Archive for the ‘Walang Kapalit’ Category

Walang Kapalit, Episode 89

Agosto 23, 2007

Nalaman na ni Noel na si Ceding ang totoo niyang ina. Ipinagtapat na ni Ceding ang lahat lahat sa kanya. Hindi matanggap ni Noel ang katotohanan.

Pinuntahan ni Victor si Cynthia para itanong kung totoo ang sinasabi ni Melanie na hinihingi ni Cynthia si Noel bilang kapalit sa pagpapaliwanag ni Cynthia kay Ernest sa katotohanan. Sinabi ni Victor na tapos na sa kanila ang lahat. “Sinong tinakot mo,” ang sagot naman ni Cynthia.

Tinawagan ni Melanie si Victor para itanong kung pwedeng sa kanila na lang matulog si Ernest dahil nga nakatulog na ito doon. Pumayag si Victor at sinabi niya kay Melanie na alaagan niya si Ernest at mahal na mahal niya ito bilang isang anak and he only wants the best for him. Nagpasalamat si Melanie kay Victor (na umiinom during that time).

(more…)

Advertisements

Walang Kapalit, Episode 88

Agosto 22, 2007

Ayaw pumayag ni Noel sa balak ni Melanie. Marami raw ibang paraan para mapalapit ang loob ng anak nila sa kanya. At the end si Melanie pa rin ang nasunod.

Ibinalita ni Vanessa kay Elaine ang problema nina Noel at Melanie. Awang-awa si Vanessa sa kanila. And again, ikinumpara na naman ni Elaine ang pangyayari sa isang telseryeng napanood niya.

Naawa daw si Ceding kay Melanie dahil alam niyang napakahirap ng gagawin niya. Ang sabi naman ni Moody, mahirap pero hindi ba’t kinaya naman niya? Mas maswerte naman daw si Ceding kay Melanie dahil siya may choice na sabihin ito kay Noel. Ang sabi naman ni Ceding, hindi naman daw niya tiyak kung paano magrereact si Noel kung malaman niyang siya ang tunay nitong ina.

Kinausap ni Melanie si Brian, may ipapakiusap daw ito.

(more…)

Walang Kapalit, Episode 87

Agosto 21, 2007

Nadedepress si Melanie dahil hindi niya makasama si Ernest. Sinabi ni Ceding na siya nga, 30+ years na niyang hindi masabi sa anak niya na siya ang ina nito. Baka daw may plano ang diyos sa kanila. Darating din daw ang panahon na makikila ni Ernest si Melanie bilang ina niya.

Kinausap ni Victor si Ernest at sinabi nitong ampon siya. Pero wala namang kibo si Ernest., pero umiyak lang ito. Sinabi ni Victor na hindi masamang tao si Cynthia at pakakatandaan niya na mahal na mahal nila ito.

(more…)

Walang Kapalit, Episode 86

Agosto 20, 2007

Pinag-uusapan ng mga kasama ni Melanie sa kulungan kinabukasan. Nangako ito na hindi niya kakalimutan ang mga kasama niya doon. Sila daw kasi ang nakasama niya doon sa pinakamahirap ng stage ng buhay niya. Sila daw ang mga tunay niyang kaibigan.

Masayang sinalubong ni Melanie ang walang kibong si Noel at sinabi nitong napanood niya sa tv ang testmoniya ni Rod. Sinabi ni Noel na buhay pa ang anak nila at si Cynthia ang kumuha ng bata. Napaupo naman at natatawa’t naiiyak si Melanie. Masaya naman siyang niyakap ni Noel. (Lol, huwag muna kayong magsasaya, wala pa sa inyo ang anak mo!)

Sinugod ni Melanie ang doktor na nagpanaak sa kanya, kasama ang mga kasama niya sa preso. Tinangka nitong tumakas pero lahat ng nandoon sa correctional, hinarang siya ng mga ito.

(more…)

Walang Kapalit, Episode 85

Agosto 17, 2007

Ayaw buksan ni Cynthia pintuan kahit anong pilit ni Victor. Andun lang sila sa kama at yakap yakap niya ang umiiyak na si Ernest.

DUmating si Brian sa bahay at tinanong ni Diane kung nasaan ang cellphone niya dahil tawag ng tawag si Victor dahil nga kay Cynthia. Sinabi ni Diane na sabihin na kasi niya ang totoo, once and for all.

Nakalaya na ang isa sa mga kasama ni Melanie sa kulungan. Malungkot silang nagpaalaman.

Dumating si Brian sa bahay nina Cynthia at Victor. Ayaw pa ring buksan ni Cynthia ang pintuan. Binalaan siya ni Brian na kung hindi niya bubuksan ang pinto sasabihin na niya kay Victor ang katotohanan (duh!!! nasa harapan mo lang si Victor, Brian). Sinabi na nga niya kay Victor ang totoo.

(more…)

Walang Kapalit, Episode 84

Agosto 16, 2007

Walang kibo si Noel noong dinalaw niya si Melanie sa kulungan. Hindi niya sinabi ang tunay na dahilan kung bakit nananahimik siya.

Habang gumagawa ng guest list sina Miguel at Vanessa, dumating si Anton at binati ang ikakasal. Hindi raw ito makakarating sa kasal nila dahil papunta siya sa Amerika, baka hindi na raw siya makapunta, kaya pinuntahan niya ang mga ito noong natanggap niya ang imbitasyon nila.

Nag-uusap sina Noel at Ceding, talagang suspetsa na nila na anak nga nina Noel at Melanie ang anak ni Cynthia. Hindi lang nila alam kung paano nila mapapatunayan.

Pinuntahan ni Brian si Cynthia at itinanong ulit kung saan niya nakuha si Ernest. Nagalit si Cynthia kay Brian, tinawag pa nitong baliw ang kuya niya. Sa sobrang galit hinagis na ni Brian kay Cynthia ang blanket na may tatak galing sa correctional.

(more…)