Archive for the ‘Sa Ganang Akin’ Category

Hay Naku

Hunyo 9, 2008

Kwento ko lang kanina nanonood ako ng Wowowee. Ang bastos ni Willie dun sa contestant na nanalo sa Hip Hip Hurray. Kasi may tinanong siya, I forgot what but I think he was asking kung sino ang kasama niya? Something like that. E nabanggit ng nanalo na hiwalay na ang parents niya. Ang sabi ba naman ni Willie hindi niya tinatanong ang istorya ng buhay niya. Sus.

He’s a host, kung ayaw niyang mapunta doon ang usapan he should be able to steer the conversation away from that topic.

Tse!

Nagmumuni-muni Lang

Abril 25, 2008

Kanina, ginawa ko ang matagal ko ng hindi ginagawa: ang magbasa ng comment sa PEP. Paano naman kasi mapa-kapamilya or kapuso man sila, kapag may article kahit isang milyong kilometro ang layo sa network war ang topic, ginagawa pa rin nilang network war.

Hindi ako makapaniwala ibang mga nababasa ko dun. Para bang ang laki ng galit sa mga puso ng ibang mga tao dun kung mag-away sila. To think hindi naman siguro lahat sila ay magkakakilala. Hindi ko naman siempre nilalahat, pero mas namamayani pa rin iyong mga nag-aaway.

I know hindi lang naman sa PEP nangyayari ito sa ibang forums din. Pero siempre hindi naman ako makapagcomment about the other forums dahil hindi ko naman sila pinupuntahan.

Wala lang.

Ploning VS When Love Begins

Abril 21, 2008

Alin sa tingin niyo ang mas kikita?

Iyong Ploning, mukha naman siyang maganda at may sense, but as we all know quality movies doesn’t exactly equate to box office success. Mas gusto pa rin ng mga tao iyong may commercial appeal kagaya ng When Love Begins. Aga Mulach, Anne Curtis — need to say more?

Agree or disagree?

Btw, di ba nagtatampo daw si Juday dahil tinapatan ng Star Cinema ang play date ng movie niya? Ang sabi naman ng Star Cinema, nauna raw silang nagbook kay Juday (para sa mga tamad magbasa: July 2007 pa raw sila nag book, ang Ploning naman October 2007).

Hmnnn…

Palos

Marso 31, 2008

Panawagan lang po:

Pakibawasan niyo nga ang mascara ni Bangs/Sylvia. 🙄

MSKM2 Finale

Marso 27, 2008

O game, bukas/mamaya (depending on where you are) na ang ending ng MSKM2. Ano ang gusto niyong ending?

Paano kaya kung ganito na lang ang ending:

(1) Magkakabalikan sina Eli at Jackie tapos ikakasal sila ulit. Mababaril siya tapos malalagay siya sa comatose and then magigising siya after na nag-usap sila ni Dadoods sa kabilang buhay. Sa kasal nila may mag-aaproach na dalawang mistisa sa kanila, vowing to ruin their lives. Oh, wait…nangyari na pala iyon.

(2) Tutal pinatay na nila ang kalahati ng cast, patayin na nilang lahat. May bulkan sa lugar nila na sasabog tapos lahat sila mamamatay.

(3) Kung hindi naman sila mamamatay, mawawala sila at hindi nila makikita ang isa’t isa. Malalaman lang nila na magkakadikit ang mga buhay nila dahil alam nila ang isang kanta na sila-sila lang ang nakakaalam (siempre, Maging Sino Ka Man iyong kanta). Tapos buhay pala si Celine at hinahanap sila. Oh, wait…ibang teleserye pala iyon.

(4) Masyado bang tragic ang #2? Edi gawing survivors sina Joko at JB. Tapos magiging sila na lang. Mamahalin nila ang isa’t isa maging sino man sila. Tapos may book 3. Maging Sino Ka Man: Ang Pagdadalaga ni Joko Dimaano.

(5) Eksena sa bodega. May magbabarilan. May maghahabulan. May madadaplisan ng bala. Mahuhuli ang dating ng mga pulis. Mahuhuli ang kontrabida. Makakasurvive ang bida. Next scene nasa beach sila at sumasayaw.

Kayo anong gusto niyong maging ending?

Wowowee 03-12-08

Marso 12, 2008

Ikukwento ko lang kanina habang nanonood ako ng Wowowee. Ina-announce na sasayaw si Cristine Reyes.

Pinatay ko na ang TV.