Posts Tagged ‘My Girl’

My Girl, Episode 13

Hunyo 11, 2008

Nagplano ng event si Tess para kay Annika at sinabi nito kay Julian na magandang image sa hotel nila kung siya ang e-escort.

Ipinagawa ni Lolo Greg ng damit si Jasmine para sa event. Si Niko ang escort niya. Parehong namangha sina Julian at Nico pagbaba ni Jasmine sa hagdanan.

Matamang pinagmamasdan naman ni Tess sina Jasmine at Nico sa party.

May selos sa mga mata ni Jasmine habang isinasayaw ni Julian si Annika. Ini-imagine nitong siya ang kasayaw ni Julian. Mas lalo itong nashock noong hinalikan ni Annika sa lips si Julian. Umalis si Jasmine at nakita iyong ni Julian.

In-excuse ni Julian ang sarili niya para sundan si Jasmine (na sinundan ni Nico). Nagpasorry si Annika, nadala lang daw siya ng kanta.

(more…)

Advertisements

My Girl, Episode 08

Hunyo 5, 2008

Nasense ni Greg na gustong ilabas ni Niko si Jasmine para gumimik kaya ito na ang nag nag-open ng topic.

Pinakain ni Niko si Jasmine sa isang restaurant at nagkwentuhan sila. Noong papauwi na sila, pinatagil ni Jasmine ang sasakyan dahil akala niya nakita niya ang tatay niya.

Naluha ito noong makausap niya ang lalakeng inaakalang tatay niya ang nasa isang car wash. HIndi daw kilala ng lalaki ang tatay niya.

Lingid sa kaalaman ni Jasmine, kilala ng lalake si Chito pero ayaw munang magpakita nito sa anak. (I forgot why, is it because gusto niya munang makaipon para sa kinabukasan ng anak o dahil gusto niyang malayo ito sa gulo?). Namimiss na ni Chito ang anak. Kaawa-awang natulog ito sa isang bangko na ang tanging kumot at isang sako.

Nagalit si Julian noong ginabi ng uwi si Jasmine.

Umuwi na ng bahay si Greg at iminungkahi niya kay Jasmine na imibitahan nito ang ama dahil gusto niya itong makilala. Nagdahilan si Jasmine sa tulong ni Julian at sinabing nasa Japan ang ama para sa isang business trip at magtatagal ito doon.

My Girl, Episode 07

Hunyo 4, 2008

Nakilala na ng pamilya ni Julian si “Hannah” noong papalabas ito ng kwarto ni Lolo Greg. Nagkita ng muli si Nico at Jasmine. Unang pagkakataon naman ni Tessie na makita ito.

Pinatira ni Auntie Belle(Bing Loyzaga) si Jasmine sa bahay nila para makilala ito ng lubusan dahil wala daw siyang tiwala dito. Dumating na ang resulta ng DNA test at nagpatunay ito na kadugo nila si Jasmine. Lingid sa kaalaman ni Auntie Belle, buhok niya ang ginamit ni Julian para lang magmatch ang DNA result.

Napapalapit ng husto si Greg sa inaakalang apo.

Gusto ng umalis ni Jasmine dahil natakot ito dahil ang akala niya ay hindi magmamatch ang DNA test. Pero kahit na noong makita niyang match ito, ayaw na niyang magkunwari. Sinundan siya sa kwarto ni Julian at nagtalo sila dahil nagpapabayad na si Jasmine pero kaunting halaga lang ang ibinigay ni Julian sa kanya sa pamamagitan ng tseke.

Umakyat si John (DJ Durano) sa kwarto ni Jasmine para tignan kung ano ang nangyayari. Naabutan niyang may hawak na tseke si Jasmine.

My Girl, Episode 06

Hunyo 2, 2008

Binisita ni Annika si Julian pero malamig ang pakikitungo ni Julian dito.

Pumayag na si Jasmine na magkunwari bilang pinsan ni Julian. Pero at the last minute nagback-out siya dahil nakita niya kung gaano kaimpluwensiya ang Lolo ni Julian through his equally influential friends (governor, mayor, etc) at natatakot siya na baka kapag nabuking sila ay makulong pa siya.

Noong marealize ni Jasmine na mahal na mahal ni Julian ang Lolo niya kaya lang niya nagawang papapagpanggapin si Jasmine, bumalik ito sa ospital bago pa nasabi ni Julian sa Lolo na hindi niya natagpuan si Hannah.

Humingi ng tawad si Lolo Daddy (anong pangalan niya dito? ) kay Hannah.

My Girl, Episode 05

Mayo 30, 2008

Hinabol ng mga tauhan ni Asyong si Jasmine at ipinagtanggol siya ni Niko.

Humingi ng trabaho si Jasmine kay Julian pero inisnab siya nito at sinabing bumalik na lang siya kinabukasan. Gumawa ng eksena si Jasmine pero hindi na natinag si Julian, binigyan na lang niya ito ng pera. Naawa naman si Sheila at pina-fill up niya ito ng application for at pinautang pa niya ng P10,000.00 para masundan ni Jasmine ang tatay niya.

Nakakita si Julian ng dating kakilala ng tiyahin nito sa Cebu. Nasa picture si Chito at dati palang magkapitbahay ang mga ito sa Cebu pero hindi na maalala ng lalaki ang pangalan ni Chito.

Lumalala na ang kalagayan ni Lolo Daddy ni Julian. Sinabi ng doctor the he lost the will to live.

Nagpasya si Julian na kunin na si Jasmine para magpanggap na pinsan  niya.

My Girl, Episode 04

Mayo 30, 2008

Ibinenta ni Jasmine ang mga mangga at gumawa pa siya ng jam. Nagkita sila ni Niko noong nagbebenta ito sa daan at papunta naman sa villa Niko. As usual nakipagflirt si Niko kay Jasmine pero naputol ito noong nakita sila ng kaibigan ni Jasmine (ang dalawang kambal) na nagtu-tour ng mga turista papuntang batangas.

Pagdating ni Niko sa villani Julian, nakita niya sa banyo ang panty ni Jasmine na nakasampay kaya akala niya may girlfriend si Julian.

Gustong ipasoli ng mga kaibigan ni Jasmine ang mga mangga dahil hindi raw tama ang ginagawa niya. Sa kaguluhan nilang tatlo, natumba ang kariton at gumulong sa lupa ang mga mangga. Nasagasaan ni Julian ang mga mangga at binayaran niya ang mga ito.

Nabuking ni Julian na sa villa niya galing ang mga ibinebenta ni Jasmine. Binawi niya ang perang ibinayad niya dito.

Kinailangan ulit ni Julian ng serbisyo ni Jasmine bilang interpreter.

Ipinakilala na si Annika sa storya, isa siyang beauty queen na tinalikuran ang pagmamahal ni Julian para sa kanyang pangarap.