Posts Tagged ‘MSKM2’

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 69

Marso 24, 2008

Tinanong ni Celine kay Onay sa sa video niya kung nahanap na niya ang “The One?” Dahil iyon lang naman daw talaga ang wish nito para sa kanya. Sana raw nahanap na niya ang kagaya ni JB. Nakiusap ulit si Celine na alagaan ni Onay si JB (Ibinigay pala ni Celine ang video sa nagkasal sa kanila ni JB with the instruction na ibigay ito kay Onay two years after she died).

Nagpasiya si Eli na pumunta sa San Rafael para hanapin si Jackie. Si Pong na lang ang pinauwi niya ng Maynila at inihabilin si Bogs. (Kawawang Lolo iniwan siyang nag-iisa).

Masayang sinalubong ng mga bata si “Teacher Princess.” Pinakain niya ang mga ito at tinuruan ng mga lessons nila (Aba, ginabi pa sila. Ang haba yata ng klase nila. Lol). May isang estudyante si Jackie na “Eli” ang nickname at ayaw nitong magpatawag sa buo nitong pangalan kaya walang choice si Jackie.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 66

Marso 17, 2008

Nagkatotoo nga ang panaginip ni onay na nahulog si jb nang mag-mountain climbing. Habang inaalalayan ni Corazon si JB papunta sa kanyang kwarto ay pinapagalitan nya ang anak dahil tumatanda daw itong paurong. Imbes na maging apologetic si JB ay sinasagot nya pa nang pabalang ang ina. Nagalit si Corazon kay JB at inabutan nya nang gunting si JB at sinabing “Why don’t you do everybody a favor! Saksakin mo nalang ang sarili mo para masundan mo si Celine!”

Kinamusta naman ni Eli si JB kay Onay. Sinabi ni Onay na kailangan lang daw nang pahinga ni JB at gagaling din ang nabaling buto. Si Eli naman ay sinabing mabuti at hindi nadale ang spinal column ni JB, kundi ay mas malaking problema daw ito. Bumisita si Jackie at nagkita sila ni Eli, pagkatapos tanungin ni Jackie si Onay kung nasaan si JB ay sabay deadma din kay Eli. Hindi nagpansinan ang dalawa, nalungkot naman si Onay.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 68

Marso 12, 2008

Nag-aaway sa loob ng sasakyan sina Eli at Jackie, pinahihinto ni Jackie ang sasakyan. Tatalo sana si Jackie, pero muntik na silang may mabanggang sasakyan. Parehong natigilan sina Jackie at Eli.

Ayaw umalis ni Corazon si JB dahil nag-aalala itong na magra-rock climbing namana ito. Umalis pa rin si JB. Hindi na raw siya bata. Biglang sumali si Onay sa usapan. Bakit ganoon raw niyang sagutin ang ina niya. Sabagay daw, kung mga empleyado nga raw niya ganoon niyang kinakausap. Dinedma ni JB si Onay at umalis na ito.

Lalong nagalit si Jackie kay Eli, pwersahan na raw ba ang gusto niya? Nagpahatid na siya sa bahay.

Noong nalaman ni Corazon na pareho silang nasa opisina ni Onay kahit gabi na tinanong nito kung nag-dinner na siya.

Habang nagmamaneho si Eli, naalala niya noong nagsayaw sila sa sayawan sa barrio, noong muntik ng masagasaan si Eli. Noong nagbibisikleta sila,noong nasa coma siya. Noong ikinasal sila. Etc. Etc.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67

Marso 11, 2008

Umiiyak si Jackie habang nagmamaneho ito pauwi. Itinigil nito ang sasakyan at kinausap ang sarili, bakit ayaw na raw nito.

Nanlulumo namang umuwi si Eli sa bahay nila ni Jackie. Nakatulala lang ito.

Pag-uwi naman ni Jackie sa mansiyon, tinanong siya ni Fidel kung saan siya galing. Sinabi niyang kinausap niya si Eli. Ipinaalala ni Fidel na noon lang naayos ang buhay niya at ipinaalala din niya ang mga dusang idinulot ni Eli sa kanya, huwag sana daw niyang talikuran si Fidel at ang mommy niya. Hinalikan ni Jackie sa noon ang ama at umakyat na ito.

Nakita naman ni Onay si Eli sa steps ng bahay nila. Sinabi ng umiiyak na si Eli na tapos na sila ni Jackie. Inakbayan ni Onay ang kuya niya.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 66

Marso 10, 2008

Nasa tabing dagat ang lahat nang nagmamahal kay celine para sa kanyang huling paalam at alaala. Kinuha ni jb ang abo ni celine habang ang kanyang mga mata ay lumuluha, pati puso’t kaluluwa ay malungkot sa pagkawala nang kanyang tanging mahal. Isinaboy ni JB ang abo ni Celine sa may dagat, pagkatapos ay ipinasa nya ang abo kay jackie. Bago isinaboy ni jackie ay hinalikan muna ang isang dakot na abo ni Celine. Ipinasa nya ito kay eli, lahat sila ay luhaan. Pagkatapos ni eli ay ipinasa nya kay Onay. Ibinalik ni onay kay JB ang abo at ito ay niyakap ni JB habang nasa tabi naman si Corazon (na hindi umiiyak.)

Pagkatapos nang malungkot na seremonya para kay Celine, nakita ni Jackie na mag-isa si JB na malungkot na nakatingin sa kawalan, nakasandal sa puno, malapit sa tabing dagat. Pinuntahan nya ito para makiramay sa kanyang kalungkutan. Sinabi ni JB na everything’s gonna be alright, tumango naman si Jackie. Sa di kalayuan ay nakamasid si Eli sa kanila, malungkot din. Paglakad palayo ni JB ay nakita nya si onay na tinitingnan ang kanilang scrapbook ni Celine. Sumakay na nang bangka si JB, dala dala ang abo ni Celine at ang kanyang gitara.

(more…)