Posts Tagged ‘Alfie Lorenzo’

From the Rumour Mill: Alfie nakikipag-usap na sa GMA 7 para sa paglipat ni Juday?

Hunyo 5, 2008

Judy Ann’s manager starts talks with GMA-7–source

MANILA, Philippines–Judy Ann Santos’ manager, Alfie Lorenzo, is now negotiating with GMA-7 for a possible transfer after the actress’ ABS-CBN contract expires, a source told INQUIRER.net.

Lorenzo was furious at her talent’s current network, ABS-CBN, and started talks with rival GMA-7 after the Lopez network itself broke a news story about consumer groups holding “anti-Judai” rallies that condemned the actress for appearing in a TV commercial defending the Manila Electric Company (Meralco), the source said. []

Okaaaaay. E di ilipat mo na. Paki ko.

At saka bakit siya nagagalit na ibinalita ito ng ABS CBN, e natural balita iyon. Anong gusto niya? Bwiset.

Whaddya think?

Informercial ni Juday para sa Meralco

Hunyo 4, 2008

Ang nangyari:

Gumawa si Judy Ann Santos ng isang commercial para sa MERALCO.

Ang epekto:

Tumawag ng boycott ang Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) sa pangunguna ni Dante Jimenez sa mga pelikula at shows ni Juday.

Ang sabi ni Alfie (siempre laging may say si Alfie):

“Iyong galit ng mga tao sa Meralco, baka naman sa kanya mapunta at magtagumpay na sila na mapabagsak si Judy Ann, so may pag-asa na silang mapasikat ang ibang artista nila [ABS-CBN].”

Ang sabi ni PTVJ:

Engot talaga ang mga tao. Engot ang VACC kasi, why shoot the messenger? Baka naman isa sila sa mga nainis sa kwento ng Ysabella at ginagawa lang nilang front itong inaakusa nila kay Juday? Kidding aside, bakit si Juday ang pinupuntirya ng mga ito?

Ito namang si Alfie, hindi ko alam kung engot o brillian talaga siya. Imagine, ang pinag-uusapan kuryente, pero naging window of opportunity sa kanya ito para ipagsigawan na naman sa buong mundo na inaapi ng mga taga Channel 2 si Judy Ann? Ano ba iyan! Kung ayaw mo sa Channel 2 ang alaga mo ilipat mo na siya sa Channel 7. O baka naman kapag nandun ka na Channel 7 naman ang pupuntiryahin mo. Hay naku.

At saka hindi ba nila pinag-uusapan ni Juday ang mga projects nito? Akala ko ba siya ang moneyger manager? Sus.

Claudine ginamit si Juday?

Mayo 20, 2008

Ano ang say niyo sa patusada ni Alfie na ginamit daw si Juday ng Star Magic para gumawa ng ingay sa pagbabalik ni Claudine?

Bea Alonzo and John Llloyd Cruz: Box Office King and Queen for 2007

Marso 13, 2008

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo named Box-Office King & Queen for 2007

Nagkaroon ng mahabang deliberation ang mga hurado para sa 38th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., na ginanap kagabi, March 12, sa Danes Publishing House,  Mindanao Avenue, Quezon City.

Pagkatapos ay hinirang nila bilang bagong Box-Office King & Queen sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Ang pelikula nilang One More Chance ng Star Cinema ang top grosser sa lahat ng pelikulang ipinalabas noong 2007.

Read More… 

Anong say mo Alfie Lorenzo? 😈