Archive for the ‘Natutulog Ba ang Diyos?’ Category

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 46

Setyembre 27, 2007

Sinabi ni Patria kay Bernardo na umalis na si Gillian sa poder nina Rose. Dadadagdag pa raw siya sa problema nila. Tutulong naman daw siya kahit papaano. KUng sana raw ginamit niya ang utak niya edi sana raw mas malaking pera ang nakuha niya bago siya umalis.

Pinag-uusapan nina Rose at Mike si Andrew. Akala kasi nila kanina alam na ni Andrew ang pagpapa-DNA test nila. Nalulungkot na si Rose sa nangyayari, ang sabi naman ni Mike na pagkatapos ng DNA test magbabago na ang lahat.

Pwede na raw umuwi si Patria pero kailangang ipagpatuloy ang dialysis. Problema naman nila ang babayaran sa ospital. Nag-volunteer si Gillian. Tama raw na siya naman ang kumilos sa pamilya nila tutal matagal naman siyang nakaranas ng ginahawa.

(more…)

Advertisements

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 45

Setyembre 25, 2007

Hindi na raw marerefund ng buo ni Gillian ang tuition fee niya dahil nag-umpisa na ang klase. Si Karla ang nanghihinayang sa hindi pagpapatuloy ni Gillian ng pag-aaral niya.

Binigyan ni Mark ng regalo si Andrew dahil birthday niya. Papunta daw si Andrew sa kanila dahil kailangan niyang magpatulong na hanapin si Gillian.

Tinanong ni Karla kung ano ang plano ni Gillian, sinabi niyang babalik na raw siya sa bahay nila. Nalulungkot naman si Karla dahil naalala niya ang nanay niya. Sabi ni Gillian sana raw maging masaya silang magnanay.

Dumating si Bernardo sa ospital at noon lang niya nalaman na may tumulong kay Patria para makapagpa-dialysis ito. Sinita siya ni Boy dahil sigurado raw na nakipag-inuman na naman ito. At kahit nga si Tina hindi niya pa niya nahahanap.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 44

Setyembre 24, 2007

Nalaman na ni Bernardo na nasa ospital si Patria, pinuntahan niya ito sa ospital at pilit na pinapalakas ang loob nito kahit alam naman nilang parehong wala silang pagkukunan ng pera.

Si Boy rin, nawawalan na ng pag-asa. Umuutang ito sa amo niya sa trabaho pero hindi siya nakautang. Kahit ang nagbibigay ng 5-6 hindi siya napautang dahil baka raw hindi niya kayang bayaran ito. Nakasalubong niya si Andrew sa may sa kanila. Hinahanap ni Andrew si Gillian. Sinabi ni Boy na wala roon si Gillian at sinabi nitong salbahe siya dahil noong huli itong nagpakita kay Patria, pinaiyak niya si Patria. Sinundan ni Andrew si Boy at nakita nito ang hirap ng paghahanap ng pera ni Boy para lang maipagamot si Patria.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 43

Setyembre 20, 2007

Sinabi ni Andrew na bagsak lahat ng grades niya at mukhang ipapadala na siya ng daddy niya sa States. Nagkakalabuan na rin sila ni Gillian. Maayos rin daw nila ang problema nila sabi Mark.

Humingi ng sorry si Andrew kay Mark tungkol sa nangyari noon. Desperado lang daw siya noon at alam niyang siya ang gusto ni Gillian. Siguro daw kung hindi niya ginawa iyon sila na ni Gillian. Hindi rin daw siguro, sabi Mark dahil malayo ang Baguio at hindi niya ito kayang ipaglaban sa mommy niya. Tinanong ni Andrew kung mahal pa ba niya si Gillian…hindi makasagot si Mark.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 42

Setyembre 19, 2007

Pinatuloy ni Patria si Rose. Sinabi ni Rose na totoo palang may sakit si Patria, sana raw sa kanila na lang dumiretso si Patria sa halip na ginulo ni ang isip ni Andrew.

Hinarang ni Bernard si Mike. Bumaba ng kotse si Mike at muntik ng suntukin si Bernardo, at galit na galit na ito dahil sa ginawa ni Bernard kay Andrew. Kay bata bata pa raw ni Andrew anu-ano na ang ipinapasok nila sa isip niya.

Galit na galit na si Rose dahil nga nagkanda-bagsak bagsak si Andrew dahil doon.

(more…)

Natutulog ba Ang Diyos? Episode 41

Setyembre 18, 2007

Nakita ni Gillian na nagsusuntukan sa pool sina Andrew at Mark at dito niya narinig na sinabi ni Andrew kay Mark na sila na ni Gillian kahit na noong hindi pa talaga sila. Nagalit si Gillian kay Andrew. Sinabi naman ni Mark na kaya lang nagawa ni Andrew iyon ay dahil mahal siya nito.

Nakita ni Boy na nag-eempake si Tina at lalayasan na sila nito. At nakita pa ni Boy na my engagement ring pa si Tina. Noong paalis na si Tina, nagising si Patria at pinigilan siya nito. Ayaw papigil ni Tina at hinabol siya ni Patria. Hindi ito nagpapigil. Nawalan ng malay si Patria at isinugod siya sa ospital ng mga kapitbahay niya at ni Bernardo.

Si Andrew naman nag-eemote sa kwarto niya.

(more…)