Archive for the ‘Ysabella’ Category

Ysabella, Final Thoughts

Enero 27, 2008

Isang linggo na mula noong matapos ang pinakakaabangang pagtatapos ng isang teleserye. Talagang inaabanganng matapos ng mga tao dahil nabubwisit na siguro sila sa naging takbo ng story nito.

Unang-una, akala ko ba dati sa February pa ang ending nito? Mali ba ako o minove lang nila dahil sa Lobo. At kung tama ako ano kaya ang masasabi ni Alfie Lorenzo tungkol dito. Not that I really care.

Noong una maganda naman ang story niya di ba. Parang iyong mga story noong unang panahon, hanggang sa nakatulog na ata ang mga writers at hindi na nagising so iyong mga random babbles nila sa mga panaginip nila iyon na lang ang paulit-ulit na nangyari.

May gagawing masama si Victoria kay Ysay. Lalong maghihirap sina Ysay, tapos sasaluhin siya either ni Andrew, Albert o Mito. Tapos the cycle went on and on and on. Promise, minsan sa sobrang inis ko gusto ko na ngang magtagumpay si Victoria sa mga plano niya.

(more…)

Ysabella, Ang Pagtatapos

Enero 18, 2008

Pinanood ko lang iyon huli…I might do a mini text update later on. Eto ang main events:

(more…)

Ysabella’s Latest Update

Enero 9, 2008

Eto i-sa-summarize ko ang mga pangyayari sa Ysabella 😈 :

Nag-away sina Ysabella at Victoria. Dahil may maitim na binabalak si Victoria kay Ysay.

Nag-uusap sina Ysabella at Mito. Darating si Albert tapos magtitingan silang tatlo kasabay ng suspense music. Magagalit si Mito sa pagdating ni Albert. Wala namang kibo si Albert.

Nag-uusap sina Ysabella at Albert. Tutulo ang luha ni Ysay. Darating si Mito tapos magtitingan silang tatlo kasabay ng suspense music. Magagalit si Mito sa pagdating ni Albert. Wala namang kibo si Albert.

Nag-uusap sina Albert at Mito. Darating si Ysabella tapos magtitingan silang tatlo kasabay ng suspense music. Magagalit si Mito sa pagdating ni Albert. Wala namang kibo si Albert.

Magkikita sina Mito at Albert. Magtitinginan sila kasabay ng suspense music.

Tapos iinom sila ng kape (Nescafe), pero mas mahaba pa ang exposure ng kape dun sa tao.

Kakanta si Alex kapag nauubusan na sila ng mga dialogues at eksena kaya mag-e-emote na lang sila.

P.S. Marunong palang mag-Spanish si Ysay.

Ysabella: Ang Huling Dalawang Linggo?

Enero 8, 2008

Matatapos na pala ang Ysabella? Salamat naman. Tapusin niyo na nga, nakakabwisit na lang ang istoryang ito.

Siguro ito ang papalitan ng Lobo.

Ysabella Recent Updates

Disyembre 27, 2007

Hindi pa rin ako nanonood ng Ysabella. But I let it play in the background just to find out kung may interesanteng pangyayari.

Ano na ba ang nangyayari lately?

May tumor sa ulo si Reno and he does not want to fight it at nagpauwi na lang siya sa farm — inihatid siya nina Albert at Ysay.

Nagkukunwari namang baldado si Victoria para makuha ang sympathy in Albert.

Si Christina ang nanakot kay Ysay at naglagay ng puso ng baboy (?) sa higaan niya.

Ano pa ba? Wala na akong maalala.

By the way, if you want updates for Ysabella, someone’s doing an update HERE everyday. Abangan niyo na lang sa forum (around 1-2 am Philippine time meron ng updates).

Ilang Pagbabago

Disyembre 9, 2007

Since tapos na ang Pangarap na Bituin, (I’ll write my final comment about this show during the week) Maging Sino Ka Man Book 2 naman ang i-a-update ko. May bago na naman tayong ookrayin.

I’m declaring a hiatus sa pag-a-update ko ng Ysabella. At this point, I just find this show very boring and I haven’t been really watching it. No offense sa mga gusto pa ring manood ng show. And I apologize sa mga nagbabasa ng updates ko dito for Ysabella. I know it’s my blog and I have every right to update what I want, pero somehow giving you guys updates became my responsibility na rin, kahit na papaano. But I think this is better than leaving you wonder if I will be doing my updates or not everyday. I don’t know when I’ll resume updating this…or if I even will. With the demands of school and work, I can only do a maximum of 2 text updates at a time. Let’s see what else will start then I’ll decide.

Anyway, enjoy the rest of the weekend! Take Care.