Posts Tagged ‘MSKM2 Final Week’

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 69

Marso 24, 2008

Tinanong ni Celine kay Onay sa sa video niya kung nahanap na niya ang “The One?” Dahil iyon lang naman daw talaga ang wish nito para sa kanya. Sana raw nahanap na niya ang kagaya ni JB. Nakiusap ulit si Celine na alagaan ni Onay si JB (Ibinigay pala ni Celine ang video sa nagkasal sa kanila ni JB with the instruction na ibigay ito kay Onay two years after she died).

Nagpasiya si Eli na pumunta sa San Rafael para hanapin si Jackie. Si Pong na lang ang pinauwi niya ng Maynila at inihabilin si Bogs. (Kawawang Lolo iniwan siyang nag-iisa).

Masayang sinalubong ng mga bata si “Teacher Princess.” Pinakain niya ang mga ito at tinuruan ng mga lessons nila (Aba, ginabi pa sila. Ang haba yata ng klase nila. Lol). May isang estudyante si Jackie na “Eli” ang nickname at ayaw nitong magpatawag sa buo nitong pangalan kaya walang choice si Jackie.

(more…)