! (Among others: Dagul, Kuhol, Nanay Lilia, Madam Auring, Bangkay, Mahal, Felipe Jr., Bronson, Kiray, Gerald something) Nakita ko iyong favourite scary old lady ko sa mga Pinoy horror movies. And she’s got name, Lilia Cuntapay. Finally alam ko na ang pangalan niya. I can sleep better. Lol.

Naks ha, blondie si Mahal. Nasobrahan ata siya sa chin chun su (meron pa ba nun?).

Ay, na-out si Nanay Lilia…I was rooting for her. Not-so childhood horror lady person ko pa naman siya.

Naiwan sina Dagul at Felipe Jr. (iyong contestant kahapon). Pinapanalo na niyang ang dalawa. Hati na lang siguro sila sa prize. Aba, nakuha pa nila ang P100K.

Miss Fitrum 2008 Week 1

Abril 7, 2008

Putsa. Hindi ko alam na meron na pala nito. Bwahahaha. May bago na naman tayong ookrayin.

Sayang busy ako hindi ako masyadong makapagcomment. Di bale next week, todo-todo na ang comment ko. Heheheh.

Contestants:

Jennifer Apolinario

Angelica Reyes

Winner: Pareho. (What?!)

Bakit dalawa lang ang mga contestants?

MWF lang pala ito and then weekly finals pag Saturday.

Wowowee 03-12-08

Marso 12, 2008

Ikukwento ko lang kanina habang nanonood ako ng Wowowee. Ina-announce na sasayaw si Cristine Reyes.

Pinatay ko na ang TV.

Wowowee: Willie Revillame’s 47th Birthday

Enero 27, 2008

Heto kahit may sakit ako mahadera pa rin ako:

Parang hindi organized iyong episode. Tapos ang gulo pa ng game nila.

Chuva chenes naman itong si Christine Reyes. Masyadong pa-intriga sa birthday greeting niya sa tatay niya kay Willie (Sa mga hindi nakapanood, she said something about her being scared of getting into that slingshot ride, tapos Willie joined her so she won’t be scared. And then she added na hindi raw niya alam kung bakit ginawa ni Willie iyon…asus). At saka pwede ba, imposible namang hindi niya alam na kukunan siya ng VTR (iyon pa rin ba ang tawag dun? I’m so 1980s). Parang tuliro, hindi alam ang mga pinagsasabi.

Si Ara Mina naman hindi pa pinagbigyan iyong matandang contestant para mag-pasalog. Sus. Sana tinotoo mo ang sinabi mong ikaw na ang bahala sa kanya.

At saka hindi ko pa pala nairereklamo ito: Iyong mga TFC subscribers diyan na nakasali sa Bigatin, pagbigyan niyo na lang ang mga ibang contestants. Oo, maaring inutang niyo lang ang pinang-uwi niyo sa Pilipinas, maari ring hindi. Bottom line is you went to that show para magsaya, siguro naman hindi naman kayo mawawalan ng malaking halaga kung ibalato niyo na lang sa mga ibang contestants na obvious namang naghihikaos sa buhay. Para kasing it’s so ganid.

Oo, sige for the sake of argument sabihin na nating hindi naman walk in the park ang buhay natin sa ibang bansa, pero ikumpara niyo naman ang state ng buhay niyo doon sa mga kalaban niyo. Kayo may perang pang-uwi at may pambili ng pang-japorms niyo, sila wala.

Iyun lang — for now.