Posts Tagged ‘My Girl Episode 04’

My Girl, Episode 04

Mayo 30, 2008

Ibinenta ni Jasmine ang mga mangga at gumawa pa siya ng jam. Nagkita sila ni Niko noong nagbebenta ito sa daan at papunta naman sa villa Niko. As usual nakipagflirt si Niko kay Jasmine pero naputol ito noong nakita sila ng kaibigan ni Jasmine (ang dalawang kambal) na nagtu-tour ng mga turista papuntang batangas.

Pagdating ni Niko sa villani Julian, nakita niya sa banyo ang panty ni Jasmine na nakasampay kaya akala niya may girlfriend si Julian.

Gustong ipasoli ng mga kaibigan ni Jasmine ang mga mangga dahil hindi raw tama ang ginagawa niya. Sa kaguluhan nilang tatlo, natumba ang kariton at gumulong sa lupa ang mga mangga. Nasagasaan ni Julian ang mga mangga at binayaran niya ang mga ito.

Nabuking ni Julian na sa villa niya galing ang mga ibinebenta ni Jasmine. Binawi niya ang perang ibinayad niya dito.

Kinailangan ulit ni Julian ng serbisyo ni Jasmine bilang interpreter.

Ipinakilala na si Annika sa storya, isa siyang beauty queen na tinalikuran ang pagmamahal ni Julian para sa kanyang pangarap.

Advertisements