Archive for the ‘Game Ka Na Ba?’ Category

Game Ka Na Ba? (Bagong Bihis)

Mayo 7, 2008

Parang ayoko ang bagong format ng GNKB, ginaya lang ang Jeopardy! di ba? Mas gusto ko pa iyong dati. At saka ngayong pati ang defending champion naglalaro na rin sa elimination round.

Or baka hindi pa lang ako sanay.

Right now si Angelu De Leon ang defending champion. It’s always a joy watching her, nakakaaliw siya kahit na sa mga interview man, sa pelikula/soaps or kahit na naglalaro siya sa mga game shows kagaya nito. Hanggang ngayong hindi ko pa ma-get over na hindi sila ni Bobby Andrews ang nagkatuluyan. Lol.

Speaking of Bobby Andrews, kasali din siya kahapon kaya lang di siya nakuha. Napansin ko lang kapag nasa GKNB si Angelu andun si Bobby. Hindi ako nang-iintriga, nagsasabi lang ako ng napapansin ko. Si TJ Trinidad din andun kaso hindi rin siya nakuha. Hay…

Kayo, feel niyo ba ang ang bagong format ng GKNB?

Game Ka Na Ba, Celebrity Edition: Cast of “Lobo”

Enero 13, 2008

Dahil malakas sa akin si Papa Piolo, heto ang ilan sa mga screenshots ng GKNB last Saturday (January 12, 2008).

Robert Arevalo and Pilar Pilapil are among the contestants, unfortunately they didn’t get past the elimination round.

Eto ang lima…

(more…)

Game Ka Na Ba?

Enero 8, 2008

Conrgatulations to Denvert Pangayao for being the first winner of the million peso jackpot in Game Ka Na Ba? this year.

Ang galing, nasuspense ako dun. Sinabi niya iyong last answer during the last 5 seconds.

Edu permanent host na ng Game Ka Na Ba

Hunyo 20, 2007

Yikes, huli na pala ako balita, si Edu Manzano na talaga ang papapalit kay Kris Aquino sa GKNB?

Buti naman. Thanks, ABS-CBN.

Hindi na ba babalik si Kris sa The Buzz?

Hunyo 8, 2007

Pumirma na daw ng one year contract sa The Buzz si Ruffa . So does that mean na hindi na talaga babalik si Kris sa The Buzz? And ibig sabihin ba non babalik na siya sa Game K N B? Kasi napanood ko siya dati sabi niya 2 daw sa 3 shows niya ang babalikan niya.

Ay, ayoko niyan. Huwag niyo ng paalisin si Edu sa Game K N B. For me, mas suitable siya sa paghohost ng show na iyun. Kasi si Kris she’s so mean to the contestants.

At maiba ako, sino ba ang nagpa-uso na dapat nakagown ang mga hosts ng mga games shows? Para sa akin hindi bagay.

Anyway, hindi ko rin naman type si Ruffa na pumalit kay Kris sa The Buzz. She’s so arte kasi at sa ganang akin, si Kris Aquino lang ang may karapatang mag-inarte ng ganoon. And I meant that as a compliment, ha! I am not a big fan of Kris, pero I think she’s a big loss for that show.

Game Ka Na Ba’s 34th Millionaire (June 06, 2007)

Hunyo 6, 2007

Congratulations to Mrs. Korki Yuson for winning the P 1 M jackpot on Game K N B?