Posts Tagged ‘Lobo Episode 72’

Lobo, Episode 72

Mayo 8, 2008

Sinabi ni Manolo na masyadong malambot ang puso ni Elle kay Lyka. Sinabi ni Elle na she has her own mind kaya hindi nila ito makocontrol. Naisip ni Manolo na natatakot lang si Elle na lumayo ito lalo na at lumipas na ang ikalawang signos. Hindi raw iyon ang ibig sabihin ni Elle. Naiintindihan daw niya na gustong ipaglaban ni Lyka si Noah.

Baka raw hindi pa sinasabi ni Leon kay Noah ang pagiging taong lobo ni Lyka, sabi ni Elle. Baka raw napukaw nila ang damdamin ni Leon. Hindi naman alam ni Manolo kung maniniwala siya doon. Ang magagawa lang daw nila ay umasa na magbago ang pagtingin ni Leon sa kanila. Hindi lang daw si Lyka ang nasa panganib kung hindi silang lahat, kailangan din nilang mag-ingat.

Dapat daw pumayag na lang si Lyka na lumayo muna. Sinabi pa ni Alec na baka raw matagal ng alam ni Noah na taong lobo si Lyka at ginagamit lang siya nito para makapag-imbestiga. Kung ganoon daw ang tingin ni Alec sa pagmamahal, masahol pa siya sa hayop.

(more…)