Posts Tagged ‘Anne Curtis’

Ploning VS When Love Begins

Abril 21, 2008

Alin sa tingin niyo ang mas kikita?

Iyong Ploning, mukha naman siyang maganda at may sense, but as we all know quality movies doesn’t exactly equate to box office success. Mas gusto pa rin ng mga tao iyong may commercial appeal kagaya ng When Love Begins. Aga Mulach, Anne Curtis — need to say more?

Agree or disagree?

Btw, di ba nagtatampo daw si Juday dahil tinapatan ng Star Cinema ang play date ng movie niya? Ang sabi naman ng Star Cinema, nauna raw silang nagbook kay Juday (para sa mga tamad magbasa: July 2007 pa raw sila nag book, ang Ploning naman October 2007).

Hmnnn…

Paalam, Celine

Marso 8, 2008

Naiinis talaga ako kasi ayokong mamatay si Celine.

Subalit, ganito nga talaga siguro ang mabuhay. Minsan kahit na gaano kalaki at kalalim ang pagmamahal na naibigay natin sa iba. Kahit na gaano tayo kamahal ng iba. Kahit gaano tayo magmanikluhod upang mapagkalooban pa ng palugit para lang magpatuloy.

Hindi pa rin sapat. May magpapaalam, may maiiwanan.

Paalam, Celine.

(Oo, madrama ako ngayon.)