Archive for the ‘The Buzz’ Category

Nag-resign nga ba si Cristy Fermin sa The Buzz?

Abril 16, 2008

Sa naturang episode ay guest nila si Annabelle Rama at pinag-usapan ang tungkol sa naipanalong libel case nito laban kay Cristy. May mga binitawang salita si Annabelle patungkol kay Cristy, na sa pakiramdam ng iba ay tila hindi tama dahil co-host ng naturang programa ang pinariringgan ng kanilang guest. (Read More…)

Kahit na ano pa man ang ginawa ni Cristy in the past, I think what they did to her was unfair. To begin with, alam naman nilang walang preno ang bibig ni Anabelle Rama. Nagtatrabaho ka dun tapos bigla ka na lang pariringgan? Naku ha.

Pero ang tanong, nag-resign nga ba si Cristy?

Advertisements

Mariel Rodriguez sa The Buzz

Disyembre 3, 2007

Sa tingin ba ninyo sincere ang mga apologies ni Mariel sa The Buzz about her attitude sa PBB?

Alam ba ninyo yung feeling na kapag may ginawa kayong kagaguhan tapos nahuli kayo ng mga magulang niyo? Tapos kapag nag-explain ka parang armalite ang bibig mo sa kakapaliwanag? Not to mention, medyo mataas pa rin ang pitch ng boses niyo?

Ganun ang nakuha kong vibes sa interview.

Anyway, how come they didn’t ask her about dun sa tsinismis niya si Bea Alonzo na nagpa-lipo daw siya at saka tinawag niyang baduy si Luis at ang GMA? Sabagay bakit ba itatanong ko pa kung bakit hindi nila tinanong e si Manager ang nag-iinterview sa kanya…

At saka grabe ha, ang lutong niyang mag-mura.

Hindi na ba babalik si Kris sa The Buzz?

Hunyo 8, 2007

Pumirma na daw ng one year contract sa The Buzz si Ruffa . So does that mean na hindi na talaga babalik si Kris sa The Buzz? And ibig sabihin ba non babalik na siya sa Game K N B? Kasi napanood ko siya dati sabi niya 2 daw sa 3 shows niya ang babalikan niya.

Ay, ayoko niyan. Huwag niyo ng paalisin si Edu sa Game K N B. For me, mas suitable siya sa paghohost ng show na iyun. Kasi si Kris she’s so mean to the contestants.

At maiba ako, sino ba ang nagpa-uso na dapat nakagown ang mga hosts ng mga games shows? Para sa akin hindi bagay.

Anyway, hindi ko rin naman type si Ruffa na pumalit kay Kris sa The Buzz. She’s so arte kasi at sa ganang akin, si Kris Aquino lang ang may karapatang mag-inarte ng ganoon. And I meant that as a compliment, ha! I am not a big fan of Kris, pero I think she’s a big loss for that show.

Ruffa at Ylmaz Split Na Raw

Mayo 14, 2007

Ayun, napanood ko kanina sa The Buzz ang interview ni Ruffa Gutierrez. Ayun cry-cry siya dun habang iniiwasan nyang masagi ng panyo niya na galing pa yata kay Mayor Vi ang mga fake eyelashes niya. Pero siempre ma-poise pa rin siya…at dapat lang no. Basta ang alam ko being beautiful is the best revenge. May kilala nga ako kada break-up niya sa mga nagiging boyfriend niya, nagpapa-make-over. Kaya lalo siyang gumaganda. Hindi ko na lang sasabihin kung sino kasi unang-una hindi niyo naman siya kilala, at pangalawa hindi naman siya sikat artista.

Naubusan na yata ng hangin ang utak ko at wala na akong masyadong matandaan doon sa interview. Nagbo-blow kasi kami ng mga lobo para sa Nanay ko, Mother’s Day kasi. Happy Mother’s Day kung meron mang mga nanay na naligaw dito.

Anyway, basta ang natatandaan ko, noong tinanong ni Boy for the first time kung sinasaktan ba ni Ylmaz si Ruffa, sinundan ng isa sa mga baduy na patalastas ng TFC. Noong tinanong na siya ni Boy ulit (pang 1, 001 na yatang inulit-ulit ni Boy) kung sinasaktan ba siya ni Ylmaz, tahimik lang siya.

Question lang: ito ba ang tinatawag nilang “silence means yes” or baka ayaw lang talagang sagutin ni Ruffa? Kasi siempre pag hindi mo sinagot at bigla ka na lang lumuha diyan, sari-saring pananaw ang madidilig ng mga luha mo at magususulputan ang mga milyon-milyong speculations ng mga tao na parang mga kabute.

(more…)

Kris, hindi na babalik sa The Buzz?

Abril 18, 2007

Sabi ng Nanay ko hindi na daw babalik sa Kristeta sa The Buzz after ng maternity leave niya because of Cristy Fermin. Hindi ko alam saan napulot ng Nanay ko ang balitang `yun so nag-google ang beauty ko diyan. Etong nakita ko.

Hindi naman kontrobersyal to, ah

Abril 8, 2007

“Aktres, may ibubugar tungkol sa dalawang anak!” (Say that with Boy Abunda’s very OA voice over on the 10 Aktres biktma ng intriga segment of The Buzz)

Ano kaya yun. E hindi nama kontrobersyal to no. Expect mo sa ka-OA-yan ni Boy, akala mo anong ibubulgar nila. Nagprovide lang naman sila ng glimpse sa pagiging nanay ni Ruffa no. Sus.