Archive for the ‘Drama’ Category

Ligaw na Bulaklak and My Girl

Mayo 27, 2008

Sinong nakapanood?

Iyong Ligaw na Bulaklak para pinaghalong soap opera noong 80s at drama sa radyo. May voice over pa sila, para iyong tipong “Ano ang mangayayari sa tagpong ito…sundan bukas…dito sa… .”

Story-wise, para talaga siyang iyong mga sinaunang drama. Pero magagaling naman lahat ng mga artistang lumitaw sa first episode…hindi pa kasi lumilitaw si Ara Mina. Bwahahaha. Nagmature na si Isko Moreno, pero may itsura pa rin ha!

Ang My Girl naman, nakakaaliw. Pinanood ko ang original version nito. Let’s hope mame-maintain nila ang charm ng original version. Tira-tira!

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 73 (Finale)

Marso 28, 2008

Nagalit si Jackie dahil si Eli ang naabutan niya sa bodega. May nagtext rin pala kay Eli para pumunta doon pero ayaw maniwala ni Jackie. Sumakay ng taxi si Jackie (sa Maynila ba ito? Parang ang bilis naman nilang nakarating).

Si Daniel ang nag-text kay Jackie pero nahuli ito ng dating. Habang pinagmamadali niya ang driver, nakatanggap siya ng text threatening him na papatayin siya at ang pamilya niya.

Nagkasalubong ang mga sinasakyan nina Jackie at Daniel pero nagtago si Daniel.

Kinausap ni Corazon si JB, ano raw ang ginawa niya kay Onay. Nagalit si JB dahil wala naman siyang ginagawa kay Onay at bakit raw ba puro Onay na lang ng Onay si Corazon? Alam daw niya anak siya ni Amang pero she could’ve given some affection to Celine when she was stil alive. Sinabi ni Corazon na natuto siya sa mga pagkakamali niya. She’s trying to make up for everything through Onay. Dahil alam daw niyang Onay cares for him and how she cared for Celine.

(more…)

Lobo, Episode 40

Marso 25, 2008

Note: Sub lang po ako ni Miss Neneng for today. Get well soon!

Pinaputok ni Gabby ang baril niya sa isang puno noong nagtangkang umiwas si Noah. Huwag daw siyang magkakamali dahil babarilin daw niya si Noah maibalik lang niya ito sa kulungan.

Sa pulong ng mga Waya, sinabi na nina Manolo at Lady Elle ang nalaman nila sa mga totoong katauhan nina Noah at Gabby (although akala nila Luna din si Noah). Concerned si Lady Elle pero ipinagkibit balikat lang ni Ylvana ang nalaman (Biatch!). Ayaw pumayag ni Ylvana na gumawa ng grupo para i-follow up ang mga itim na lobo at another group para i-follow up ang pagkawala nina Gabby at Noah. Sinabi rin ni Ylvana na si Lady Elle ang may kasalanan dahil siya ang nagpasok ng mga iyon sa kumpanya.

Nabigla ni Minyong si Gabby kaya nakatakas si Noah. Galit na galit na hinabol ni Gabby si Noah, pinaputok nito ang baril niya sa ere ng ilang beses. Frustrated na frustated na siya. Nakatakas pa rin si Noah.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 70

Marso 25, 2008

Humingi ng paumanhin si JB sa ina tungkol sa nangyari noong nakaraang araw. Silent treatment naman ang ibinibigay ni COrazon sa anak. Obvious raw na nobody can’t tell him what to do, pero hopefully raw he starts looking at the world around him. Life does not end with Celine daw. Marami raw rason para mabuhay siya.

Habang naglalakad sina Joko at Onay sa tabi ng dagat, sinabi niyang parang may ginagawa siyang mali. Sinabi ni Joko na sobrang mali nga raw siya, St. Onay na nga raw siya e. Patay na nga raw ang inaalagaan niya, caregiver pa rin siya nito. Hindi na raw kayang gawin ni Onay ang gusto ni Celine.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 69

Marso 24, 2008

Tinanong ni Celine kay Onay sa sa video niya kung nahanap na niya ang “The One?” Dahil iyon lang naman daw talaga ang wish nito para sa kanya. Sana raw nahanap na niya ang kagaya ni JB. Nakiusap ulit si Celine na alagaan ni Onay si JB (Ibinigay pala ni Celine ang video sa nagkasal sa kanila ni JB with the instruction na ibigay ito kay Onay two years after she died).

Nagpasiya si Eli na pumunta sa San Rafael para hanapin si Jackie. Si Pong na lang ang pinauwi niya ng Maynila at inihabilin si Bogs. (Kawawang Lolo iniwan siyang nag-iisa).

Masayang sinalubong ng mga bata si “Teacher Princess.” Pinakain niya ang mga ito at tinuruan ng mga lessons nila (Aba, ginabi pa sila. Ang haba yata ng klase nila. Lol). May isang estudyante si Jackie na “Eli” ang nickname at ayaw nitong magpatawag sa buo nitong pangalan kaya walang choice si Jackie.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67

Marso 18, 2008

Selos na selos si Jackie dahil akala nya ay may ka-date si Eli. Hindi na nakapag-concentrate si Jackie sa kanyang client at nag-excuse na pupunta nang restroom. Nakita sya ni Eli na tumayo.

Si Onay naman ay hindi makatulog dahil naaalala nya ang mga moments with JB. Kahit pinipilit nyang matulog ay talagang hindi sya makatulog.

Si JB naman ay bumaba nang living room at binuksan ang radio. Nagulat sya nang marinig nya na ang pinapatugtog ay yung kinanta ni Onay na “I’ve Fallen for You.”

Sinundan ni Eli si Jackie at pilit na hinalikan sa lips. Nang una ay lumaban pa si Jackie pero bandang huli ay nangibabaw na din ang totoong naramdaman kay Eli. Napunta sila sa loob nang kitchen, at natulala ang mga staff dahil doon sila naghahalikan.

(more…)