Posts Tagged ‘MSKM 2’

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 68

Marso 19, 2008

Habang inaayos ni Jackie ang mga gamit nya (parang nag-iimpake sya), nakita nya ang jade pendant na bigay sa kanya ni Eli noon.

Si Onay naman ay walang ganang kumain kahit anong kumbinsi at lambing nila lolo at Joko.

Si JB naman ay inaayos ang mga gamit ni Celine at may nakita syang isang CD.

Pumunta si Jackie sa bahay ni Eli pero wala sya doon. Nagpunta si Eli kay Onay, doon muna sya para makasama ang kapatid. Nalaman ni Eli na aalis si Onay, gusto daw nya kasing lumayo at mapag-isa muna. Naiintindihan naman ni Eli ang kapatid sa kanyang desisyon.

Nakapasok parin si Jackie sa loob nang dati nilang bahay ni Eli (siguro ay may susi parin sya) at nilibot muli ang bahay. Pumunta sya sa kwarto nila ni Eli, humiga at niyakap ang unan ni Eli habang umiiyak si Jackie.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 67

Marso 18, 2008

Selos na selos si Jackie dahil akala nya ay may ka-date si Eli. Hindi na nakapag-concentrate si Jackie sa kanyang client at nag-excuse na pupunta nang restroom. Nakita sya ni Eli na tumayo.

Si Onay naman ay hindi makatulog dahil naaalala nya ang mga moments with JB. Kahit pinipilit nyang matulog ay talagang hindi sya makatulog.

Si JB naman ay bumaba nang living room at binuksan ang radio. Nagulat sya nang marinig nya na ang pinapatugtog ay yung kinanta ni Onay na “I’ve Fallen for You.”

Sinundan ni Eli si Jackie at pilit na hinalikan sa lips. Nang una ay lumaban pa si Jackie pero bandang huli ay nangibabaw na din ang totoong naramdaman kay Eli. Napunta sila sa loob nang kitchen, at natulala ang mga staff dahil doon sila naghahalikan.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 64

Marso 13, 2008

Hindi nagkita sina Jackie at Lena.

Nagbenta na naman ng sasakyan si Fidel. Nalaman ito ni Jackie. Nagalit ito dahil natalo na naman siya sa sugal. Ang rason ni Fidel. paano raw kung manalo siya at least may puhunan na sila sa negosyo. Para hindi na pumasok sa pipitsuging kumpanya si Jackie. Mahiraman na lang daw sila ng kotse. Bago umalis si Fidel, sinabi niyang sa buhay daw kailangan nilang sumugal.

Habang kumakain sina Onay, may dumating siya hindi inaasahang bisita: Si Corazon. May dala itong mga damit. HUwag daw mag-alala si Onay dahil pera ni Mateo ang ipinambili niya doon. Pinakikialaman ni Joko ang mga laman ng paper bags, pero hindi naman mukhang annoyed si Corazon.

(more…)