Posts Tagged ‘The Buzz’

Nag-resign nga ba si Cristy Fermin sa The Buzz?

Abril 16, 2008

Sa naturang episode ay guest nila si Annabelle Rama at pinag-usapan ang tungkol sa naipanalong libel case nito laban kay Cristy. May mga binitawang salita si Annabelle patungkol kay Cristy, na sa pakiramdam ng iba ay tila hindi tama dahil co-host ng naturang programa ang pinariringgan ng kanilang guest. (Read More…)

Kahit na ano pa man ang ginawa ni Cristy in the past, I think what they did to her was unfair. To begin with, alam naman nilang walang preno ang bibig ni Anabelle Rama. Nagtatrabaho ka dun tapos bigla ka na lang pariringgan? Naku ha.

Pero ang tanong, nag-resign nga ba si Cristy?

Advertisements

Ruffa at Ylmaz Split Na Raw

Mayo 14, 2007

Ayun, napanood ko kanina sa The Buzz ang interview ni Ruffa Gutierrez. Ayun cry-cry siya dun habang iniiwasan nyang masagi ng panyo niya na galing pa yata kay Mayor Vi ang mga fake eyelashes niya. Pero siempre ma-poise pa rin siya…at dapat lang no. Basta ang alam ko being beautiful is the best revenge. May kilala nga ako kada break-up niya sa mga nagiging boyfriend niya, nagpapa-make-over. Kaya lalo siyang gumaganda. Hindi ko na lang sasabihin kung sino kasi unang-una hindi niyo naman siya kilala, at pangalawa hindi naman siya sikat artista.

Naubusan na yata ng hangin ang utak ko at wala na akong masyadong matandaan doon sa interview. Nagbo-blow kasi kami ng mga lobo para sa Nanay ko, Mother’s Day kasi. Happy Mother’s Day kung meron mang mga nanay na naligaw dito.

Anyway, basta ang natatandaan ko, noong tinanong ni Boy for the first time kung sinasaktan ba ni Ylmaz si Ruffa, sinundan ng isa sa mga baduy na patalastas ng TFC. Noong tinanong na siya ni Boy ulit (pang 1, 001 na yatang inulit-ulit ni Boy) kung sinasaktan ba siya ni Ylmaz, tahimik lang siya.

Question lang: ito ba ang tinatawag nilang “silence means yes” or baka ayaw lang talagang sagutin ni Ruffa? Kasi siempre pag hindi mo sinagot at bigla ka na lang lumuha diyan, sari-saring pananaw ang madidilig ng mga luha mo at magususulputan ang mga milyon-milyong speculations ng mga tao na parang mga kabute.

(more…)

Kris, hindi na babalik sa The Buzz?

Abril 18, 2007

Sabi ng Nanay ko hindi na daw babalik sa Kristeta sa The Buzz after ng maternity leave niya because of Cristy Fermin. Hindi ko alam saan napulot ng Nanay ko ang balitang `yun so nag-google ang beauty ko diyan. Etong nakita ko.