Posts Tagged ‘Willie Revillame’

Hay Naku

Hunyo 9, 2008

Kwento ko lang kanina nanonood ako ng Wowowee. Ang bastos ni Willie dun sa contestant na nanalo sa Hip Hip Hurray. Kasi may tinanong siya, I forgot what but I think he was asking kung sino ang kasama niya? Something like that. E nabanggit ng nanalo na hiwalay na ang parents niya. Ang sabi ba naman ni Willie hindi niya tinatanong ang istorya ng buhay niya. Sus.

He’s a host, kung ayaw niyang mapunta doon ang usapan he should be able to steer the conversation away from that topic.

Tse!

Willie and company hindi sumipot sa after party sa Hawaii?

Mayo 12, 2008

Headline sa mga diyaryo ngayong araw ang diumano’y hindi pagsipot ng hosts ng Wowowee, sa pangunguna nina Willie Revillame, sa isang event nila sa Hawaii. Ayon sa lumabas na report, mahigit 200 fans daw ang nagbayad ng tigwa-$100 para makita sina Willie doon. Ilang oras daw silang naghintay, pero hindi sumipot ang stars ng noontime show ng ABS-CBN. []

Hmmmn. Ano kaya ng nangyari? Dito rin kapag may concerts kagay nung sa mga Champions at nung kina Papa Piolo, Sam at Pokwang may mga tickets na ibinebenta ng $100 CDN para makasama sila sa after party ng concert. At lagi namang sold out ang mga tickets na ito. Pero sumisipot naman ang mga stars, no!

Ano kaya ang nangyari dito? Sabi ng producers ng show, wala daw silang alam sa after party. Pero bakit nandun sa party sina Luningning, Mariposa at Milagring? At saka imposible namang hindi nila alam kung magkano ang isinisingil per ticket. Naku ha.

Pero kahit na ano pa man ang dahilan, kahit na miscommunication at hindi outright pambabastos ang ginawa ng Wowowowee, they should do something to make this right. Hindi man ako interesadong makita si Willie ng personal, pero maraming tao na gusto siyang makita at makahalubilo. Dapat bumalik sila sa Hawaii para makipagparty sa kanila and more for FREE.

O baka naman gusto nilang magswitch sa kabila ang mga fans nila dun. LOL.

Wowowee 05-03-08

Mayo 3, 2008

Natawa lang ako kapag nakikita ko si Willie na “dinudumog” ng mga tao kapag kumakanta siya sa Wowowee. As if naman. Charing!

P.S. Nag-volunteer si Jazzams na gawin iyong Malignot text update for yesterday hindi kasi nagawa ni Miss Ara. Post ko later, matutulog muna ako. Hehehe. Napost ko na.

Binabawi ko ang P.S. ko nung nakita ko kung sino ang maglalaro ng Hep! Hep! Hurray! (Among others: Dagul, Kuhol, Nanay Lilia, Madam Auring, Bangkay, Mahal, Felipe Jr., Bronson, Kiray, Gerald something) Nakita ko iyong favourite scary old lady ko sa mga Pinoy horror movies. And she’s got name, Lilia Cuntapay. Finally alam ko na ang pangalan niya. I can sleep better. Lol.

Naks ha, blondie si Mahal. Nasobrahan ata siya sa chin chun su (meron pa ba nun?).

Ay, na-out si Nanay Lilia…I was rooting for her. Not-so childhood horror lady person ko pa naman siya.

Naiwan sina Dagul at Felipe Jr. (iyong contestant kahapon). Pinapanalo na niyang ang dalawa. Hati na lang siguro sila sa prize. Aba, nakuha pa nila ang P100K.