Posts Tagged ‘MSKM2 Ending’

MSKM2 Finale

Marso 27, 2008

O game, bukas/mamaya (depending on where you are) na ang ending ng MSKM2. Ano ang gusto niyong ending?

Paano kaya kung ganito na lang ang ending:

(1) Magkakabalikan sina Eli at Jackie tapos ikakasal sila ulit. Mababaril siya tapos malalagay siya sa comatose and then magigising siya after na nag-usap sila ni Dadoods sa kabilang buhay. Sa kasal nila may mag-aaproach na dalawang mistisa sa kanila, vowing to ruin their lives. Oh, wait…nangyari na pala iyon.

(2) Tutal pinatay na nila ang kalahati ng cast, patayin na nilang lahat. May bulkan sa lugar nila na sasabog tapos lahat sila mamamatay.

(3) Kung hindi naman sila mamamatay, mawawala sila at hindi nila makikita ang isa’t isa. Malalaman lang nila na magkakadikit ang mga buhay nila dahil alam nila ang isang kanta na sila-sila lang ang nakakaalam (siempre, Maging Sino Ka Man iyong kanta). Tapos buhay pala si Celine at hinahanap sila. Oh, wait…ibang teleserye pala iyon.

(4) Masyado bang tragic ang #2? Edi gawing survivors sina Joko at JB. Tapos magiging sila na lang. Mamahalin nila ang isa’t isa maging sino man sila. Tapos may book 3. Maging Sino Ka Man: Ang Pagdadalaga ni Joko Dimaano.

(5) Eksena sa bodega. May magbabarilan. May maghahabulan. May madadaplisan ng bala. Mahuhuli ang dating ng mga pulis. Mahuhuli ang kontrabida. Makakasurvive ang bida. Next scene nasa beach sila at sumasayaw.

Kayo anong gusto niyong maging ending?