Posts Tagged ‘MSKM’

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 72

Marso 27, 2008

Malungkot na nililigpit ni Veron ang bahay nila ni Lena. Umiiyak na nagpasalamat si Veron kay Jackie at Eli, pati na kay Monique dahil mabait ito kay Lena. Wala raw na nagdaan na hindi siya ikinukuwento ni Lena sa kanya dahil mahal na mahal siya ng kapatid niya. Alam naman din ni Veron na mabuti ang puso ni Jackie. Nagyakap ang dalawa.

Naiinis (or nagseselos? ayaw!!!) naman si JB sa nagte-text kay Onay dahil tawa siya ng tawa. Kaya inutusan niya si Onay na magcheck ng mga documents.

Nag-ring ang cell phone ni Onay at si Eli ang nasa kabilang linya. Ibinalita nito ang pagkamatay ni Lena. Ikinabigla at ikinalungkot nila ito lalo na si Mateo.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67

Marso 18, 2008

Selos na selos si Jackie dahil akala nya ay may ka-date si Eli. Hindi na nakapag-concentrate si Jackie sa kanyang client at nag-excuse na pupunta nang restroom. Nakita sya ni Eli na tumayo.

Si Onay naman ay hindi makatulog dahil naaalala nya ang mga moments with JB. Kahit pinipilit nyang matulog ay talagang hindi sya makatulog.

Si JB naman ay bumaba nang living room at binuksan ang radio. Nagulat sya nang marinig nya na ang pinapatugtog ay yung kinanta ni Onay na “I’ve Fallen for You.”

Sinundan ni Eli si Jackie at pilit na hinalikan sa lips. Nang una ay lumaban pa si Jackie pero bandang huli ay nangibabaw na din ang totoong naramdaman kay Eli. Napunta sila sa loob nang kitchen, at natulala ang mga staff dahil doon sila naghahalikan.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 66

Marso 17, 2008

Nagkatotoo nga ang panaginip ni onay na nahulog si jb nang mag-mountain climbing. Habang inaalalayan ni Corazon si JB papunta sa kanyang kwarto ay pinapagalitan nya ang anak dahil tumatanda daw itong paurong. Imbes na maging apologetic si JB ay sinasagot nya pa nang pabalang ang ina. Nagalit si Corazon kay JB at inabutan nya nang gunting si JB at sinabing “Why don’t you do everybody a favor! Saksakin mo nalang ang sarili mo para masundan mo si Celine!”

Kinamusta naman ni Eli si JB kay Onay. Sinabi ni Onay na kailangan lang daw nang pahinga ni JB at gagaling din ang nabaling buto. Si Eli naman ay sinabing mabuti at hindi nadale ang spinal column ni JB, kundi ay mas malaking problema daw ito. Bumisita si Jackie at nagkita sila ni Eli, pagkatapos tanungin ni Jackie si Onay kung nasaan si JB ay sabay deadma din kay Eli. Hindi nagpansinan ang dalawa, nalungkot naman si Onay.

(more…)

MKSM: Ang Pagbabalik, Episode 65

Marso 14, 2008

Natulala si Jackie, naglakad na ito papalayo kay Eli. Susugurin pa rin sana ni Eli si Mark pero pinigilan siya ni Onay, noong ayaw papigil ng kuya ni sinuntok niya ito. Naglakad na si Eli papunta sa sasakyan. Tumakbo naman papasok sa building si Jackie.

Noong nasa sasakyan na sina Eli at Onay, umiiyak silang dalawa. Sinabi ni Onay na hindi na siya si Eli, kayanin daw niya at huwag niyang sirain ang buhay niya.

Naglasing si Eli.

Ipinatawag ni JB si Onay sa secretarya niya. Hindi pala pumasok si Onay dahil may inaalagaan niya si Eli dahil nga lasing na lasing pa rin ito from the previous night.

(more…)