Posts Tagged ‘Tagalog Online Pocketbooks’

Tagalog Online Pocketbooks

Mayo 6, 2008

Hindi ko na mabilang kung ilang pocketbooks na Tagalog na ang nabasa ko. Dati kasi mahilig akong magbasa ng mga ganun. Nagkataon naman na marami rin akong kakilalang mahihiraman ko lagi. Pati nga iyong may-ari noong sari-sari store dun sa kanto namin nabobola ko.

Anyway naalala ko lang iyon dahil nagawi ako sa TAGALOG ONLINE POCKETBOOKS:

Ang TAGALOG ONLINE POCKETBOOK (a.k.a. TOP) ay isang website na naglalaman ng mga maiikling istorya na isinulat sa wikang tagalog ng mga hindi-kilalang manunulat sa mundo ng panitikan. Ang istilo ng aming pagsusulat ay kagaya ng mga tagalog pocketbooks na nabibili sa mga bangketa at binabasa ng mga ordinaryong tao.

May ilan na silang mga kwento naisulat dun. Kaya kung may time kayo bumisita na lang kayo dun.

Enjoy!