Archive for the ‘My Girl’ Category

My Girl, Episode 02

Mayo 28, 2008

Walang nangyari sa lead na pinuntahan nina Julian sa China. Gusto lang ng babae ang makuha ang reward.

Kinidnap nga mga tauhan ni Asyong si Chito.

Hinahabol ng mga tauhan ni Asyong si Jasmine kaya noong muntik na siyang mabundol ng kotseng minamaneho ni Julian (na nagmamadali dahil inatake na naman ang Lolo niya) ay nagkunwari siyang nabundol nito. Dinala ni Julian at ng secretary niya si Jasmine sa ospital.

Nalaman ni Jasmine mula sa business card na iniwan ni Julian para sa kanya na mayaman siya. Sinadya niya ito para magbakasaling makahiram ng pera at nagkunwaring may masakit pa sa pagkakabundol nito sa kanya. Nakita ni Julian ang result ng mga tests ni Jasmine kaya alam nitong wala talagang masakit kay Jasmine.

Nakilala na rin niya si Jasmine bilang ang babaeng nanggulo sa eroplano.

Noong paaalis na si Jasmine nakita ni Julian na magkahawig ang tita niya at si Jasmine.

Hinawakan ni Julian ang mukha ni Jasmine habang dala-dala ang framed picture ng tita niya…

Advertisements

My Girl, Episode 01

Mayo 27, 2008

Meet Jasmine (Kim Chiu), isang tour guide na sa likod ng masayahing mukha ay mga problemang kinakaharap niya sa buhay nilang mag-ama si Chito (Lito Pimentel)

Meet Julian (Gerald Anderson), mayaman, edukado. Walan ng karanasanang magpatakbo ng kumpanya ngunit napunta sa kanya ang responsibilidad dahil sa pagkakasakit ng kanyang Lolo Daddy (Ronaldo Valdez). Nakapatong din sa mga balikat niya ang responsibilidad ng paghahanap sa nawawala niyang pinsan na si Hannah.

Naipanalo ng tatay ni Jasmine ang pera ng ni Asyong, isang pinuno ng mga sindikato, sa karera ng mga kabayo ngunit nanakaw ito mula sa mga kamay niya. Paano mababayaran ni Chito (Lito Pimentel) at Jasmine ang P300,000 ni Asyong ngayong ni pambayad ng renta ay wala sila?

Nagpunta sa China(?) si Julian para sa isang lead tungkol sa nawawalang pinsan. Para madelay ang pag-alis ng eroplano upang makasakay ang mga tinu-tour ni Jasmine, gumawa ito ng commotion sa airport at nagkunwaring may boyfriend siya sa loob ng eroplano at kinakailangan lang niyang sabihin dito na minamahal niya ito. Sa paghahanap ng lalaking madadramahan, napaupo ito sa kandungan ng nabiglang si Julian…

(Sige gagawin ko na ang update nito dahil pinapanood ko rin naman pero maikli lang ha. Iyong gist lang ng story ang isusulat ko.)

Kim Chiu on “My Girl” remake?

Marso 7, 2008

Kim Chiu got a shock when she discovered that she had landed the lead role in the local version of the hit Koreanovela My Girl during the Dream Big Kapamilya press con. (Read More…)

Thoughts?