Ysabella, Episode 106

by

Shocked si Ysay noong makita niyang si Victoria ang thesis advisor niya. As usual, hindi naging maganda ang usapan nila. Sinabi ni Ysay na sinusundan siya ni Victoria pero dineny ito ni Victoria at sinabi niyang naroroon siya para ibahagin ang kaalaman niya. Tinawag ni Ysay na kriminal at magnanakaw si Victoria. Victoria mockinlgy got hurt, masakit daw ang mga salitang binitawan ni Ysay. Grounds daw iyon para sa discplinary actions. Hindi raw niya i-re-report si Ysay pero sinabi niyang umalis na ito at kung hidni raw siya nito masikmura, umalis na siya.

Hindi maintindihan nina Alex at Trining kung bakit nagturo si Victoria. Ano raw ba ang ituturo niya, murder? Sinabi naman ni Jordan na very well qualified si Victoria na magturo dahil summa cum laude ito sa MSU at may masters pa ito from Harvard, kaya hindi rin nila masisisi ang iskwelahan ni Ysay kung bakit siya kinuha. Iminungkahi nina Mito na i-srop na muna ni Ysay ang klase niya pati na ang thesis niya at next year na lang niya kunin. Nanghihinayang naman si Ysay dahil matatapos na sana siya at the end of the semester.

Sa board meeting nina Victoria, napagalaman na lumalaki na ang deficit ng Victoria’s corporation. Sinabi ng isa sa mga miyembro na hindi niya alam kung makakarecover pa sila. Sinabi naman ni Victoria na mag-su-survive sila as long as ginagawa nila ang mga dapat nilang gawin at hindi iyong puro na lang sila reklamo. Nag-walkout ang board member. Sinabi ng iba pang mga board member na may point naman ang kasama nila. Nabigla sila noong nalaman nilang nagtuturo si Victoria sa iskwelahang pinapasukan ni Ysay as a step for reconciliation daw.

Gustong sumama ni Reno sa meeting ni Jordan sa ad agency para sa marketing nila pero sinabi ni Jordan na kaya na niyang mag-isa iyon and besides busy daw ang schedule sa restaurant kaya hindi pwedeng pareho silang mawala at the same time.

Habang nasa kusina si Ysay. kinausap siya ni Mito at sinabi niyang baka marami nga itong matutuhan kay Victoria. Sinabi ni Ysay na wala siyang matututuhan dito. Sinabi ni Mito na if she wants to be the best, kailangan niyang matuto from the best — kahit na kaaway pa niya iyon.

Nakita ni Jordan sa Rosario’s Cucina ang boss ni Lima at ang anak nito na kaibigan pala ni Jordan. Sinabi nito na nasabi na ng anak niya ang pinapagawa ni Jordan at sana raw ingatan niya si Lima at huwag niya itong sasaktan (Now, I’m not clear about this, did Jordan request for Lima to do their ad?).

Ang lalaking nag-walk out sa board meeting nina Victoria ay kakilala pala ni Mito (tinulungan ng daddy ni Mito ang pamilya niya over legal matter before) at dito siya kumukuha ng impormasyon tungkol sa nangyayari sa korporasyon. (I think bibilhin ni Mito ang kumpanya for Ysay…his future wife daw.)

Hindi magkanda-ugaga si Lima sa pagpapaganda noong nalaman niyang naroroon si Jordan para sa meeting nila (what, she did not know about this beforehand?). Isinuot pa niya ang sapatos niyang may-heels at natapilok ito. Tinulungan siyang tumayo ni Jordan at nagkausap na sila.

Akala ni Victoria hindi na sisipot si Ysay sa klase niya. Buong tapang na pumasok si Ysay sa klase. Noong hindi masagot ni Ysay ang tanong niya, pinahiya niya ito…

3 Tugon to “Ysabella, Episode 106”

  1. NoCar Says:

    Eh… Kahit ano pa ang dahilan ni Victoria. Di ko pa rin ma-gets bakit siya nag-tuturo na lang. At sa dinamedame ng school doon pa sa school ni Ysay. Hindi talaga mapapakali si Ysay kung siya Victoria a teacher nila. Hello….. Nagdemandahan sila diba. hindi talaga magiging norms ang situation nila. Engot na writter…….. 😆

  2. nawawala Says:

    bwisit pa rin si victoria…!!

  3. cheesygarcia Says:

    pwede ba yung ganon? edi parang conflict of interest yon. saka san ka naman nakahanap ng school na isa lang ang teacher ng isang subject at walang alternative.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: