Archive for the ‘Lobo’ Category

Lobo, The Finale

Hulyo 11, 2008

In honour of today’s last episode, wala akong ilalagay na side comments — just the story. Ito na ang huli. Huhuhuhuhuhu!

Itinulak ni Anton si Noah sa pamamagitan ng apoy niya.

Nagkukunwari namang nagde-date sina Gabby at Alec para hindi mahalatang hinahanap nila ang mga bomba sa isang public place

Habang sa kampo naman nina Lady Elle ay may mga ordinaryong tao naman na tumutulong na rin sa kanila dahil iniligtas sila ng mga taong lobo in the past. Magaling na si Lady Elle at okay na rin si Nessa. Sinabi ni Rodolfo na nailigtas na ang mga taong lobong kinuha nina Anton at nailipat na nila ng mga lugar ang mga iyon. Pero wala pa siyang balita from Alec and Gabby pati na kina Lyka at Noah.

Sinaktan ni Anton si Lyka. Sinabi ni Noah na kung talagang mahal niya si Lyka hindi niya ito sinasaktan at nagtatago lang daw siya sa kapangyarihan niya. Hinamon siya ni Anton ng mano-mano at nagtuos sila. Ang nanalo ra sa kaniya mapupunta ang kapangyarihan.

Advertisements

Lobo, Episode 117

Hulyo 10, 2008

Note: PUTOL ANG VIDEO HINDI KO NA MAPANOOD IYONG LAST 5 MINUTES I DON’T KNOW WHY. Add ko na lang mamayang napanood ko na sa TFC. Unless, may gustong magkwento. Hehehe.

Umalis si Lyka dala-dala ang baril na may bala ng dugo ni Noah.

Nasa itaas ng simbahan si Anton at hinihintay niya si Lyka doon. Malapit na raw mabuo ang kaharian niya na iniaalay niya para kay Lyka.

Nagliliyab ito sa itaas ng simbahan sa tapat ng krus at pinagliyab niya ang paligid ng simbahan.

Ino-orient ni Noah ang mga kasama nila tungkol sa gagawin nilang pagsugod. Hinahanap ni Noah si Lyka, sinabi ni Clarisse na kanina pa nito hindi napapansin si Lyka. Narealize ni Noah na pinuntahan ni Lyka si Anton. Nagbago ang plano nila at hindi na sasama si Noah sa pagsugod sa warehouse (kung nasaan ang mga bihag na taong lobo nina Anton) sa halip ay susugod ito sa mansiyon para iligtas si Gabby. Matutulungan daw siya ni Gabby na malo-locate ang mga bomba at baka raw alam nito kung nasaan si Anton (ibig sabihin hindi mo ililigtas si Gabby kung hindi nawawala si Lyka? LOL).

Lobo, Episode 116

Hulyo 9, 2008

Hinuhuli ni Anton si Gaby para malaman kung sino ba talaga ang trumatraydor sa kanya. Kinakabahan si Gaby dahil sinasabi ni Anton na may pasensya sya sa mga tauhang tanga (dahil nakatakas sila Trixie), pero sa tauhang traydor ay wala daw. Kaya pasensyahan nalang daw sila. Biglang pinahuli ni Anton si Ylvanna at nakahinga nang maluwag si Gaby. Nagwawala si Ylvanna dahil hindi sya makapaniwala na sya ang pinahuhuli ni Anton. Sinabi ni Anton na si Ylvanna daw kasi ang nakatoka para magbantay kina Trixie, at nagawa pa nitong makatakas pati ang dalawang bata. Siguro naman daw ay hindi ganon katanga si Ylvanna kundi traydor lang. Sumisigaw na sinasabi ni Ylvanna na si Gaby ang traydor at hindi sya. Naniniwala naman si Anton na si Ylvanna ang traydor dahil umpisa palang ay parati na daw nitong kinukuwestyon si Anton, at hindi daw si Gaby ang traydor dahil handa itong itaya ang sariling buhay para lang sa layunin ni Anton. Nagwawala parin si Ylvanna kaya tinurukan sya nang bantay nang pampatulog. Ayaw na daw ni Anton na makarating pa sa kabilang kampo ang mga plano nya, kaya pinakukulong nya si Ylvanna.

Lobo, Episode 115

Hulyo 8, 2008

Sinabi nina Lyka na lalaban sila hanggang sa katapusan.

Tinatanong ni Gabby kung ano ang laman ng mga packages dahil military sealed ang mga ito. Huwag na raw alalahanin ni Gabby ang mga iyon at malalaman rin nito ang mga laman noon in due time. Pumasok na sina Ylvana, Anton at Gabby sa kung saan nila dinala ang mga taong lobo.

Sinalubong ng mga reklamo si Ylvana dahil para raw silang mga nasa preso sa pinagdalhan nito sa kanila at nagugutom na rin ang mga anak nila. Nagpakilala si Anton sa kanila bilang bago nilang pinuno.

Lobo, Episode 114

Hulyo 7, 2008

Nagpupumilit pa ring makapasok si Anton sa kweba pero hindi ito nakapasok.

Naging tao na silang pareho ulit at naghalikan na sina Noah at Lyka. Sinabi ni Lyka na alam niyang matatagpuan siya ni Noah at naghalikan sila.

Sinabi ni Remus na nagpupugay siya kina Noah at Lyka (tse, gusto lang silang makitang nakahubad ni Remus LOL). Napatunayan daw ng willingness nilang dumaan para sa mga pasakit para lang malaya nilang mahalin ang isa’t isa. Tinapos raw nila ang sumpa. Humayo raw sila at pangalagaan ang buong lahi, nasa kanila raw ang pagpapala ng tadhana. (Nakahubad sila sa eksenang ito.) Umalis na sina Noah at Lyka at naiwang si Remus doon.

Lobo, Episode 113

Hulyo 4, 2008

Patuloy pa rin ang pagtatalo nina Remus at Noah. Hindi raw aalis ng kweba si Noah hangga’t hindi ibinabalik ni Remus si Lyka sa kaniya. Dinala tuloy siya ni Remus sa loob ng simbahan, lol (oh, wait di ba sinabi ni Trixie na kapag nakalabas ng kweba si Noah, magtatagumpay siya?). Pati si Lyka naroroon.

Nagising na si Trixie. Itinatanong ni Anton kung paano mababalik si Lyka sa dati, ayaw sumagot ni Trixie kaya nalalatigo na naman ito. Sinabi ni Trixie na nilalabanan nina Noah at Lyka ang tadhana nila at iyon din ang gagawin niya. Kaya patuloy na may imaginary na latigong humahagupit sa kaniya.