Archive for the ‘Margarita’ Category

Margarita, Episode 34

Setyembre 13, 2007

Sinabi ni Bernard na mainit ang pagtanggap ng pamilya niya kay Margarita pero hindi nila alam ang totoo nitong trabaho. Gusto lang daw niyang malaman kung saan mapupunta ang nararamdaman nila.

Nalaman nina Bernard nahired killer ang hinahanap nilang lalaki. Nagtataka ang kasama niya kung bakit hindi pa sila tinuluyan nito. Baka raw kasi wala pang shoot to order, sabi ni Bernard habang nakatingin kay Ramon.

Sinabi ng kasama (or advisor) ni Robert na may spy sila sa kabilang kampo at nalaman niya na balak nilang ungkatin ang nakaraan ni Robert at marahil hanapin ang una nitong pamilya.

(more…)

Advertisements

Margarita, Episode 33

Setyembre 12, 2007

Ipinakilala ng isa sa mga volunteer si “Greta” kay Bernard. Nalaman ni Margarita na bayaw ni Bernard si Robert.

Niyayang maglunch ni Bernard si Margarita na siya namang pinaulakan nito. Nalaman ni Margarita hindi first time ni Bernard na makita siya noong isinakay siya nito sa taxi. Nakita na niya itong nagsasayaw before hand at nakita din niya kung paano sinupalpalan ni Margarita si Guttierez noong itinable siya nito.

Sinabi ni Bernard na gusto niyang maging kaibigan si Margarita.

(more…)

Margarita, Episode 32

Setyembre 11, 2007

Kinamayan ni RObert si Margarita, wala siyang kamalay-malay anak niya ang kinakamayan niya. Napansin niya na maluha-luha si Margarita, tinatanong niya kung bakit ito naiiyak, may problema daw ba siya sa pamilya? Iboto lang daw siya sa kongreso at makakatulong siya.

Napansin ni Gabby na malungkot ang ate niya. Ang akala niya si Robbie lang ang dahilan, kaya ikinuwent niya kay Margarita na pinuntahan siya ni Robbie sa iskwelahan at inabutan siya ng pera dahil may trabaho na raw ito.

Nag-uusap si Ramon at isa sa mga kasabwat nito. Gusto ng ipaligpit ng kasabwat nito, pero parang anak na raw kasi niya si Bernard at wala na raw kasi siyang pamilya. Siya rin daw kasi ang nagturo kay Bernard na maging matapang, na may prinsipyo. Kung ibang pagkakataon lang daw, baka maging proud pa ito sa kanya, hindi niya inaasahang aabot sila sa ganito. Sinabi ng kasama ni Ramon na balang araw si Bernard ang magpapabagsak sa kanya.

(more…)

Margarita, Episode 31

Setyembre 10, 2007

Malinaw na raw kay Margarita ang lahat, hindi siya talaga mahal ni Rodrigo. Naalala niya lahat ng pinagsamahan nila ni Rodrigo mula noong bata sila hanggang noong huli silang magkita.

Tinawagan ni Ramon si Morales para ibalitang patay na si Rodrigo.

Nasa simbahan si Margarita. Kinakausap niya si Carding at nagpapasalamat ito sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa kanilang pamilya. Patawarin daw siya nito dahil kailangan na niyang kalimutan si Rodrigo.

(more…)

Margarita, Episode 30

Setyembre 7, 2007

Tinanong ni Didith kung ano ang plano niya. Hahanapin niya raw si Robbie. Tapos na raw sa kanila ni Rodrigo ang lahat. Bigya naman daw niya ng isa pang pagkakataon, sabi ni Didith, baka nabigla lamang daw si Rodrigo. Isa lang daw ang ibig sabihin ng panghuhugsa ni Rodrigo sa kanya, hindi siya nito ganoon kamahal. Hindi raw niya siya kailangan, ang kailangan daw niya ay ang taong tatanggapin siya kung sino siya.

Sinabi ni Bernard kay Ramon na baka raw tama si Rodrigo na baka mas may mataas pa kay Scarface. Sinabi ni rin niya dito na nakita niya na ang bumaril sa kanila noong nakaraang gabi ay ang “doktor” na nakita niya noong dinala nila si Carding sa ospital. Nagalit si Ramon, bakit daw mas naniniwala pa siya kay Rodrigo kaysa sa kanya.

(more…)

Margarita, Episode 29

Setyembre 6, 2007

Nakita ni Margarita si Rodrigo. Nagpunta ito sa stage at hinila si Margarita papalabas ng club. Isinakay niya ng taxi si Margarita

Sinabi ng kasama ni Bernard na mulhang tinamaan ito kay Margarita. Para daw hindi siya ordinaryong bar girl, parang may kakaiba sa kanya. May strength of character, kita naman daw nito kung paano niya binara si Guttierez.

Dinala ni Rodrigo si Margarita sa isang motel(?).

May humarang kina Bernard. Nagbarilan sila.

(more…)