Pangarap na Bituin, Episode 56

by

Nalaman ni Sapphire na paborito ng babaeng nagwawala ang Jewel Sisters, particularly si Sapphire. Gusto sana siyang bisitahin ni Sapphire pero pinigilan siya ni Lena.

Binisita ni Sapphire ang tatay niya at humingi ito ng tawad dito. Huwag raw sana siyang ikahihiya nito sa mga ginagawa niya.

Flashback: humingi ng tulong si Bridget kay Lena sa mga gastusin para sa pagpapagamot ng tatay niya. Iminungkahi ni Lena na mag-showbiz ito para kumita ng maraming pera. End of flashback.

Nakilala ng nurse si Sapphire. Sinabi ni Sapphire na hindi siya related sa pasyente at tinutulungan lang siya ng mga ito.

Nakita ni Sapphire na nag-aayos si Ruby at tinanong niya na kung may date sila ni Jeffrey. Nagpatulong magshopping si Ruby kay Sapphire since gusto siya ni Alberta para daw makuha nito ang fashion sense niya.

After the shopping, napunta sa isang cafe sina Sapphire at Ruby at nakita sila ng nurse. Narinig ni Ruby ang pakiusap ng nurse na sana naman daw sa susunod na dumalaw si Sapphire sa ospital, isama niya ang mga kapatid niya para makita sila ng mga staff. Sinabi ni Sapphire kay Ruby na napadaan lang daw siya sa ospital at nagmadali niyang niyaya si Ruby na umalis.

Noong nakita ni Lena si Emerald sa kusina at tinanong nito kung ano ang ginagawa niya doon. Humingi ng dispensa si Emerald sa nagawa niya at nakukunsensiya nga raw siya sa ginawa niya. Sinabi niyang hindi na siya aalis sa Jewels Sisters. Pagbubutihan daw pa raw niya lalo para maging proud si Lena sa kanya at para rin maging close sila nito kagaya ni Sapphire.

Habang nagsusumbong si Lena kay Alberta sa telepono, dinalhan siya ni Emerald ng meryenda. Kinuha ni Emerald ang telepono kay Lena dahil gusto daw niya itong tulungan dahil marami na itong ginagawa. Ibinaba ni Alberta ang telepono at gusto itong tawagan ulit ni Emerald, pero pinigilan siya ni Lena at pinagtutulak pa ito. Sinabi ni Emerald na kasalanan nga niya ang nangyari at humingi ito ng tawad kay Lena.

Pagtalikod ni Emerald, ngumiti ito. (Lol, for a moment there akala ko nagpapakamartir naman si Emerald).

Habang sina Cocoy at Chorva naman nagreresearch sa records office at hinahanap ang record ng tatay nina Emerald.

Panay pa rin ang kulit ni Emerald kay Lena tungkol sa mga kamag-anak nila. Noong papalabas si Lena sa gate, may babaeng nagngangalang Delia na nag-approach kay Lena. Kaklase pala ito ni Lena noong highschool at narinig ito ni Emerald. Itinanong din ni Emerald kung nagpunta ito sa kasal ng mga magulang niya. Hindi naman daw ito nabalitaan na ikinasal sila. Nagpapanic na si Lena at niyaya ng umalis si Delia. Pinautang ni Lena si Delia at sinabing kalimutan na siya nito. Sinabi ni Delia sa asawa na noong higschool, iniiwasan nila si Lena dahil may topak daw ito.

Nakita ni Jimboy si Terrence sa opisina ni Alberta at nagpakilala ito. Sinabi ni Alberta na huwag kausapin ni Terrence si Jimbo dahil ex-con daw ito at baka magka-negative publicity daw ito.

Tinawagan ni Emerald si Ruby at pinauwi niya ito dahil kailangan nilang mag-usap. Nag-aalala naman si Sapphire at sinabi kay Lena na baka alam na ni RUby ang totoo. Kampante naman si Lena na hindi sila mabubuking.

Ayaw maniwala ni Ruby sa mga sinasabi ni Emerald. Mukhang nagalit pa ito ay Emerald dahil sa mga pinagsasabi niya.

Sinundan ni Emerald si Lena noong nagpunta ito sa ospital. Pag-alis ni Lena nakausap ni Emerald ang nurse at sinabi niya ang tungkol sa pasyente at ang madalas na pagpunta doon ni Sapphire para dalawin ito.

Pumasok si Emerald sa kwarto ng tatay ni Sapphire at tinignan nito ang clipboard kung saan nakasulat ang medical information ng tatay ni Sapphire…

6 Tugon to “Pangarap na Bituin, Episode 56”

  1. Mums Says:

    Good na nag mamamasid na si Emerald sa mga kilos nila Lena at Sapphire.

    But wait,…… Oh my God! Baka pati ang pobreng pasyente na tatay ni Sapphire ipanggap din nila Lena and Sapphire, na Tatay ng Jewels Sisters ang pasyenteng iyon.

    hummmmp…….

    Sana lang huwag muna niyang i-comfront agad sila Lena and Sapphire until malaman niya na fake ang mga ito.

  2. NoCar Says:

    Lena and Sapphire “eat your heart out” pasasaan ba mabubuking din kayo. Sa Dami ng tao sa mundo imposibleng matago nyo ang pagpapangap nyo forever. And pag nabuking na kayo, kyo ang pinaka kawawa at mag tago na kyo sa saya ni Alberta.

    Alberta isa ka pa, marami ka rin secret na mabubuko. Matangap ka kaya ni Terrence as Mother? Eh lalo na ang biological Father nya matangap kaya niya ito. Masisisra lalo ang career nya pagnagkataon. ;(

  3. Devine Says:

    I can’t stand Lena! Can someone please just shoot her. My grandmother watches these shows and I end up having to watch it myself. I hate how majority of the philippines can be bought out by money. I know its just a t.v. show but it does reflect on what the country has come down to… which is corrupted.

  4. pat Says:

    natatawa talaga ako na parehong si rica peralejo at nikki gil ang pumapanggap bilang sapphire lalo na’t pareho silang atenista, eskwelahan na kilala sa kanilang hilig sa kulay blue na malapit na kulay sa blue! tama lang din na magka aaway sila ni emerald dahil green yun, la salle yun. pero hindi ko gusto na mas bida ang green sa blue. ahaha

  5. Ay naku! Says:

    Ito namang si Ruby ay talagang engot. Walang pagiisip. Sana ipagpatuloy ni Emerald ang pagmamanman at pagiging matibay niya laban kay Lena at Sapphire dahile fake sila.

    Can someone tell them to have DNA please…..Kahit ayaw pa man ni Ruby at ng kung sino dahil that’s the only way to know the truth.

    Mang Cocoy and Papa Berns ano ba ang ginagawa ninyo sa inyong mga adopted children????

    Ito namang si Terrence ay nawala na sa picture at biglang nawalang saysay na lamang ang kanilang foundations sa pagkakaibigan ni Emerald. Nuong simula ay pursigido siya tapos biglang wala na lang at sukat. Ano ba iyan.

    Mga writers, ano ba kayo walang continuity ang story…. hay naku!

  6. nawawala Says:

    Devine– agree ako sayo about the money thing. yung lahat ng tao sa story nababayaran at nagrereflect sa Pinas yoN! kakainis!

    Ay naku!– agree din ako sa lahat ng sinabi mo. eengot-engot talaga si ruby! ayaw makinig sa totoong ate nya… bwiset.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: