Authors

PTVJ

Lahat na yata ng mga pelikula ni Sharon Cuneta when I was growing up ay napanood ko na. Sharonian kasi ang Nanay ko pati na ang mga babysitters ko. Mahilig din akong magbasa ng mga komiks, hindi lang Funny Komiks ha…pati na iyong mga wakasan at horror fan din ako dati niyan. Iyan nga yata ang dahilan kung bakit nahilig akong magbasa. Naalala ko nung grade 3 ako, sinusubaybayan ko iyong Sa Isang Sulok ng mga Pangarap ng Horoscope Komiks. (Read More…)

NENENG

Neneng ang tawag sa akin sa bahay noong maliit pa ako. Pag inuutusan ako nina mama at papa “Neneng, bili ka nga doon sa kanto ng mantika” – o di ba may lambing, naks naman! Noong nasa Highschool pa ako, kabilang ako sa mga pumila sa sinehan noong ipalabas ang BAGETS. Ang cover ng notebook ko ay picture nina JC Bonnin at Sharon-Gabby. Ang favorite passtime ko dati ay magbasa ng komiks at maggupit ng mga picture ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na nakikita ko sa Komiks. Hindi ko kasi puedeng gupitin iyong mga picture nila sa magazines, kasi pang-arkila lang ng magazine at komiks ang sobra sa baon ko noong nag-aaral pa ako. Nagugupit ko iyong nasa komiks kasi pag luma na iyong komiks ay binebenta na lang ng pinag-aarkilahan ko na si “Aling Fely” sa murang halaga. Third year highschool ako noon nang makabili ako ng wallet na ang design ay si Betty Boop, ang tagal kong iningatan ang wallet kong iyon. Tuwang tuwa ako noon sa mukha ni Betty Boop, actually hanggang ngayon natutuwa pa rin ako sa kanya. Ang wallpaper ko ngayon ay si Betty Boop. (Read More…)

ARA

***Coming Soon!


%d bloggers like this: