Archive for the ‘Margarita’ Category

Margarita, The Finale (Episode 40)

Setyembre 21, 2007

Pagkatapos ng dance number, nag-speech si Margarita at sinabi niya sa harap nilang lahat ang tunay niyang pagkatao. Sinabi nitong iniwan ni Robert ang nanay nila noong buntis ito, nagka-cancer ang nanay niya at binigyan lang siya nito ng Php50 (naisingit pa niya sa bikini niya iyong limampung piso), noong narape siya, noong nag-Japan siya, at ngayong sumasayaw siya ng halos hubo’t hubad para lang makapag-aral ang mga kapatid niya.

Akala daw niya nagbago na ang tatay niya pero mali pala siya dahil inalok siyang maging kabit nito. Sinabi na rin niyang nalaman niya na hindi nagpakamatay ang nanay niya kung hindi pinatay siya ni Jessica. Sinabi ni Jessica sa audience na huwag nilang iboboto si Robert.

(more…)

Margarita, Episode 39

Setyembre 20, 2007

Hinahalikan ni Robert si Margarita sa leeg. Sinabi nito na alam na niya kung sino siya. Ang hindi raw maibibigay ni Bernard, siya ang makakapagbigay. Inaalok niya itong maging “mabait” lang daw siya sa kanya at dahil marami itong pera. Hindi makapaniwalang umiiyak naman si Margarita. Tinawag nitong hayop ang tatay niya at hinampas niya.

Luhaang tinititigan na naman ni Margarita ang P50 na ibinigay ng tatay niya sa kaniya noong may sakit na kanser ang nanay niya. Naalala niya mula noong iniwan sila nito.

Wala sa mood si Bernard noong nag-uumagahan sila. Tinatanong ni Paula kung bakit hindi na niya nakikita si Greta. Wala na raw sila at meron ng iba si Greta.

(more…)

Margarita, Episode 38

Setyembre 19, 2007

Sinabi ni Margarita na huwag sana siyang sasaktan ni Bernard. Ayan, naghalikan sila ulit.

Hindi nila alam na may hitman sa labas ng gate nila Margarita at akmang babarilin si Bernard. Tinutukan siya ng baril ni Rodrigo at pinukpok niya ito ng baril at nawalan ito ng malay. Doon niya nakita magkayakap sina Margarita at Bernard.

In captivity ang hitman with Bernard. May tumulong daw kasi kay Rodrigo kaya buhay pa ito. Si Rodrigo daw ang ginawa niyang hitman para patumbahin si Ramon at makulong ito. At ang usapan daw nila ng amo niya ang mga criminal lang ang papatayin niya. Binaril ni Rodrigo ang hitman sa ulo.

(more…)

Margarita, Episode 37

Setyembre 18, 2007

Dinala sa ospital si Bernard.

Nalaman ni Ramon na nabaril si Bernard.

Napanood sa TV nina Robbie, Margarita, at Didith ang balita tungkol sa pagkakabaril ni Bernard.

Nagkita sa ospital sina Ramon, ang partner ni Bernard, Jessica, Robert, at ang pulis na kasama ni Bernard. Sinabi ni Ramon na maraming ng nasasagasaan si Bernard at marami ang hindi magdadalawang isip para itumba siya. Gumawa raw siya ng paraan sabi ni Jessica.

(more…)

Margarita, Episode 36

Setyembre 17, 2007

Sinabi ni Robert na totoong may pamilya siya dati. Pero hiniwalayan daw niya ang misis niya dahil akala nito nanlalalake siya. Iyon pala raw bestfriend lang ni Adora iyon at alam niyang nagkamali siya Inamin niyang marami siyang nagawang pagkakamali at may pagkukulang siya sa mga anak niya. Kaya nga gusto niyang ganapin ang pagkukulang nito, gusto niyang maging mabuting ama hindi lang kay Paula at gusto niyang maging ama sa lahat ng mga mahihirap. And all that drama. Nagsorry kuno ang heckler hindi raw niya alam ang pinagdadaanan ni Robert. Ayan pinalakpakan na siya.

Nagtatalo noong pauwi sina Robbie at Margarita tungkol sa ama. Siya raw ang dahilan kung bakit sila naghihirap at siguradon set-up lang ang nangyari. Ayaw maniwala ni Margarita. Ayaw maniwala ni Robbie na nagbago si Robert kahit anong kumbinsi ni Margarita.

(more…)

Margarita, Episode 35

Setyembre 14, 2007

Tuloy pa rin ang interview sa TV nina Robert, Jessica, at Greta. Hindi masagot-sagot ni “Greta” ang mga tanong ng interviewer. Sa palagay daw ni Robert, ang pinakamalaking naitulong niya dito at insipirasyon. Para raw kasing anak na niya ito, kaya “tatay” na rin ang tawag nito sa kanya. Napanood naman ni Bernard sa TV sa tindahan ang interview. May message raw ba si “Greta” sa tatay niya. Ang sabi nito, “Tay, maraming salamat po, mahal ko po kayo.” Habang umiiyak ito, pinahid ni Robert ang luha niya. Pagkatapos ng interview, tuwang tuwa sina Robert at Jessica. Magpractice na raw siyang tawagin itong “tatay.”

Dumating si Bernard, at sinabi kay Jessica na nakakahiya ang ginawa nito at siguradong pinilit lang nila si “Greta.” Okay lang daw, sabi ni Margarita.

Nakakuha ng “pirma” ni Rodrigo si Bernard para i-authorize ang exhumation ng bangkay ni Carding.

(more…)