Posts Tagged ‘Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik (Ang Huling Linggo)’

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 71

Marso 26, 2008

Sinabi ni Veron kay Jackie na kilala naman niya si Lena, kapag naisipang gawin walang makakaawat sa kanya. Kaya kahit na anong pigil ng mga madre sa kanya sumama pa rin ito sa medical mission kung saan maraming epidemyamg kumakalat.

Sa mungkahi ni Jackie na dalhin sa Maynila si Lena, sinabi ni Veron na ginawa na nila iyon at sinabi ng mga doktor na wala na raw silang magagawa. At ayaw na rin daw ni Lena na magpagamot ang gusto lang daw nito ay dalhin siya nito sa San Rafael kung saan siya susunduin ni Joaquin.

Dahil sa pagkakasakit ni Lena naisip ni Veron ang lahat ng mga kasalanan niya lalo na kina Jackie. Humingi ito ng tawad pero sinabi ni Jackie na matagal na niya itong pinatawad. Naririnig lahat ni Fidel ang usapan nila.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 70

Marso 25, 2008

Humingi ng paumanhin si JB sa ina tungkol sa nangyari noong nakaraang araw. Silent treatment naman ang ibinibigay ni COrazon sa anak. Obvious raw na nobody can’t tell him what to do, pero hopefully raw he starts looking at the world around him. Life does not end with Celine daw. Marami raw rason para mabuhay siya.

Habang naglalakad sina Joko at Onay sa tabi ng dagat, sinabi niyang parang may ginagawa siyang mali. Sinabi ni Joko na sobrang mali nga raw siya, St. Onay na nga raw siya e. Patay na nga raw ang inaalagaan niya, caregiver pa rin siya nito. Hindi na raw kayang gawin ni Onay ang gusto ni Celine.

(more…)

MSKM: Ang Pagbabalik, Episode 69

Marso 24, 2008

Tinanong ni Celine kay Onay sa sa video niya kung nahanap na niya ang “The One?” Dahil iyon lang naman daw talaga ang wish nito para sa kanya. Sana raw nahanap na niya ang kagaya ni JB. Nakiusap ulit si Celine na alagaan ni Onay si JB (Ibinigay pala ni Celine ang video sa nagkasal sa kanila ni JB with the instruction na ibigay ito kay Onay two years after she died).

Nagpasiya si Eli na pumunta sa San Rafael para hanapin si Jackie. Si Pong na lang ang pinauwi niya ng Maynila at inihabilin si Bogs. (Kawawang Lolo iniwan siyang nag-iisa).

Masayang sinalubong ng mga bata si “Teacher Princess.” Pinakain niya ang mga ito at tinuruan ng mga lessons nila (Aba, ginabi pa sila. Ang haba yata ng klase nila. Lol). May isang estudyante si Jackie na “Eli” ang nickname at ayaw nitong magpatawag sa buo nitong pangalan kaya walang choice si Jackie.

(more…)