Sino si PTVJ?

 

Lahat na yata ng mga pelikula ni Sharon Cuneta when I was growing up ay napanood ko na. Sharonian kasi ang Nanay ko pati na ang mga babysitters ko. Mahilig din akong magbasa ng mga komiks, hindi lang Funny Komiks ha…pati na iyong mga wakasan at horror fan din ako dati niyan. Iyan nga yata ang dahilan kung bakit nahilig akong magbasa. Naalala ko nung grade 3 ako, sinusubaybayan ko iyong Sa Isang Sulok ng mga Pangarap ng Horoscope Komiks.

Updated din ako sa mga tsismis, salamat kay Ate Luds (R.I.P) sa Eye to Eye, pati na rin sa Showbiz Lingo. Lahat ng mga glossy magazines familiar ako. Sa murang edad nasa bokabularyo ko na ang “blind item.”

Mahilig din akong mga manood ng mga telenovela. Mula sa Agila (ano kasi iyong before that?), Valiente, AnnaLuna, at kung anu-ano pang mga shows na umaabot ng kung ilang taon sa ere bago masiwalat ang mga sikreto nila, kagaya ng Mara Clara.

Marami rin akong napanood na mga lumang pelikula kagaya ng “Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag,” “Insiang,” “Babangon ako at Dudurugin kita,” “Gumapang ka sa Lusak,” at “Kakabakabakaba?” Kahit nga iyong mga “Bagets,” “Pik Pak Boom,” “Halimaw sa Banga,” pati na halos lahat ng mga “Shake Rattle and Roll.”

Deepest darkest secret ko iyon sa school. Ayoko kasing malaman ng mga sosyalera kong mga kaklase (the “make-tusok-tusok-the-fishballs” type) nagbabasa ako ng mga komiks na hindi ingles kasi baka maging social outcast ako. Pero behind every Nancy Drew at Sweet Valley na binabasa ko may katumbas ng mga tagalog pocketbooks din akong binabasa.

Kaya eto ako nanonood pa rin. Kaso nga lang limited ang mga sources ko at umaasa lang sa TFC at GMA Pinoy TV sa mga tsimis at kung anu-ano pang usap-usapan. Pero mostly TFC lang ang pinapanood ko…sorry guys.

So, heto enjoy niyo na lang ang blog ko…

To borrow the famous words of the artistas that promote their movies: “Panoorin po ninyo. Maganda po ito, marami kayong matututunan.”

For emails, comments, violent reactions, suggestions, multipication at addition: pinoytvjunkie[at]yahoo[dot]ca😀 .


%d bloggers like this: