Archive for the ‘Maria Flordeluna’ Category

Maria Flordeluna (June 14, 2007)

Hunyo 14, 2007

Ang nangyari:

Nakatakas sila.

Hinabol sila ni Gary.

Tinawagan ni Flor si Leo.

Kinausap ni Jo si Leo.

Nagkwentuhan pa sila habang nasa car chase sina Jo: Sinabi niya kay Leo na mahal niya ito blah-blah-blah, si Leo ganun din. Sinabi din niya na may nakuha siyang ebidensiya na naglilink kay Gary at ng iba pang mga heneral sa smuggling case na ibinibintang sa kanya.

Nakarating sina Jo and co. sa palengke.

Nakapagtago sila isang delivery truck.

Itinago sila ng driver sa isang kilala niya.

Pinagbati ni Flor sina Jo at Brigida.

May dumating na sasakyan.

Tumakbong papalabas si Flor para salubungin…………ang mga kikidnap sa kanila.

Dumating si Leo. Narinig niya ang sigaw ni Jo.

Nakaalis na papalayo ang van na kinalalagyan nina Flor.

Ang sa ganang akin:

🙄

Advertisements

Maria Flordeluna (June 13, 2007)

Hunyo 13, 2007

Ang nangyari:

Nakita ni Gary ang mga gamot na ilalagay sana sa kape niya sa bulsa ni Flor. Nagalit ito at pilit tinatanong kung sino ang nag-utos sa kanya. Gustong tulungan ni Jo si Flor pero ayaw pa niyang ipaalam kay Gary na magaling na siya ka nagkunwari na naman siyang nagwawala para madistract niya si Gary sa pananakit kay Flor.

Sinabi ni Brigida kay Gary na siya ang nag-utos kay Flor para lagyan ng gamot ang kape ni Gary. Nagalit si Gary at hiwalay na ikinulong si Brigida.

Kausap ng mga kakutsabang heneral ni Gary ang kanilang leader. Pero hindi pa ipinapakita kung sino to. (Hula ko si Torres yun).

Nalaman ni Leo na itatakas ni Gary ang pamilya niya palabas ng bansa.

Habang nakasakay sina Jo, Flor, Brigida, at Gary “nagwala” na naman si Jo. Kaya walang choice si Gary kung hindi idaan sa ospital ito.

Nakuhang makatakas nina Jo, Flor, at Brigida at nakakuha pa sila ng kotseng magagamit. Hindi lang iyon nagawa pang lagyan ng acid(?) ang makina ng sasakyan ni Gary.

Nakamaneho na sina Jo papalayo…

Ang sa ganang akin:

How convenient naman na iiwan ng walang medical supervision ang isang babaeng nagwawala. Gaano ba kabigat iyong tranquilizer na kukunin nila? Lol. At saka convenient din na andun lang ang susi ng kotse at cellphone sa ibabaw ng mesa. Atsaka hindi ko alam may mechanical knowledge pala si Jo, ano ba iyong inilagay niya sa sasakyan ni Gary? At saka why was it opened up like that in the first place? Ginagawa ba nila iyong sasakyan? Hay naku…

Maria Flordeluna (June 12, 2007)

Hunyo 12, 2007

Ang nangyari:

Nakalusot si Flor at Jo kay Gary at hindi naman nakahalata si Gary na may binabalak ang dalawa. Pero noong mukhang sasaktan niya si Flor, nginitian siya ni Jo para madivert ang atensiyon nito sa kanya.

Narinig na nila Reneboy at Wilma na may posibilidad na patay na si Flor kaya inatake si Reneboy ng asthma nito.

Nagkausap na sina Brigida at Jo. Galit na galit si Jo kay Brigida at umiiyak na humihingi naman ng tawad si Brigida sa kanya.

Nagpasiya ang mga heneral na kasabwat ni Gary na patayin si Gary para hindi na sila mablack mail nito. Pero ang ipinaalam nila kay Gary, ipupuslit nila ito sa labas ng bansa.

Nakita ni Gary na nilalagyan ni Flor ng gamot (tranquilizer yata) ang kape niya…

Ang sa ganang akin:

Medyo nakakainip iyong episode na to…

Maria Flordeluna (June 11, 2007)

Hunyo 12, 2007

Ang nangyari:

Si Jo nga ang humila kay Flor para hindi siya mahuli ni Gary. Ayaw munang ipaalam ni Jo kay Brigida na naalis na ito sa pagkatulala at hindi daw siya sigurado kung saan ang loyalty nito.

Tinorture nina Leo si Castro para malaman nila kung saan nagtatago si Gary. Sinabi ni Castro na buhay pa si Flor. Itinuro nito ang isang bahay kung saan daw nagtatago si Gary. Namatay si Castro sa gitna ng putukan at nalaman nina Leo na naisahan sila nito dahil mali ang lugar na itinuro niya sa kanila.

Samantalang si Gary naman ay nag-iipon ng mga ebidensiya para ipang-blackmail sa mga kasabwat niyang mga heneral na ayaw ng tumulong sa kanya. Kinuhanan niya ng letrato gamit ang kanyang cellphone habang hinahalikan niya si Gretchen sa party ni Ruffa Mae ang mga ebdensiya ipinadala niya ito sa mga heneral para ipaalala sa kanila na may hawak siyang mga katibayan laban sa kanila.

Dahil hindi nga alam ni Brigida na aware na si Jo sa nangyayari, minemention pa rin niya ang tungkol sa nangyari kay Wilma, hindi tuloy natiis ni Jo at sinugod niya ang nanay niya.

Nakabalik ulit si Jo at Flor sa kwarto kung saan itinago ni Gary ang mga papeles. Kukunin na ni Jo ang mga papel ng biglang sumulpot si Gary…

Ang sa ganang akin:

Bakit ba gumawa pa ng flowchart sina Gary doon sa sindikato nila? Ano to elementary school admin? Naku ha…

Maria Flordeluna (June 08, 2007)

Hunyo 8, 2007

Ang nangyari:

Galit na galit si Gary kay Leo dahil akala nito ay siya ang nagbigay sa media ng footage nung binaril ni Gary si Leo at ang tatay nila. Pinapatutok niya ang baril niya habang kausap niya si Leo para akalain ni Leo na binaril niya si Flor.

Ikinulong na ulit nina Gary sina Flor, Jo, at Brigida sa kwarto, doon mismo ay naalis na sa pagkatulala niya si Jo. Pero iyak pa rin ito ng iyak. Pinatahan siya nina Flor at Brigida (may mother, daughter, and step-lola “moment” sila ulit dito). Later on, nagplano si Brigida at Flor kung paano malulusutan ang mga gwardiya.

Patuloy parin ang paghahanap ngayon kay Gary na siya ng wanted sa mga kinauukulan. Pero hindi pa rin tuluyang nalilinis ang pangalan ni Leo kaya pati siya wanted pa rin hanggang sa mapatunayang wala talaga siyang kasalanan sa mga smuggling charges na laban sa kanya.

Sinundan ni Leo si Castro para malaman kung saan nagtatago sina Gary. Nacorner niya ito sa kotse…

Nakapuslit naman si Flor sa mga gwardiya (courtesy of Brigida), muntik na siyang mahuli ni Gary, pero may humila sa kanya– si Jo.

Ang sa ganang akin:

Akala ko talaga last week na ng show na ito ngayon.

Maria Flordeluna: Hindi pa tapos?

Hunyo 8, 2007

Ha? Akala ko ba ngayon matatapos to?