Posts Tagged ‘Lobo Episode 116’

Lobo, Episode 116

Hulyo 9, 2008

Hinuhuli ni Anton si Gaby para malaman kung sino ba talaga ang trumatraydor sa kanya. Kinakabahan si Gaby dahil sinasabi ni Anton na may pasensya sya sa mga tauhang tanga (dahil nakatakas sila Trixie), pero sa tauhang traydor ay wala daw. Kaya pasensyahan nalang daw sila. Biglang pinahuli ni Anton si Ylvanna at nakahinga nang maluwag si Gaby. Nagwawala si Ylvanna dahil hindi sya makapaniwala na sya ang pinahuhuli ni Anton. Sinabi ni Anton na si Ylvanna daw kasi ang nakatoka para magbantay kina Trixie, at nagawa pa nitong makatakas pati ang dalawang bata. Siguro naman daw ay hindi ganon katanga si Ylvanna kundi traydor lang. Sumisigaw na sinasabi ni Ylvanna na si Gaby ang traydor at hindi sya. Naniniwala naman si Anton na si Ylvanna ang traydor dahil umpisa palang ay parati na daw nitong kinukuwestyon si Anton, at hindi daw si Gaby ang traydor dahil handa itong itaya ang sariling buhay para lang sa layunin ni Anton. Nagwawala parin si Ylvanna kaya tinurukan sya nang bantay nang pampatulog. Ayaw na daw ni Anton na makarating pa sa kabilang kampo ang mga plano nya, kaya pinakukulong nya si Ylvanna.