Star Magic 2nd Annual Ball Part 1 and 2

Hulyo 8, 2008 by

Star Magic 2nd Annual Ball (Part 1): Best Dressed

Star Magic 2nd Annual Ball (Part 2): Strapless Dresses

Advertisements

Lobo, Episode 115

Hulyo 8, 2008 by

Sinabi nina Lyka na lalaban sila hanggang sa katapusan.

Tinatanong ni Gabby kung ano ang laman ng mga packages dahil military sealed ang mga ito. Huwag na raw alalahanin ni Gabby ang mga iyon at malalaman rin nito ang mga laman noon in due time. Pumasok na sina Ylvana, Anton at Gabby sa kung saan nila dinala ang mga taong lobo.

Sinalubong ng mga reklamo si Ylvana dahil para raw silang mga nasa preso sa pinagdalhan nito sa kanila at nagugutom na rin ang mga anak nila. Nagpakilala si Anton sa kanila bilang bago nilang pinuno.

Lobo, Episode 114

Hulyo 7, 2008 by

Nagpupumilit pa ring makapasok si Anton sa kweba pero hindi ito nakapasok.

Naging tao na silang pareho ulit at naghalikan na sina Noah at Lyka. Sinabi ni Lyka na alam niyang matatagpuan siya ni Noah at naghalikan sila.

Sinabi ni Remus na nagpupugay siya kina Noah at Lyka (tse, gusto lang silang makitang nakahubad ni Remus LOL). Napatunayan daw ng willingness nilang dumaan para sa mga pasakit para lang malaya nilang mahalin ang isa’t isa. Tinapos raw nila ang sumpa. Humayo raw sila at pangalagaan ang buong lahi, nasa kanila raw ang pagpapala ng tadhana. (Nakahubad sila sa eksenang ito.) Umalis na sina Noah at Lyka at naiwang si Remus doon.

Karen Davila to host Wonder Mom

Hulyo 4, 2008 by

May bagong show ang ABS CBN, entitled Wonder Mom at si Karen Davila ang napiling mag-host. Tungkol ot sa mga issues na kinakaharap ng mga Nanay sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, kagaya ng sibling rivalry, pagkawalang galang ng anak at kahit pag-aalaga sa mga batang may kapansanan ay tatalakayin din nila. Bale it is shown on Saturdays and Sundays. Sa day 1, ipapakita ang isyung kinakaharap ng magulang at ng (mga) anak nila. Sa susunod na araw, mag-iimbita sila ng mga experts tungkol sa isyung iyon para pag-usapan kung ano ang maaring gawin ng magulang.

Lobo, Episode 113

Hulyo 4, 2008 by

Patuloy pa rin ang pagtatalo nina Remus at Noah. Hindi raw aalis ng kweba si Noah hangga’t hindi ibinabalik ni Remus si Lyka sa kaniya. Dinala tuloy siya ni Remus sa loob ng simbahan, lol (oh, wait di ba sinabi ni Trixie na kapag nakalabas ng kweba si Noah, magtatagumpay siya?). Pati si Lyka naroroon.

Nagising na si Trixie. Itinatanong ni Anton kung paano mababalik si Lyka sa dati, ayaw sumagot ni Trixie kaya nalalatigo na naman ito. Sinabi ni Trixie na nilalabanan nina Noah at Lyka ang tadhana nila at iyon din ang gagawin niya. Kaya patuloy na may imaginary na latigong humahagupit sa kaniya.

Lobo, Episode 112

Hulyo 3, 2008 by

Sinabi ni Remus na hindi na siya babalik, kung nasaan man daw siya ngayon doon siya nararapat at doon ang itinakda:

Naghihintay sa altar si Noah para kay Gabby. Ikinasal na sila ni Father Ben at pumalapak lahat ng mga tao (lahat noong nandoon sa kasal nina Lyka at Noah, including Manolo). Nag-kiss siya siempre. (Grrr…. .)

Umiiyak si Lyka, ano raw ba ang kasalanan nila ni Noah. Sinabi ni Remus dahil sa nangyari kay Aldos, ipinagbawal na ng tadhana ang magmahal ang taong lobo sa tao. Ayaw pa ring sumuko ni Lyka. Hindi pa raw ba sapat ang mga nagawa niya, ang mga nagawa nila, ang mga pinagdaanan nila?